Chapter VIII

1158 Words
“Saan kayo kakain mamayang lunch?” “Maybe sa Catherine’s na lang? I miss their carbonara!” “We can actually eat sa Domingo. ‘Yung isaw nila ang sarap!” “Pwede ba sa fast food na lang? Petsa de peligro na ako eh!” Napangiti na lang si Lorie habang pinapakinggan ang usapan ng ilang empleyado. Inayos niya ang buhok niya at tiningnan ang sarili sa relfection niya sa pinto gn elevator. Kahit papaano ay gusto niyang maging presentable sa unang araw niya bilang empleyado ng Land of Dreams. Katulad ng sinabi ni Minerva sa kanya ay kailangan ay mas maaga pa siya sa kanyang boss. Kailangan pagdating niya ay makapagtimpla agad siya ng kape at iayos ang mga documents na kailangang basahin ng kanyang boss. “Hi! Ngayon lang kita nakita dito. Bago ka lang?” Napalingon siya sa nagsalita at nakita ang isang lalaki. Nakausot ito ng office attire na kulay navy blue. Ang buhok nito ay plakadong-plakado ng gel at maayos na nakasuklay papunta sa left side nito. Ngumiti siya. “Oo. First day ko,” sagot niya. Tumango naman ang lalaki. “Akon ga pala si Gabriel. Taga accounting department ako. Ikaw anong department ka?” sabi nito sa kanya. “Lorie. Teka department? Hindi ko alam eh. Ano bang department ang secretary ng CEO?” tanong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nanahimik ang paligid niya. Ang kaninang mga emplayado na nag-uusap ay bigla na lamang nanahimik at napatingin sa kanya. Ngumiti ng alanganin si Gabriel sa kanya. “Secretary ni Sir Kiefer?” tanong ni Gabriel sa kanya. Tumango naman siya. “Oo. Bakit? M-may problema ba?” tanong niya. “Wala naman. Hindi ko na nga mabilang kung ilang secretary na ang pumasok kay Sir Kiefer. Anyway, good luck sa’yo! I hope na magtagal ka sa kanya,” sabi nito. Hindi niya alam pero bakit malaman ang mga sinasabi nito sa kanya. Tumunog na ang elevator at bumukas na din. Sabay-sabay na pumasok. Siksikan pero mabilis namang naubos ang mga tao sa floor hanggang sa siya na lang ang natira sa elevator. Pagdating niya ay mabilis niyang ibinaba ang kanyang bag at nagtungo sa pantry. Binuksan niya ang cupboards at bumungad sa kanya ang mga brand ng kape na ngayon lang niya nakita. “Café Isabelle’s drip coffee?” basa niya sa isang pack ng kape. Ngayon lang niya nakita ang ganitong brand. Kahit dalawang taon siyang nagtrabaho bilang barista ay ito ang unang beses na nakita niya ang ganitong brand. Kumuha siya ng isang sachet at binasa ang instruction. Ayon sa instruction ay hindi na niya kailangang ilagay sa coffee maker ito at buhusan na lang ng mainit na tubig. Binasa niya ang mga nakalagay sa packaging at nagulat siya sa nakitang expiration date. “2025? Ang tagal naman ng expiration nito,” sabi niya sa sarili niya. Pagkatapos niyang magtimpla ay inilagay na niya sa office table ang tasa ng kape at saktong pagkapatong niya ay bumukas ang pinto at pumasok si Kiefer. “G-good morning, Sir!” bati niya. Tumango si Kiefer sa kanya at mabilis na inilapag ang bag sa couch at umupo sa swivel chair nito. “Good, I have coffee na,” sabi ni Kiefer sa kanya. “Yes po. Kakatimpla lang po,” sabi niya. Tinikman ito ni Kiefer at napatango. “You used the Isabelles drip coffee?” tanong nito sa kanya. “Opo. Ngayon ko lang po nakita ang ganoong brand. Dito niyo po ba binili iyan or sa abroad? Ang tagal din po ng expiry date nito,” sabi niya. Bigla namang nasamid si Kiefer at napaubo. “Naku Sir! Okay lang po ba kayo?” tanong niya. “Yeah, I’m okay. Mainit lang napaso ang dila ko,” sagot sa kanya. “Dahan-dahan lang po, Sir Kiefer.” “To answer your question, sa abroad ko ‘yan binili kaya wala iyan dito,” sabi nito sa kanya. Napatango na lang siya. “Okay po. Kaya po pala bago sa paningin ko,” sagot niya. “Please check my schedule for today.” “Yes, Sir Kiefer.” Katulad ng inutos nito ay kinuha niya ang tablet na binigay sa kanya ni Minerva at tiningnan ang schedule ng kanyang boss. Alas nueve ng umaga ay may board meeting ito kasama ng mga board members. Ngayon lang niya nalaman na lupa at business leases pala ang sakop ng Land of Dreams Corporation. Bandang alas onse naman ng umaga ay may lunch meeting ang kanyang boss sa isang foreign investor. Sa totoo lang, dinudugo na ang ilong niya dahil English ang salita ng dalawa. Tinatawag lang siya kapag may kakailanganing documents na need ipakita. Ala dos ng hapon ay dito palang natapos ang lunch meeting ni Kiefer, Sa totoo lang kumakalam na ang sikmura niya takam na takam sa pagkaing nasa harapan niya pero para lamang sa client at sa boss niya ang pagkain. May isa siyang napansin, hindi man lang ginalaw ni Kiefer ang pagkain nito. “I’m sorry, kung natagalan ang meeting. I know na gutom ka na,” sabi ni Kiefer sa kanya. “Okay lang po. I understand naman po,” sagot niya. Nagtawag ng waiter si Kiefer at pinalinis ang lamesa nito. “Lories, have a seat sa tapat ko.” Sumunod naman siya. Binigyan siya ng menu ng waiter na siyang ikinagulat niya. “Lorie, pumili ka na ng pagkain mo,” sabi sa kanya ni Kiefer. “Po?” Napatingin siya sa menu at mabilis niyang hinanap ang pinakamura. Shutaa! Ang pinakamura ay ang iced tea na halagang 150 pesos! “Sir? May baon naman po ako. May packed lunch po ako,” sabi niya. “Sige na, mag-order ka na.” “Sir kasi ano eh… wala akong bud—” hindi na niya natapos nang magsalita ulit si Kiefer sa kanya. “It’s my treat. Don’t worry about the price,” sabi nito sa kanya. Ngumiti siya ng alanganin at napakamot sa kanyang ulo. “Sir, ikaw na lang po ang bahala. Hindi po kasi ako pamilyar sa mga pagkain dito,” sabi niya. Tumango si Kiefer at may sinabi sa waiter. Kinuha ng wiater ang menu na nasa kamay niya at umalis na. “How is your first day, so far?” tanong ni Kiefer sa kanya pagkaalis ng waiter. “So far po okay naman po. Hindi ko po alam na ganito ka-hectic ang schedule niyo,” sagot niya. “Yes. Kung tutuusin, maluwag pa ito,” sagot sa kanya. Napalaki na lang ang mga mata niya. Ganito pala, the more na mataas ang posisyon, the more na maraming trabaho. Para bang wala ka na halos pahinga. “Grabe po pala ang trabaho ng CEO,” sabi niya. “Yes, but I am enjoying. Land of Dreams is my bread and butter. Gagawin ko ang lahat, ‘wag lang bumagsak ang company na ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD