Isang may kalalimang buntong-hininga ang ginawa ko bago dumiretso sa lobby ng gusali ng kompanya ng pamilya ni Ric. Wala akong magagawa dahil kailangan kong sundin si Roderick. Masaya na nga sana ako dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako ganoon kadalas nag-oopisina rito, ngayon lang ulit ako bumalik at sa mas malaki pang project. Tinanguan ko lang ang empleyadong nasa reception area, she smiled at me, habang nakalahad ang kamay sa direksyon ng elevator. Piping dasal ang ginawa ko nang nasa harap na ako niyon. Sana lang talaga ay huwag ko munang makasalubong dito ang kahit sino sa parents ni Ric. Pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya iyon. Ala una na ng hapon at ala una y medya ang meeting ko, kaya rin siguro ay ako lang ang nandito at nag-aabang sa elevator. Nanatili akong naghihi