Halos mapangiti ako nang maramdaman ang komportable at malambot na bagay na kinahihigaan ko. Sa sobrang lambot niyon ay para akong inihehele at mas natutukso akong humilata at huwag nang bumangon pa. Malamig din ang temperatura kaya mas lalo kong niyakap ang makapal na telang nakabalot sa akin. Bahagya akong dumilat. Napahagikhik ako nang makitang hindi maliwanag ang paligid. Muli akong pumikit at umayos sa pagkakahiga para ipagpatuloy ang masarap na pagtulog— Teka... Pagtulog? Malambot na higaan? Makapal na telang nakabalot sa akin? Malamig at medyo madilim na paligid? Kasabay nang pagmulat ng mga mata ko ay ang reyalisasyon kung nasaan ako sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang maalalang nandito nga pala ako sa kompanya nina Ric— sa kanyang opis