"What was that?"
Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa backseat ng sasakyan ni Markiel bago s'ya hinarap.
Kanina pa kami nakauwi at hindi kami kaagad bumalik sa mansyon nina Sabina. Dalawang oras din yata ang pinalipas namin bago magpasyang bumalik na roon. Kinailangan din naman ni Markiel na magpakita sa kanila at para na rin makasama n'ya ang pamilya n'ya kahit sandali lang.
Nalaman kong biglaan ang uwi n'ya at walang nakakaalam ng tungkol doon mula sa pamilya n'ya at lalo na itong pag-uwi n'ya ngayong araw. Sigurado akong na-shock sila kanina nang dumating ang lalaki. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit hindi s'ya nagsabi.
Sa pagdaan ng mga taon ay walang nagbago sa pagkakaibigan namin ni Markiel. Iyon nga lang, dahil nakabase ako sa Canada at s'ya naman ay kung saan-saang bansa naglalaro, minsan na lang kami magkita at hindi sapat iyon para makapag-catch up kaming dalawa.
Kulang na kulang ang panahong nagkakasama kami. Minsan nga lang ay nakasingit lang iyon sa schedule ng bawat isa sa amin.
Isinara ko ang pinto ng backseat at nakataas ang kilay na hinarap ang kaibigan.
"What do you mean?"
Nangunot ang noo ni Markiel. "Iyong kanina sa mansyon ng mga Ricaforte. Anong meron at ni kahit hi or hello ay hindi ka man lang binati ni Ric? Ganoon ba kasama ang naging paghihiwalay n'yong dalawa para ituring ka n'ya bilang hangin?"
Napaismid ako. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at naupo roon.
Nagkunwari akong hindi ako interesadong sagutin ang tanong na iyon ni Markiel ngunit ang totoo ay hindi ko talaga alam kung paano iyon sasagutin. Hindi rin kasi ako sigurado kung anong klase ng paghihiwalay ang nangyari sa amin ni Ric.
Isa lang ang alam ko, hindi talaga maganda iyon. Nagkasakitan kami, iyon ang totoo.
At sa totoo lang, may karapatan si Ric na magalit sa akin. Nasa kanya ang lahat ng karapatan na sumama ang loob at hindi ko s'ya masisisi kung maging malamig ang pakikitungo n'ya sa akin.
Akala ko lang talaga ay napaghandaan ko na iyon. Nauunawaan ko kung bakit parang hindi n'ya ako nakikita pero hindi ko inaasahan iyon.
Mahirap mang aminin pero hindi ko magawang hindi makaramdam ng sakit sa uri ng pakikitungo n'ya sa akin. He's treating me like a ghost. Nakikita n'ya ako pero parang wala lang sa kanya ang presensya ko.
I mean... Hindi naman ako umaasang ituring n'ya ako bilang isang matalik na kaibigan pero sana ay hindi n'ya ako itinuturing na parang hindi nag-e-exist.
Napakurap ako nang isara ni Markiel ang pinto ng driver's seat. Gusto ko sanang sasakyan ko na lang ang gamitin namin dahil siguradong hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nakakapagpahinga pero masyadong makulit ang lalaki. Na-miss n'ya raw ang sasakyan n'yang malapit nang lumutin sa garahe ng bahay nila.
"Natulala ka na," komento ni Markiel. Dumukwang s'ya sa akin at ikinabit ang seatbelt. "Nagtataka lang ako kung bakit ganoon ka pakitunguhan ni Ric. Parang hindi naging kayo sa uri ng pakikitungo n'ya sa 'yo. Well, ni hindi ko nga matatawag na pakikitungo iyon dahil ni hindi ka man lang n'ya magawang tingnan."
Umismid na lang ako. "Tigilan mo na ako, Markiel. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos ibang tao pa ang pag-uusapan natin? Let's talk about something else."
Eksaheradong nanlaki ang mga mata n'ya. Isinuot n'ya ang sariling seatbelt. "Whoa! So, ibang tao na lang pala si Ric ngayon?"
Wala akong nagawa kundi ang umirap na lang. "Oh, please. Stop that, Mark. Sabihin na lang natin na wala na talagang magbabago. Naging ganito na ang lahat kaya wala na tayong pagpipilian kundi ang magpatuloy sa mga buhay natin."
Markiel just shrugged his shoulders. "You sounded bitter, Gabriella. Alright. Kung 'yan ang gusto mo, 'yan ang gawin natin."
Binuksan n'ya ang makina ng sasakyan at maya-maya pa ay nakalabas na kami mula sa kanilang bakuran.
Palalim na ang gabi at natural lang na iilan na lang ang mga sasakyang nasa kalsada.
Ibinaba ko ang bintana sa tapat ko at halos mapapikit pa ako nang masamyo ang malamig na hangin. Presko iyon at talagang nakapagpapakalma ng pakiramdam.
Ilang sandali ring nakatingin lang ako sa tanawing nasa labas ng bintana. Hindi na rin naman nagsalita si Markiel kaya mas lalong nakakabingi ang katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan.
Pagkaraan ng may lima pang minuto ay isinara ko na ang bintana at nilingon si Markiel na seryosong-seryoso habang nagmamaneho. Nasa kalsada ang mga mata n'ya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela. Ang kaliwa n'yang braso ay nakatukod sa bintana sa tapat n'ya at ang kamay ay nasa may labi.
"Are you alright?" I asked him.
"Huh?" Nawala ang pagiging kalmado ng itsura n'ya. Sumulyap s'ya sa akin. "Ano iyon?"
Napailing ako. "Tinatanong ko kung okay ka lang dahil mukhang hindi naman. At bago ka magsinungaling at sabihing wala kang problema, gusto kong ipaalam sa 'yo na kilala na kita kaya alam kong mayroon kang pinagdadaanan."
Markiel smirked. "Oh, you caught me off guard."
I crossed my arms and faced him. "So, what is it? Tungkol ba ito sa dahilan kung bakit ka napauwi ngayon? Wala naman sa schedule mo ang ilang buwan na bakasyon pero narito ka ngayon."
Tumawa nang malakas si Markiel. "Sino namang nagsabi sa 'yo na ilang buwan akong mananatili rito?"
Kaagad na tumaas ang kaliwa kong kilay. "Masyado naman yatang madami ang dala mong galit para sa ilang araw o ilang linggong bakasyon mo. Alam ko ring isa ka sa importanteng player sa Major League kaya sigurado akong hinding-hindi ka nila papayagang mawala nang matagal."
"Hmm..." He glanced at me. "Mukhang gumaling ka nang mag-obserba, ah."
Kinurot ko s'ya sa braso kaya kaagad s'yang napa-aray.
Kaagad akong natigilan nang ma-realize na mahina lang ang kurot ko pero napangiwi na s'ya roon. I eyed his shoulder. Ayoko man ay kinabahan ako sa maaaring dahilan ng naging reaksyon n'ya.
"Markiel... Tell me, may injury ka ba?" tanong ko na naging dahilan nang muntik na n'yang pagpreno.
"What?" Tumabingi ang ngiti ni Markiel. Dalawang kamay na n'ya ang nagmamaniobra ng manibela. "Ano bang sinasabi mo?"
Hinawakan ko ang braso n'ya. "Wala ka bang planong sabihin sa aking ang dahilan kung bakit kailangan mong manatili rito sa Pilipinas samantalang ilang buwan na lang ay magsisimula na ang world series?"
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan n'ya. "I was told that I have to sit out from my team's dugout."
"What?!" Kulang na lang ay takipan ni Markiel ang mga tainga n'ya dahil sa lakas ng boses ko. "Bakit daw? Hanggang kailan?"
He bit his lower lip before smiling. "Six to seven months. Depende pa iyon sa magiging resulta ng therapy ko."
Literal na napanganga ako sa narinig. Ni hindi ko ma-imagine na hindi maglalaro si Markiel sa isang game kaya hindi ko alam kung ano ang maaaring nararamdaman n'ya ngayon na hindi s'ya makapaglalaro sa buong season o baka higit pa.
"I'm fine, alright?" He forced a smile.
Nahalata ko nga lang na kabaliktaran ng ngiti n'ya ang totoo n'yang nararamdaman.
"Kailangan ko lang talagang ipahinga ang balikat ko. May training din ako na ginawa ng team. Suwerte na nga ako dahil hindi mauuwi sa operasyon itong injury ko. Kailangan ko lang talagang pagtuunan ng pansin ang therapy ko."
Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay ako ang nakaramdam ng lungkot dahil sa pinagdaraanan ng kaibigan.
Markiel laughed. He pinched my cheek. "Huwag ka nang mag-alala, okay lang talaga ako. Kung tutuusin ay magandang pagkakataon na rin ito para makapagpahinga ako. Matagal na rin akong hindi nakakapagbakasyon."
Umismid ako. Alam kong nagsisinungaling s'ya. Hindi s'ya okay, alam at nararamdaman ko iyon.
Buhay na n'ya ang baseball. Pinaghihirapan n'ya ang bawat karangalang naaabot. At ngayong ilang buwan din s'yang hindi makakapaglaro, nasisiguro kong hindi maganda ang nararamdaman n'ya tungkol doon.
I heaved a sigh. Kumilos ako at hinawakan ang kamay n'ya. "Basta, sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng kaibigan, kaagad akong dadating."
"Paano kung hindi lang pala isang kaibigan ang kailangan ko?" he asked playfully. Maging ang kislap ng mga mata n'ya ay naging mapaglaro.
Nangunot ang noo ko. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"
Markiel chuckled then shook his head. He pointed towards the front. "Nandito na tayo."
Nang tingnan ko ang itinuturo n'ya ay nakita kong nasa harapan na kami ng mansyon ng mga Ricaforte at papasok na kami sa malaking parking space ng mansyon.
Kinalabit ko si Markiel. "Let's mourn for now. Kailangan tayo ni Sab pero promise me, sasabihin mo sa akin ang buong detalye ng injury mo at kung ano ang magagawa ko to make you feel good, alright?"
Nangunot ang noo n'ya, halatang nag-iisip. "Alright! Don't worry, tatandaan ko 'yan. Panahon na rin siguro para ituloy ko ang bagay na sana ay sinimulan ko na noon pa."
Noo ko naman ang nangunot. "Ano 'yon? Bakit parang hindi ko yata alam iyon?"
Muli s'yang tumawa. "Soon. I'll tell you, soon."