Chapter IV

1064 Words
“Magandang gabi, nanay,” bati ni Lorie sa kanyang ina. Tumango lang ang kanyang ina at nagpatuloy sa ginagawang pananahi ng mga punda na siyang itinitinda nila sa may palengke malapit sa kanila. Dama niya ang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa café. Pero wala naman na siyang magagawa pa kung hindi ang kumayod sa pamilya lalo pa’t wala naman ibang aasahan ang pamilya niya kung hindi siya. Idagdag pa na nasa ospital ang kanyang kapatid dahil sa sakit na cancer. Kumakalam na ang sikmura niya. Papaano ba naman ay hindi niya nagawang kumain ng pananghalian kanina dahil sa dami ng customer, idagdag pa na wala naman siyang pambili ng pagkain. Ganito ang buhay niya. Sadlak sa kahirapan at pinipilit lumaban sa buhay. Binuksan niya ang laman ng kaldero nila at nakita ang halos kakarampot na kanin na halos tutong na. Napansin niyang wala na din palang bigas sa lagayan nila na gawa sa lata ng biskuwit. Naghanap niya ng maaaring ulamin at nakita niya ang isang pakete ng instant noodles at ito ay agad niyang niluto. “Lorie,” tawag ng kanyang ina. Dama niya ang pagod sa boses nito. “Bakit ‘nay?” “Pwede bang huwag na lang natin ipagamot si Lawrence? Hindi na talaga natin kaya,” sabi nito sa kanya. Napatigil siya dahil sa narinig. “’Nay naman. Sinusukuan mo na si Lawrence gayong sinasabi natin na labanan niya ang sakit niya?” “Huwag na tayong magpakahipokrito sa kapatid mo. Alam naman niya kung gaano kahirap ang buhay natin,” katwiran ng kanyang ina. “Nanay, kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan,” sagot niya. “Lintek na katiwiran iyan, Lorie! Halos mapudpod na ang mga daliri ko kakalabada at pananahi! Bakit pa ba natin ipipilit ang mga bagay na hindi naman natin kaya? Akala mo ba madali sa akin na sabihin ito? Natural hindi kasi sinusukuan ko na ang buhay ng kapatid mo. Pero anong magagawa ko?” “’Nay ako ang hahanap ng paraan. Ako ang bahala. May mga ahensya ng gobyerno na pwedeng lapitan. Pwede tayong manghingi ng donasyon. Kung pwede manlimos ako at sumampa sa mga bus at jeep gagawin ko,” sagot niya. “Bahala ka Lorie. Nakakapagod na din ang ganitong buhay!” sigaw ng kanyang ina. Huminga na lamang siya ng malalim at pilit inuunawa ang kanyang nanay. Marahil dala lamang ng problema nila kaya ganoon na lang ang mga sinasabi ng kanyang ina. Pero sa totoo lang, hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pantustos sa gamot ng kapatid niya. Halos wala na din siyang sinasahod dahil na-cash advance na din niya ang sahod niya sa café. Wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang maghanap ng trabahong malaki ang sahod. Sabado. Wala siyang ginawa maghapon kung hindi ang maghanap ng trabaho. Hinahanap niya ang trabaho na kayang tustusan ang pangangailangan ng kapatid niya. Una niyang naisip na mag-apply sa isang BPO company pero dahil hindi deretso ang pagsasalita niya ng ingles ay agad siyang tinanggihan. Okay na sana dahil tumatanggap naman ng high school graduate ang company na iyon pero hindi lang niya magawang magkapagsalita ng ingles ng maayos. Naghanap siya ng ibang trabaho katulad ng cashier sa isang supermarket pero may height requirement naman at agad na hindi siya tinanggap. Nilakbay niya ang kahabaan ng Cubao, Quezon City para makapag-job hunting pero nauwi pa siya sa isang agency na scammer. Akala niya ay tanggap na siya pero hindi pala. Para matanggap siya ay kailangan niyang ibenta ang isang water dispenser na nagkakahalaga ng limang libong piso at hanggang hapon ng alas singko ng hapon ay dapat mabenta na niya ito. Sa inis niya ay nilayasan niya ang opisinang iyon. “Naghahanap ng matinong trabaho ang tao tapos lolokohin niyo lang?! Pakyu!” sigaw niya. Itinaas niya pa ang isang gitnang daliri niya. Pinagtitinginan siya ng mga tao pero wala na siyang pakialam pa. Lunes. Katulad ng dati ay nag-ayos na siya para pumasok sa café. Maaga nagbubukas ang café na ito dahil malapit sa business center at may mga tao talaga na gusto ang kape sa umaga. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa café na ito ay ngayon lang niya nakita ang lalaking ito. Kulot at itim ang buhok nito, moreno at makinis ang balat nito, at may mga itim na pares ng mga mata. Aaminin niya, na magtama ang kanilang mga mata ay nakadama siya ng kilig. Na para bang may mga kuwitis na pumuputok sa kanyang dibdib. Iniisip niya na mukhang bagong pasok na empleyado ito ng katapat na building. Martes. Hindi niya inaasahan na muli silang magkikita ng lalaki. Katulad kahapon ay latte ang inorder nito pero imbes na blueberry cheesecake ay strawberry short cake ang order na snacks nito. Patalikod na sana siya nang magsalita ulit ang lalaki. Gusto nitong mag-dine sa kanila. Ngumiti siya at sinunod ang gusto ng customer nila. “Miss.” Napatingin siya sa lalaki. Lumapit ito sa counter at dito niya napansin na halos maubos na ang order nitong cake. “Yes, sir?” tanong niya. Dinig niya ang pagsipol ng kasamahang si Anya at ipinagpatuloy nito ang paglalagay ng display sa kanilang estante. “I’m sorry but I cannot help it but to eavesdrop. Sorry, nakikinig ako,” sabi nito sa kanya. Ngumiti na lang siya ng alanganin. May kinuha itong tarheta mula sa wallet nito at ibinigay sa kanya. “I am finding someone to become my secretary. Dalawang araw na akong secretary at I urgently needed it. Since I heard na naghahanap ka ng ibang work, wouldn’t it hurt to offer you, right?” sabi nito sa kanya. Tiningnan niya ang calling card at nakita na ang company pal anito ay ang Land of Dreams Corporation. “M-may position ka po ba dito?” tanong niya. “Kasi sabi mo po secretary mo. Mukhang ‘di ka naman simpleng empleyado lang,” dagdag pa niya. “Well, you can read what’s on the back of that cardm” sabi nito sa kanya. Binaligtad niya ang tarheta at nagulat siya nang mabasa ang mga salitang Chief Executive Office “CEO”. “I’ll leave you know. Just phone me up kapag gusto mong maging secretary ko. I will give you a high salary,” sabi pa nito. Hindi man lang siya nakapagsalita at pinanuod na lang ang paglabas ng lalaki sa kanilang café.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD