Chapter 42

1775 Words

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mabini at malamig na pag-ihip ng hangin. It was refreshing. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakatanaw sa mga kabahayang nasa dulong ibaba. Malawak din ang berdeng kulay na natatanaw ko. Ibig sabihin lang ay hindi pa rin tuluyang nilalamon ng modernisasyon ang kalikasan sa parteng ito ng Batangas. Nasa Caleruega ako. Hindi pa rin ganoon kaganda ang panahon dito sa Nasugbu pero kahit paano ay tumigil na ang malakas na ulan. Hindi pa nga lang nawawala ang dilim ng kalangitan, senyales na hindi pa bumabalik ang ganda ng panahon. Safe na rin naman daw ang maglakad-lakad lalo na kung hindi naman ako lalayo. Ganoon nga ang ginawa ko. Hindi naman ganoon kalayo ang Caleruega mula sa resort na tinutuluyan ko. Nasa limang minutong lakarin lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD