"So, kanina ka pa pala naka-stand by sa lobby?" mataray na tanong ko. Ric smiled. He tried to be cute. Narito kami ngayon sa isang restaurant na nasa fifth floor ng isang hotel na malapit lang din sa kompanya nina Alfonso. Nag-convoy na lang kami rito dahil pareho naman kaming may dalang sasakyan. Nag-insist pa s'yang iiwanan n'ya ang sasakyan n'ya at s'ya ang magda-drive ng sa akin pero hindi ako pumayag. Magkaiba ang way ng uuwian naming dalawa at hassle iyon sa part n'ya. Alam ko ring aabutin kami ng gabi kaya mahihirapan s'yang kumuha ng taxi sa labas ng subdivision namin. Naabutan kami ng traffic. Ang bilis naman kasi ng oras at mas lalo kaming naipit sa traffic nang mag-ala sais na ng gabi. Rush hour blues. Isang dinner naman ang ipinangako ko sa kanya kaya narito kami ngayon a