bc

The Time Traveler

book_age16+
201
FOLLOW
1K
READ
time-travel
others
boss
kicking
mystery
straight
brilliant
lucky dog
male lead
high-tech world
like
intro-logo
Blurb

What would you do if you have given a chance to time travel? Do you used it to build your own company? Do you used it to do bad things? What if you time traveled learn how will you die? Do you prevent it from happening?

Kiefer Alcaraz is the 27 year-old CEO of Land and Dreams Corporation. He time traveled 12 years from now and learned that on 2030 he will die due to a car crashed. The thing is, his future self died with a woman. They died to the same accident, same hospital and same time.

Kiefer wants to prevent that from happening.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue: October 03, 2009                  Pinagmasdan ni Dr. Enrique Abella ang kanyang bagong imbesnyon. Matapos ang ilang taong pananaliksik at trial-and-error na procedure ay sa wakas ay nabuo na niya ang kanyang pinapangarap- ang time machine.  Mahigit labing-limang taon na niyang pilit binubuo ang machine na ito at sa wakas ay nagawa na din niya. Para itong isang tunnel na napapalibutan ng mga asul na ilaw ang paligid nito. “Professor.” Napatingin siya sa kanyang estudyante na manghang nakatingin sa kanyang imbensyon. “Ano iyon?” tanong niya habang pinagmamasdan ang makina. “Papaano iyan gagana? Papaano makakabalik sa tamang panahon ang sino mang gagamit niyan?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya at nilapitan ang kanyang estudyante. “Bakit hindi mo subukan?” Kita niya ang pag-alinlangan sa mata ng kanyang estudyante. “Ha? Ako? Eh baka mamaya niyan hindi ako makabalik. Mamaya, black hole pala napuntahan  eh ‘di no way out na ako doon,” sagot nito sa kanya. Tumawa siya dahil sa kakaibang pag-iisip ng kanyang estudyante. Sa lahat ng mga naging estudyante, si Kiefer lang talaga ang nakakuha ng kanyang atensyon. “Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong niya. Ilang segundong natahimik ang estudyante niya bago ito muling sumagot. “May tiwala naman, Professor Abella.” Hinawakan niya ang kamay ni Kiefer at hinatak papalapit sa kanyang time machine. Itinulak niya si Kiefer sa loob nito at pinaandar na ang time machine. Lumikha ito ng tunog na tila laser beams. “Bibigyan kita ng ten minutes. After that ay ibabalik kita dito. Ikaw ang makakapagsabi kung successful ang imbensyon ko!” sabi niya at nag-set ng timer sa machine. “Ang masaklap dito ay hindi na ako makabalik,” sagot ng kanyang estudyante. “Tiwala lang! Magdala ka ng evidence ah!” sigaw pa niya. Nagsimulang lumikha ng makapal na puting usok ang lumiwanag ng husto.                  Tinakpan ni Keifer ang kanyang mga mata dahil sa sobrang liwanag na inilalabas ng time machine na ginawa ng kanyang professor. Naramdaman niya ang mainit na sensasyong yumakap sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay lumulutang siya o umiikot. Sa totoo lang, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararanasan. Pakiramdam niya nakalutang siya pero at the same time ay nakalapat ang kanyang mga paa. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng mga ingay. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa mukha niya at nakita na lamang niya ang kanyang sarili sa gitna ng isang plaza. “Luneta ba ito?” tanong niya. Naglakad-lakad siya at nakumpirma niyang Luneta nga ng makita niya ang rebulto ni Dr. Jose Rizal. Nakita niya ang mga pananamit ng mga tao ay napansin niyang kakaiba ito. May mga desenyo katulad ng sunflowers at tie-dye ang mga damit ng kabataan. Wala siyang natatandaang ganoong klase ng desenyo na uso ngayon. May nakita siyang magazine stall sa isang tabi at halos hindi na ito pinapansin. Nakapangalumbaba na lang ang tindera habang nakatingin sa malayo. Lumapit siya dito at tiningnan ang isang tabloid news paper at binasa ang isang headlines doon.                  Pangulong Ricardo Gregorio, nakatanggap ng isang token mula kay Russian                  Prime Minister Egor Dmitri kasunod na matagumpay na bilateral meeting! Sinong Ricardo Gregorio? Tiningnan niya ang date at nanlaki ang mga mata niya ng mabasa petsa na nakalagay sa diyaryo. “October 03, 2019. Ten years later?!” bulalas niya at napatingin ang tindera sa kanya. Agad naman siyang napatahimik at pinagmasdan ang paligid. Dito niya nakita ang mataas na gusali sa likod ng monument ni Rizal. “Hijo, bibilhin mo ba iyan?”  tanong ng tindera. Agad naman siyang dumukot sa kanyang bulsa. “Magkano po ba?” tanong niya. “Bente-ocho.” Mabuti na lamang at may dala siyang pera.  Agad siyang dumukot ng twenty peso bill at ibinigay ito sa tindera. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito sa kanya. “Hijo, hindi na tinatanggap ang ganyang pera. Last year pa pinalitan ng BSP ang mga bills ngayon,” sabi nito sa kanya. Napakamot siya ng ulo. “Natanggap po ba kayo ng coins?” “Aba’y oo naman!” Dumukot na siya ng barya hanggang sa nakabuo na ng twenty-eight pesos at iniabot sa tindera. “Buti naman may bumili sa akin. Sa totoo lang, bibihira na lang ang nagbabasa ng diyaryo at magasin. Karamihan kasi ay may mga android phones at tablets na kaya doon na lang nila tinitingnan ang balita. Mukhang lumulubog na din ang mga publishing company. Hay nako, kakaiba talaga ang progreso ng bansa ngayon.” Hindi na siya nagsalita at naglakad na papalayo habang hawak ang diyaryo. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mainit na sensasyong yumayakap sa kanyang katawan. “Mukhang times up na,” sabi niya at ipinikit na ang kanyang mga mata. Sa muling pagdilat niya ay nababalot ng makapal na putting usok ang paligid. Nalanghap pa niya ito kaya napaubo siya. Mukhang nakabalik na ako. Nang mawala ang makapal na usok ay nakita niya so Dr. Enrique Abella na manghang nakatingin sa kanya. Lumabas na siya ng time machine at ibinigay sa professor ang diyaryong nabili niya. Kinuha ito sa kanya at binasa. Nang mabasa ang petsa na nakalagay ay tumalon ito sa tuwa. “Wohoo! Tagumpay ang time machine ko! Wohoo!” sigaw nito at umikot-ikot pa. Hindi niya pagilang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanyang propesor na masayang-masaya sa imbensyon nito. “Akalain mong nakarating ka 10 years in the future! What is it looks like?” tanong sa kanya. “Well, normal lang naman. Sa Luneta ako bumagsak. May malaking building sa likod ng rebulto ni Dr. Rizal. Ang mga kabataan ay may kakaibang design ng mga damit nila. Tapos ayan, iba na ang pangulo ng bansa,” kuwento niya at kita niya ang kakaibang ngiti nito sa kanya. “Kiefer,” tawag nito sa kanya. “Po?” “Ipagkakatiwala ko sa’yo ang bagay na ito. Wala sanang ibang tao na makakaalam sa time machine na iyan.” “Pero bakit? Para saan pa at ginawa mo iyan?” tanong niya at ngumiti ang propesor sa kanya. “Ginawa ko iyan para lamang sa aking sarili. I want to feel the fulfillment na makagawa ng isang imposibleng bagay. Alam ko naman na kapag napunta sa maling kamay iyan ay gagamitin lamang sa masama. May tiwala ako sa’yo. Kaya sa’yo ko ipagkakatiwala iyan,” paliwanag sa kanya. Naguguluhan man siya ay hindi na niya muling kinuwestyon ang propesor. Sumang-ayon na lamang siya sa kagustuhan nito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
176.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook