Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ngayon ni Kiefer. Maraming katanungan ngunit alam niyang walang makakasagot nito. Naisip niya na ito ang isa sa downside ng pagiging time traveler niya. May mga bagay na hindi niya dapat malaman. Alam niyang nilalabag na niya ang batas ng oras mula nang magdesisyon siyang maglakabay sa mga panahon.
“12 years from now, masasangkot ako sa isang aksidente. I will be dead when that time comes. I don’t want to die!” sabi niya. Napahinga siya ng malalim. “I need to prevent that. Kailangan mapigilan ko iyon, but how? Besides, bakit nandoon ang waitress? Anong koneksyon namin?”
Tumayo na lamang siya at nagtungo sa kanyang banyo para maghilamos. Hindi maalis sa isipan niya ang kanyang hitsura na duguan at nasa bingit ng kamatayan. Tumatak sa isipan niya ang tila nagmamakaawang mukha ng kanyang future self habang binabanggit ang pangalan ng babae.
“Maybe I can travel again like 3 years from now para malaman ko kung bakit kasama ko ang waitress na iyon? Yeah! Maybe I’ll do that,” sabi niya.
Pagkatapos niyang maghilamos ay nagpalit na siya ng kanyang pantulog at nahiga sa malambot niyang kama. Dama niya ngayon ang pagod dahil sa kanyanng ginawa. Masasabi niyang nakakapagod ang maglakbay sa mga panahon. Dumagdag pa sa isipin niya ang nangyaring aksidente sa kanyang future self.
“I want to rest,” sabi niya. Tumayo siya saglit at binuksan ang kanyang sound system at tumugtog ang isang classical music. Dahil dito ay na-relax ang kanyang isipan at hindi naglaon ay dinuyan na siya ng antok.
“Good morning, Sir Kiefer!” bati sa kanya ng isa sa mga empleyado niya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating siya sa elevator ay nakita niyang nagkukumpulan ang ibang empleaydo, hinihintay na bumukas ang elevator.
“Hala malelate na tayo!”
“Sana maraming elevators of escalators.”
“Kulang pa ba? Eh 6 na iyan oh!”
“Ehem!” sabi niya. Napatingin ang lahat sa kanya at kita niya ang panlalaki ng mga mata ng mga tao.
“OMG si Sir!” Tumunog at bumukas ang elevator. Imbes na pumasok ang mga empleyado ay para bang dagat na hinati ni Moses ang naging eksena. Binigyan siya ng daan at halos napayuko ang lahat. Hindi na siya nagsalita pa at pumasok na sa loob. Alam niyang kanina pa naghihintay ng elevator ang mga empleyado niya. Kaya hindi niya muna isinara ang pinto nito.
“Come on, pumasok na kayo. I know kanina pa kayo naghihintay,” sabi niya. Ngumiti sila ng alanganin at umiling.
“Okay lang po sir,” sagot ng isa. Tumango na lang siya at isinara ang pinto ng elevator. Alam niyang naiilang o kaya naman ay nahihiya ang mga ito sa kanya.
Pagdating niya sa kanyang opisina ay ganoon na lang ang pagkainis niya nang walang makitang kape sa kanyang lamesa. Dali-dali niyang tinawagan ang HR manager na si Minerva upang tanungin sa kinuha nitong sekretarya.
“I’m so sorry, Sir. Wala pa po akong nakukuhang bagong secretary,” sagot nito sa kanya.
“What? I need assistant Minerva.”
“Yes po, I understand. Pero kadalasan sa mga aplikante ay hindi nami-meet ang qualifications,” sagot ni Minerva. Napabuntong hininga na lamang siya.
“Fine. Make it quick Minerva. I really need an assistant,” sabi niya.
“Yes sir.”
Ibinaba na niya ang telepono at napasandal na lang sa kanyang swivel chair. Umagang-umaga ay naiis-stress na siya. Dagdag pa sa kanyang isipin ang kamatayan niya 12 years from now. Ngayon lang niya napagtatanto, anong mangyayari sa kanyang kompanya 12 years from now kung mamamatay pala siya? Unang-una wala siyang pamilyang maiiwanan, wala siyang asawa na pwedeng mag-manage o anak.
“Nakakaasar naman!” sigaw niya. Tumayo siya at nagtungo sa pantry upang magtimpla ng kape niya. 3-in-1 coffee lang naman ang mayroon dito. Nagtimpla siya at sumimsim. Ganoon na lang ang pagkadismayado niya sa lasa. Tila ba may hinahanap-hanap ang kanyang dila na kape. Dito niya naisipang bumaba at magtungo sa coffee shop na malapit lang sa building niya.
Pagpasok niya doon ay agad na nanuot sa kanyang ilong ang bango ng coffee beans. Napatingin siya sa counter at para bang natuod nang makita ang babae na nakapuwesto doon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nabatobalani nang masilayan ang babae. Sa isip niya, marahil ay may ugnayan ang future self niya sa babaeng ito. Huminga siya ng malalim at lumapit sa counter.
“Good morning, Sir!” masayang bati nito sa kanya. “Can I get your order?”
“A latte and strawberry shortcake,” sagot niya. Ngumiti ang babae sa kanya. Hindi niya alam pero ang bilis ng t***k ng puso niya.
“Coming right up sir! Dine in or take out?”
“Take out,” sagot niya.
“All right, sir!” Tatalikod na sana ang babae pero mabilis niyang pinigilan ito.
“I change my mind. Dine in,” sabi niya. Muling ngumiti ang babae sa kanya.
“Sure!”
Naupo siya sa table malapit sa counter. Hindi niya matanggal ang kanyang tingin sa babae. Bawat galaw nito ay sinusundan niya. Iniiisp niya na ano kaya ang relasyon nito sa kanyang future self?
Napakurap siya dahil hindi niya namalayang nasa harapan niya ang waitress. Nakangiti ito sa kanya at isa-isang inilalapag ang kanyang mga orders.
“Enjoy, Sir!” sabi nito sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango at tipid na ngumiti.
“Lorie, ano kumusta?” Napatingin ang dalaga sa kanyang kasama na si Anya. Kulay pink ang buhok nito na talaga namang kapansin-pansin.
“Ikaw pala, Anya. Late ka na naman sa shift mo,” sabi niya. Kinuha niya ang isang basahan at pinunasan ang taas ng counter. Natuluan niya kasi ito ng kape kanina.
“Okay lang, ako naman may-ari nito. So, ano kumusta? Still struggling?” tanong nito sa kanya.
“Gaga! Anong may-ari ka diyan? Marinig ka ni Boss yari ka talaga. And yes, still struggling. Labas-pasok sa ospital ang kapatid ko. Kaya need talaga kumayod ng husto. Ang mahal ng mga gamot eh,” sagot niya. Ngumiti lang si Anya sa kanya. May sakit na cancer ang kapatid niya at nahihirapan naman na talaga kasi siyang tustusan ang mga gamot nito. Hindi sapat ang kita ng nanay niya bilang labandera at pinabayaan nman na sila ng kanyang ama.
“Malalagpasan mo din iyan, Lorie. Manalig ka lang kay Lord,” sagot ni Anya sa kanya.
“Naghahanap nga ko ng ibang work eh.”
“What?! Aalis ka na?!” sigaw ni Anya.
“Timang! Hindi pa sa ngayon! Naghahanap ako ng work na may malaking sahod. Hindi na kasi sasapat ang sahod ko dito sa café,” sagot niya.
“Ano ka ba? Malakas ako kay Boss. Pwede akong makiusap na dagdagan niya sahod mo,” sabi nito sa kanya.
“Hoy! Alam kong mabait si Boss pero ‘wag naman nating abusuhin,” sabi niya.