“What?!” “You two kissed?” Napapikit na lang ako dahil sa magkasunod at nakakabinging tanong na iyon nina Letti at Sabina. Mabuti na lang talaga at nandito kami sa office ni Letti sa isa sa mga restaurant n’ya. Hindi ako nangangambang baka maeskandalo ang makakarinig sa kung anong pinag-uusapan namin. We decided to bond here. Mas mabuti na kaysa sa condo ng kahit sino sa dalawa dahil ayaw naman ni Sabina na tumambay doon at may trabaho rin si Letti kahit Linggo kaya narito kaming tatlo. Hindi ko nga lang inaasahan na ang tungkol sa nangyari sa amin ni Rica ng magiging topic namin kahit kanina lang ay iyong tungkol sa pamilya ni Sabina ang pinag-uusapan namin. Dahan-dahan akong tumango habang sumisimsim sa tsaa. Halos masamid nga lang ako nang hampasin na ako ni Sabina habang humahalak