Chapter 10

1196 Words
"Magiging okay lang kaya si Sabina?" mahina at puno ng pag-aalalang tanong ni Letti. Tumango ako at sinulyapan ang kaibigan namin. Payapa s'yang natutulog sa kama n'ya ngunit halata pa rin kung gaano kasakit ang kanyang pinagdadaanan. Namumugto pa rin ang mga mata n'ya. "Halika na, Letti. Baka mamaya pa magising si Sab lalo na at pagod na pagod s'ya." Sabay na kaming lumabas mula sa silid ni Sab. Bumaba na kami sa unang palapat at nadatnan namin doon ang iba pa naming mga kaibigan. Mabilis na sumalubong sa amin si Reymond. "Okay na ba si Sabina?" nag-aalala n'yang tanong. Tinapik ni Letti ang balikat ng lalaki. "She's sleeping now, Rey. Huwag ka nang mag-alala." Nakahinga nang maluwag si Reymond. "Mabuti pa ay magpahinga na rin kayong dalawa. Kagabi pa kayo walang tulog dahil sa pag-aasikaso sa mga bisita." Sinapo ko ang ulo. Alas sais na ng gabi at Linggo na ngayon. "Sa bahay na lang siguro ako magpapahinga, Reymond." Bukas ang simula ng trabaho ko at hindi maganda kung a-abseng agad ako sa unang araw ko. Kaagad na umiling si Reymond. "Nagpahanda na ako ng magiging silid n'yo rito. Mabuti pa ay magpahinga na lang muna kayo rito. Ipinapalinis ko na rin iyong dalawang guest room para sa iba." Mula sa sofa ay tumayo si Alfon at lumapit sa amin. "Huwag ka nang mag-alala, Gab. Naitawag ko na kay Kuya Road ang sitwasyon at sinabi n'yang puwede kang mag-extend ng isang linggo as your vacation." Iginala ko ang mga mata. Narito kami sa kabilang bahagi ng mansyon ng mga Ricaforte. Malaki ang living room sa bahaging ito at mahahaba ang mga sofa ngunit dahil kompleto kaming magkakaibigan ay parang lumiit ang buong lugar. Ang mga labi ng grandparents nina Reymond at Sabina ay nasa kabilang bahagi ng mansyon. Nandoon din ang karamihan ng mga bisita dahil mas malawak ang receiving area roon. Napahinga ako nang malalim nang makitang tila nakatulog na si JC habang nakaunan sa mga hita ni Macky. Nagawang makauwi ng lahat at hindi ko maiwasang malungkot dahil pagkatapos ng maraming taon ay ngayon lang ulit kami nakompleto, at dahil pa iyon sa hindi magandang dahilan. "Uuwi rin muna ako," sabi ko. "Kailangan kong magpaalam kay Tita at kailangan ko ring kumuha ng mga gamit." "Wala ba kayong dalang gamit?" Tumayo na si Chris. "May dala na kaming gamit." Itinaas ni Letti ang kamay. "Kailangan ko ring kumuha ng gamit at dadaan ako sa restaurant para magbilin sa mga staff ko." Napatingin ako kay Macky nang bigla na lang s'yang tumayo. Muntik pa ngang mahulog mula sa sofa ang natutulog pa ring si JC. "Ako na lang ang maghahatid sa 'yo, Letti," ani Reymond. "Huwag na," tutol ko. "Mahirap na at baka may makakilala sa 'yo. Baka ma-bash pa si Letticia." Natawa si Reymond. "Hindi 'yan. Hindi naman ako bababa ng sasakyan. Hihintayin ko na lang s'ya and kung bababa man ako ay may mask and cap naman ako." "Kailangan ko ring umuwi para magpakita sa amin." Lahat kami ay napatingin sa nagsalita. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin ng jsa sa pinakamatalik kong kaibigan. Muntik ko nang makalimutan na umuwi na rin si Markiel. Ni hindi ko pa s'ya nababati mula nang dumating s'ya. "On the way na raw si Conrad," imporma sa amin ni Sebastian. "Oh, wala pa pala ang isang iyon? Hindi ko man lang napansin," komento ni Chris na abala sa pagsabunot sa natutulog na si JC. "Ikaw na ang bahala kay Letti, Reymond." Hinarap ko ang lalaki at itinuro ang labas. "Mauuna na ako." Kinuha ko sa bag ang susi ng sasakyan pero kaagad na may kumuha niyon sa kamay ko. Nangunot pa ang noo ko nang makitang hawak na ni Markiel ang susi. "Ako na ang magda-drive. Wala akkng dalang sasakyan at ayoko namang mag-book pa ng taxi," aniya. Napatawa na lang ako. Hindi ko akalaing pagkatapos ng ilang taon naming hindi pagkikita ay ganito ang magiging una naming interaksyon. I looked at his luggages. Dalawang suitcase iyon at may isa pang travelling bag na nakapatong sa isang suitcase. May backpack din s'yang nakasukbit sa balikat. Nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin. Nauna na kami kina Letti at Reymond. Nagkagulo pa ang mga lalaki dahil pinagtulungan nilang buhatin paakyat ang tulog pa ring si JC. Dumiretso na kami sa entrada ng mansyon at hindi talaga pumayag si Markiel na ako ang magdadala ng isa sa mga gamit n'ya. Pinanindigan n'yang dalhin ang mga luggages n'ya. "Noong sinabi ni Reymond na kasama ka nina Sab at JC, akala ko ay prank lang iyon," simula ko habang palabas kami sa malapad na entrada ng mansyon ng mga Ricaforte. Tipid na ngumiti si Markiel. "May laro ako sa Belgium and JC watched it. Niyaya n'ya akong gumala and nakarating kami sa Paris so we decided to visit Sabina." Tumango-tango ako at muling napasulyap sa dalawa n'yang suitcase. "May nangyari ba sa 'yo?" I asked. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil na rin si Markiel. "What do you mean?" Itinuro ko ang mga dala n'ya. "Naglaro ka lang sa Belgium at gumala lang kayo sa Paris pero bakit ganyan kadami ang dala mong gamit? And bakit napauwi ka rin dito sa Pilipinas?" Kumamot sa batok si Markiel. "Namatayan sina Sabina at Reymond kaya natural lang na umuwi ako." Umiling ako, tanda na hindi ako naniniwala. "Anong klaseng injury ang nakuha mo?" Markiel didn't answer. Iniwasan n'ya ang mga mata ko at tumingin sa paligid. "Mark..." Hinawakan ko ang braso ng kaibigan. "Okay ka lang ba talaga?" He looked at me then giggled. "Kanina mo pa dapat 'yan itinanong sa akin." "I'm sorry, ang daming nangyari sa araw na ito at hindi ko rin alam ang gagawin." Tinanggal ni Markiel ang pagkakahawak sa isa sa mga suitcase at pinisil ako sa pisngi. "I'm fine, Gabriella. Saka ko na sasagutin ang mga tanong mo kapag nakauwi na tayo. This is not a perfect place for that." Kaagad akong tumango. "Sure. Naiintindihan ko." Nagpatuloy kami sa paglalakad pero kaagad ding napatigil nang makasalubong namin ang dalawang lalaking hindi ko talaga inaasahang makikita ko sa mga sandaling ito. "Ric, Gian," bati ni Markiel sa dalawa. "Markiel," ganting bati ni Ric. Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay nakita ko s'ya nang malapitan. Ngunit ang bati ni Ric ay hindi na nasundan pa. Tumango lang s'ya sa kaibigan ko bago kami nilampasan at dumiretso sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko nga ay hindi n'ya man lang ako nakita. He treated me as if I was not here. "Nakauwi ka na pala, Markiel," wika ni Gian na nakapagpalingon sa akin sa lalaki. Tumango si Markiel. "Ah, yes. Kasabay kong umuwi sina JC at Sabina." "Oh, I see..." Iyon lang at nagpaalam na rin si Gian. Tumango lang s'ya sa akin bago sumunod kay Ric. Napalunok ako at nang tuluyan nang makaalis ang dalawa ay saka ko lang na-realize na nagpipigil na ako sa paghinga. Nang lumanghap ako ng hangin ay kulang na lang ay masamid ako. "Okay ka lang ba, Gabriella?" Markiell poked my cheek. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Yeah. Mas mabuti pang magmadali na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD