Siguro nga tama si Gabriel sa mga sinabi nito. Na ang boss nila ay masungit at mainitin ang ulo. Siguro nga tama ang palagay niya, na ang kanyang boss ay perfectionist. Walang lugar ang kamalian sa mata ng isang Kiefer Alcaraz.
“What is that nonsense? Ha?!” Dumagundong ang boses ni Kiefer sa loob ng board room. May weekly meeting kasi ang kanyang boss sa lahat ng mga department heads ng company. At ngayon nga ay nasampolan na ang head ng marketing department. Nag-present kasi ito ng isang proposal kung saan bibili ng isang lupa sa isang probinsya para gawing commercial area. Wala naman kasi siya alam sa mga ganitong bagay kaya hindi niya nakitaan ng kung ano mang mali pero wala pa sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag nito ay nagsalita na ang kanilang boss. “Buying property sa country side? Sa probinsya? To convert to a commercial area? Kung ikaw ang business man, magtatayo ka ba ng club sa gitna ng bukirin? Magtatayo ka ba ng shopping mall sa gitna ng mga mais at tubo? Sige nga, explain it to me,” sabi ni Kiefer. Napalunok na lang ang head ng marketing department dahil sa reaksyon ng kanilang boss.
“Kiefer naman, at least give him time to explain himself. Malay mo may naiisip siya,” sabi ni Benedict—Ang COO ng Land of Dreams Corporation. Napatingin siya sa lalaking nagsalita at ito ang unang beses na nakita ang lalaki. Kung hindi lang dahil sa name plate na nasa lamesa nito ay hindi niya malalaman na mataas din pala ang position ng lalaking iyon. Kung ang kanyang boss ay moreno, si Benedict naman ay maputi at singkit ang mga mata. Sa tingin niya ay mukhang Chinese ito at halata naman kasi sa surname nito. Benedict Hong.
Nakita niyang napatingin si Kiefer kay Benedict at nailing na lang.
“Ano bang plano mo, after bilhin ang lupang iyan?” tanong ni Benedict sa head ng marketing department na base sa suopt nitong name plate ay Ivan.
“W-what I am thinking sir is to sell this property to some businessman dahil pwede nilang tayuan ito ng hotel or—”
“Hotel? Why hotel? Iyang site na ba iyan ay malapit sa dagat?” tanong agad ni Kiefer. Umiling si Ivan—ang marketing head. “See? Bakit ka magtatayo ng hotel out of nowhere? May bundok ba diyan?” Muling umiling si Ivan. “Buti sana kung may bundok papatok iyang naisip mo sa mga hikers pero hindi eh. Purong kapatagan lang iyan. So anong sense? Elaborate it please.” Bakas na sa boses ni Kiefer ang pagkairita. “This meeting is adjourned. Let’s stop this nonsense. We’re just going around the circles,” sabi pa ni Kiefer. Tumayo na ito at mabilis siyang sumunod sa kanyang boss.
Mabilis at mabigat ang mga hakbang ng kanyang boss. Halos tumakbo na siya, masabayan lang sa paglalakad ang binata. Pumasok sila sa elevator at siya na mismo ang nagpindot ng 30th button. Tahimik lang silang dalawa sa loob ng elevator. Dinig niya ang mabibigat na paghinga ng binata na tila kinakalma nito ang sarili.
Pagdating nila sa 30th floor ay mabilis na pumasok si Kiefer sa opisina nito at siya naman ay naiwan sa labas. Ito ang unang beses na makita niya ang kanyang boss na asar na asar. Dahil dito ay pinagpatuloy na lang niya ang inuutos sa kanya ng boss na ipag-type ito ng mga doucments.
Wala pa man siya sa ikalawang paragraph ng kanyang tina-type ay bumukas ang pinto at lumabas si Kiefer.
“I’m sorry,” sabi nito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya at nangunot ang noo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagso-sorry ito sa kanya gayong wala naman itong ginawang mali.
“Sir?” tanong niya. Napahawak pa muna si Kifer sa batok bago sumagot.
“I’m sorry if nakita mo akong ganoon. I rarely get mad during meetings. I am mad because I want perfect planning,” sagot nito sa kanya.
“Okay po?”
“You know what? Bukas na lang iyan, hindi naman ako nagmamadali,” sabi pa nito sa kanya.
“Hindi ko talaga gets sir pasensya na.” Napakamot na siya ng kanyang ulo. Nagulat na lamang siya nang hawakan ni Kiefer ang kanyang kamay at hinatak siya papunta sa elevator. Mabuti na lang mabilis niyang nahila ang kanyang lumang shoulder bag at nagpatianod na lang sa kanyang boss.
"Saan po tayo pupunta, Sir Kiefer?" tanong niya. Lumingon sa kanya ang binata at nagulat siya nang ngumiti ito.
"Secret." Kumindat pa ito sa kanya. Kahit maraming tanong ang naglalaro sa isipan niya ay itinikom na lang niya ang kanyang bibig.
Badtrip si Sir. 'Wag ka na dumagdag pa. Baka kapag nagtanong ako masigawan din ako.
Nakarating sila sa parking lot at nagulat siya nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse. "Go on, hop in," sabi ni Kiefer sa kanya.
"Ikaw po ang magda-drive, Sir?" tanong niya. Tumango si Kiefer.
"Yep." Pumasok na siya sa loob at sumunod din si Kiefer. Papaandarin na sana ng lalaki ang kotse nang mapansing hindi nakakabit ang seatbelt niya. "You need to have a seatbelt," sabi ni Kiefer.
"Ay sorry po sir," sagot niya. Hinila niya ang seatbelt at akmang ikakabit na nang lumapit si Kiefer sa kanya.
"Let me." Kinuha nito ang seatbelt at ito na mismo ang nagkabit sa kanya. Sa paglapit ng binata ay amoy na amoy niya ang pabango nito. "Done. Just sot back and relax okay?" sabi sa kanya. Pinanuod niya ang ginagawa ng lalaki. Binuksan ni Kiefer ang stereo at bumungad sa kanila ang kanya ni Michael Jackson na You are not Alone.
"I love MJ," sabi ni Kiefer. Ngumiti na lang siya bilang sagot.
Wala siyang ideya kung saan sila papunta. May tiwala naman siya kay Kiefer. Sa buong biyahe nila ay tanging ang stereo at ang paminsan-minsang pagkanta ng binata ang namumutawi sa loob ng sasakyan.
"We're here," sabi ni Kiefer. Tumingin siya sa paligid at nakita niya na nasa isang village sila. Bumaba na sila at napansin niyang karamihan sa mga tao dito ay matatanda.
"Kiefer! Hijo!" sigaw ng isang matandang babae.