"Oh, shît!" Kasabay nang pagbukas ng pinto ng opisina ko ay ang malakas na pagmumura ng pumasok doon. I saw Alfonso. Hindi makapaniwalang tinitingnan n'ya ang kabuuan ng opisina ko. "What the hell are these flowers, Gabriella?" Nasa boses n'ya ang pinaghalong confusion at iritasyon. "Muntik na akong masubsob! Akala ko ay flower shop itong pinasukan ko at hindi opisina!" Hindi ako nagsalita. Kahit kasi ako ay nai-stress sa nangyayari. Alas cuatro na ng hapon at maya-maya lang ay matatapos na ang office hours pero wala nang espasyo rito sa silid ko. Punong-puno na kasi ng mga bulaklak. Kada sampung minuto yata at may dumarating na delivery ng bulaklak sa akin. Mabuti sana kung paisa-isa iyon pero hindi! Ang unang dumating ay tatlong malalaking bouquet. Iyong kasinlaki ng mga ibinibi