“Lorie Zamora.” Tinitigang maiigi ni Kiefer ang larawan ng dalawa na nakalagay sa resume nito. Hindi man lang ito nakangiti sa larawan, itim na blazer ang suot nito na halatang pinatanong lang gamit ang photoshop. Ang buhok nito ay maayos na nakalugay, tama lang na hindi matakpan ang mukha nito. Sa nakalipas na dalawang linggo ay wala naman siyang naging problema sa dalaga. Maayos ang pagtatrabaho nito at hindi naman siya nagkamali sa pagkuha. Tuwing umaga ay may kape ng naghihintay sa kanya. Ang mga documents na dapat basahin ay maayos na nakasalansan ang mga ito sa kanyang lamesa. Alam na halos nito ang kanyang schedule. Madalas siyang paalalahanan sa kanyang mga meeting.
“Alas dose na din pala. Lunch na din. Nasaan na ba si Lorie?” tanong niya sa kanyang sarili. Tumayo na siya para silipin kung nasaan ang dalaga at pagdungaw niya sa labas ng kanyang opisina ay bakante ang lames ani Lorie. Wala ang dalaga doon sa puwesto nito. “Where is she?” tanong niya ulit. Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at akmang tatawagan na ang dalaga nang may bigla siyang mapagtanto. “Why I want to see her? Bakit gusto ko siya makasabay kumain?” Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Hindi rin niya alam kung bakit ba tila gusto niyang natatanaw ang dalaga. “Maybe pwede ako bumaba sa pantry,” sabi niya.
Dali-dali siyang nagtungo sa elevator at pinindot ang 14th floor. Nasa 14th floor kasi ang pantry nila. Pagdating niya doon ay sinalubong siya ng madaming empleyado. Hindi niya akalain na marami palang kumakain sa pantry ng ganitong oras. Bibihira lang naman talaga siya magtungo dito. Madalas kasi ay sa labas siya kumakain lalo na kapag may mga lunch meeting siya.
Bumungad sa kanya ang amoy ng iba’t ibang pagkain. Marahil sa dami ng tao ay hindi siya namumukhaan o nakikita ng mga tao. Lumapit siya sa estante kung nasaan ang mga ulam at bumili siya ng Sisig at Lechong belly na kare kare.
“Hala! OMG! Sir ikaw po pala,” sabi ng isang emplyada. Sa lakas ng boses nito ay tumahimik bigla ang paligid. Pati ang tunog ng mga kubyertos ay natigil din. Napabuntong hininga na lamang siya.
“Do you need to broadcast it?” tanong niya. Hindi nakasagot ang babae. “Para bang manghang-mangha kayo na makita ako. Go on, enjoy your lunch break!” sabi niya. Nang makuha ang kanyang mga pagkain ay tumalikod na siya. Hinahanap niya si Lorie kung nasaan nakaupo at nakita niya ito na nakaupo sa dulong bahagi ng pantry. Nakita niya ang isang lalaki na kausap ni Lorie. Tumatawa ang dalawa at sa hndi malamang dahilan ay naiinis siya. Gusto niyang itupi sa walo ang lalaki at itapon na parang papel. Nakita niyang bakante ang nasa likod ng lalaki at pinili niyang maupo sa likod nito.
“Ay talaga? Dati kang waitres?” Dinig niyang tanong ng lalaki kay Lorie.
“Oo. Diyan lang sa café sa labas,” sagot naman ni Lorie.
“Tapos nag-decide ka na mag-apply dito? Bakit sa dami ng posisyon na mayroon dito ‘yung secretary pa naisipan mo.”
“Naku! Hindi naman ako namili ng position. Si Sir Kiefer mismo ang nag-alok sa akin bilang maging secretary niya,” sagot ni Lorie.
“Ha! Seryoso? Baka wala na siya mahanap na gustong maging secretary niya. Pang-ilan ka na kaya. Para bang every month may bago siyang secretary. Ang sabi sa amin ng mga naging secretary niya, kapag may nakitang mali ‘sayo talagang sisante agad. Impronto!”
Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa narinig niya. Hindi niya akalain na pinag-uusapan pala siya ng mga dati niyang secretary.
“Baka naman kasi mali talaga. Ang nakikita ko kasi kay Sir Kiefer ay perfectionist siya. Kailangan organize ang mga bagay-bagay. Of course, mahirap kasi kung hindi organize. Vital din kasi ang position ng pagiging secretary,” sagot naman ni Lorie.
Napatango-tango naman siya sa narinig na sagot ng dalaga.
Of course! Sa secretary ako nagre-rely kaya dapat organize siya dahil kung hindi, ang gulo ng lahat!
“Oh well sabagay, tama ka. Pero okay ka naman sa office ni Sir? I mean hindi ka ba nasisigawan?” tanong ulit ng lalaki.
“Hindi. Bakit naninigaw ba si Sir?”
“Sabi noong last na secretary niya, bago ikaw ay naninigaw talaga si Sir. Minsan pa nga daw pinapahiya sa loob ng board room with other board members!”
What?! That is pure lies! Ang mga tao talaga mahilig gumawa ng kuwento! I never do that! Well, nasisigawan ko sila but pinapahiya in front of the board members? Never!
“Totoo ‘yan? Baka eme lang ‘yan, Gabriel ah,” sabi ni Lorie. “Kung totoo man ‘yan, sisiguraduhin kong hindi mangyayari sa akin iyan. Pagagalitan ka dahil may nagawa kang hindi tama. Para hindi mapagalitan, gawin ang trabaho ng tama at maayos.”
“Positive outlook talaga ang tingin mo sa mga bagay eh ‘no?”
“Oo naman. Puro negative na nga ang mga nangyayari sa akin dadagdagan ko pa ba? Kaya dapat positive pa din tayo. Positive vibes!”
Lumingon siya at nakita ang pagngiti ni Lorie. Hindi niya maintindihan kung bakit ang liwanag ang paligid at tanging si Lorie lang ang nakikita siya.
“Sir?” Napakurap siya nang tawagin siya ni Lorie. Mabilis na napalingon ang lalaking kausap nito sa kanya at kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Para bang nakakita ito ng multo.
“Tapos na kayo pag-usapan ako?” tanong niya. Kita niya ang pamumutla ng lalaki na para bang uminom ng suka dahil maging ang mga labi nito ay namuti.
“K-kanina pa ba ikaw nandiyan?” tanong ng lalaki sa kanya. Napadako ang tingin niya sa suot nitong ID at nakita ang pangalan nito.
“Oo, Gabriel. Tell me, sinong secretary iyang tinutukoy mo na pinahiya ko?” tanong ko.
“P-po? Si… si ano apo—”
“Never mind,” mabilis niyang putol. “Tapos ka na ba kumain?” tanong nito kay Gabriel. Tumango ito sa kanya. “Then lumayas ka na diyan. Dalhin mo ‘yang pinagkainan mo.”
Dali-daling tumayo si Gabriel at niligpit ang pingkainan at walang lingong umalis. Nang umalis ang lalaki ay binitbit niya ang pagkain niya at naupo sa harap ni Lorie.
“Sabayan mo ako kumain,” sabi niya. Kita niya ang pagtataka sa mukha ni Lorie pero kalaunan ay ngumiti ito sa kanya at oinagpatuloy ang pagkain.