Hindi ganoon kalaki ang conference room na itinuro sa akin ng nasa reception desk dito sa floor na ito. Siguro ay dahil sa hindi naman talaga ito official na meeting. Kailangan ko lang talagang malaman ang ilang detalye para sa collaboration project na ito. "Miss Castro!" Nakangiting dumiretso ako sa engineer na nakilala ko, isa s'ya sa mga humawak sa project ko sa Caleruega. "Engineer Pineda," nangingiting bati ko at tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki. "Masyado ka namang pormal, just call me Edciel," aniya. "It's Gabriella, then," ganting biro ko kaya nagkatawanan kami. Oblong ang hugis ng lamesa, may kahabaan pa rin iyon at sampu ang upuang nakapalibot doon. Isang common and small conference room, parang meeting place lang din ng mga team na narito sa palapag na ito. "I was p