Ilang beses pa akong napasulyap kay Ric. At kahit na yata ilang beses ko pa s’yang nakawan ng tingin ay hindi na talaga magbabago ang itsura n’ya. Kunot na kunot ang noo n’ya habang diretso ang tingin sa empleyadong nagsasalita sa unahan. Mula sa kompanya nila ang empleyadong iyon at isa sa mga makakasama namin sa project na ito bilang representative ng kanilang kompanya. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Alfonso o kung ano man ang pinag-usapan nila. Wala rin naman kasing nagbanggit sa akin kung ano ang binahagi nilang dalawa. Ang malinaw lang ay bumalik si Ric kanina nang nakabusangot na ang mukha. Tinupad naman n'ya iyong sinabi n'yang sabay na kaming pupunta sa conference room para sa meeting ngayon. Mukha nga lang s'yang bad trip. Muli ko s'yang si