"Lola Igma! Kumusta na?" tanong ni Kiefer. Ngumiti ang matanda sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang bumisita? Miss na miss ka na namin," sabi ng matanda sa kanya. Napahawak siya sa kanyang batok at ngumiti ng alanganin. Naisip niya, kung hindi siya naasar kay Ivan ay hindi naman niya maiisipang bumista dito.
Nakaramdam tuloy siya ng guilty.
"Ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng time," sagot niya.
"Aba! Aba! Aba!" Napalingon siya sa sumigaw at nakita ang ilang matandang babae na papalapit sa kanya. May kanya-kanyang hawak ito na mga walis tingting at ang iba ay may hawak na sako. Mukhang natyempuhan niya pang may cleaning drive ang mga matanda.
"Ikaw po pala, Lola Rosel," sabi niya.
"Sino ireng kasama mo?" tanong nito. Dito na napatingin ang mga matanda sa kasama niyang dalaga. Lumingon siya at nakitang naiilang na ngumiti si Lorie sa kanila.
Lumapit siya sa babae at hinawakan ang kamay nito at hinila papalapit sa mga matatanda.
"Si Lorie po—"
"Ahay! Sa wakas! May nobya na ang apo natin!"
"Matagal ko ng pinagdadasal na mangyari ito! Nanakit na ang tuhod ko kakaluhod sa altar!"
"Kailan ang kasal?"
"Invited kami ah!"
"Teka lang po!" sigaw niya. Tumahimik tuloy ang paligid. "Hindi ko po nobya si Lorie—"
"Por Diyos Por Santo! Nagpakasal ka ng 'di namin alam?!"
"Ang apo natin masyado ng malihim," sabi pa ng isang matanda.
"Sandali lang po kasi! Patapusin niyo po ako!" sigaw niya. Napabuga siya ng hangin dahil sa kakulitan ng mga matatandang ito. "Wala po akong nobya o asawa."
"O eh sino iyang dilag na 'yan?" tanong ni Lola Igma at nginuso pa ang kinaroroonan ni Lorie.
"Si Lorie po. Secretary ko," sagot niya.
"Ahh~" Tumango-tango naman ang mga matatanda. Lumapit si Lola Igma kay Lorie at tinapik ang balikat nito.
"Naku hija, pasensya ka na sa amin. Ganito na talaga kapag matanda. Excited kasi kami para sa apo namin. Teka, kumain ka na ba? Nagluto si Osma ng pancit Malabon. Specialty niya 'yun!" Hindi pa man nakakasagot si Lorie at hinatak na ito ng matanda.
Napangiti na lang siya nang makitang dumugin ng mga matanda si Lorie.
At least may nakita silang bagong mukha.
Pinagmasdan niya ang paligid. Maaliwalas at presko ang hangin dahil sa mga puno na nakatanim. Maganda ang lugar dahil sa mga bulaklak at malinis ang lugar. Sa tuwing nandito siya ay nare-refresh ang kanyang isipan.
Tinanaw niya si Lorie na kausap nila Lola Igma at pumasok sa loob ng isang bahay kubo. Napangiti na kang siya at sinundan ang mga ito.
Pagpasok niya sa loob ay nandoon na ang mga elderly people. Si Osma na hindi magkamayaw sa pagsandok ng Pancit Malabon at si Tatay Ignacio na nag-aabot ng mga tetra pack juices.
Walang upuan ang kubo at tanging sa sahig lang na gawa sa kawayan nakasalampak ang mga tao. Pansin niya na medyo nasisilipan si Lorie sa suot nitong pencil cut skirt kaya hinubad niya ang blazer na suot niya at ipinatong ito sa kandungan ng dalaga.
"Salamat," sabi ni Lorie.
"You're welcome," sagot niya.
"O hijo, pancit para kay marikit!" sabi ni Osma. Kumindat pa ito sa kanya kaya bahagya siyang natawa. Kinuha niya ang paper plate na may pancit at ibinigay kay Lorie.
“Salamat, sir,” sabi ni Lorie.
“’Wag mo na akong tawaging sir kapag nasa labas tayo ng opisina.”
“Naku Sir! Hindi po pwede. Kahit nasa labas tayo ng opisina ay boss pa din kita,” sabi ni Lorie sa kanya.
“Okay ganito na lang, just for today. Call me on my name,” sabi niya.
“Pero—”
“Please Lorie. I never heard you saying my name. Lagi ko naririnig ay Sir.” Ngumiti ng alanganin si Lorie sa kanya. Alam naman niyang hindi magiging komportable ang babae sa gusto niya pero gusto lang niya kasing kaibiganin ito.
“Okay po, Kiefer,” sabi ni Lorie. Napangiti siya.
“That’s good. I like it. Tanggalin mo lang ang po. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin.”
“Hoy! Mamay ana daldalan, kumain na muna tayo. Kiefer, magdasal na,” sabi ni Lola Igma sa kanya/.
“Po? Ako ang magdadasal?” tanong niya.
“May ibang Kiefer pa ba dito? Bilisan mo na at ng makakain na,” sabi ng matanda sa kanya. Dahil nakaupo sila at nakapalibot sa isa’tisa ay naghawak-hawak na sila ng kamay. Ramdam niya ang init ng kamay ng dalaga at tila ba gumapang ito papunta sa kanyang puso.
“Panginoon, maraming salamat sa biyayang iyong pinagkaloob mo sa aming lahat. Salamat sa pagkaing nakahain sa aming harapan at nawa’y mabusog kaming lahat. Nawa’y bigyan mo pa ng lakas at mahabang buhay ang mga taong kasama namin ngayon. Amen.”
Pagkatapos niyang magdasal ay nagsimula na silang kumain. Kahit matatanda ang mga kasama nila ay tila mga hindi nanghihina ang mga ito. May nagagwa pa ding sumayaw at makipagkulitan. Napuno ng malalakas na halakhak at palakpak ang maliit na kubong iyon.
Papalubog na ang araw nang maisipan niya na lumabas ng kubo at maglakad-lakad sa paligid.
“Kiefer.” Napalingon siya at nakita si Lorie na nakasunod sa kanya. Ang blazer na pinahiram niya ay maayos na nakasampay sa braso ng dalaga.
“Come, maglakad-lakad tayo para bumaba ang kinain natin. Sarap ng pansit ni Osma, nakailang sandok din ako,” sabi niya.
Sa mga unang minuto ay tahimik at mabagal lang silang naglalakad. Papalubog na ang araw kaya sinimulan ng buksan ang mga magagandang pailaw ng village.
“Kiefer, lahat ba ng mga nakatira dito ay matanda?” Lumingon siya sa tanong ni Lorie.
“Yup. Most of them wala ng pamilya. It’s either inabandona sila or wala na talaga silang pamilya. Malapit sa puso ko ang mga matatanda. I was lola’s boy back then,” sagot niya. Tumango naman si Lorie.
“Kaya pala iba ngiti mo kanina.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ng dalaga.
“Iba? Paanong iba?” tanong niya.
“Genuine. Totoong ngiti. Hindi pilit or kung ano pa man. Nasaan na pala lola mo?” sabi nito sa kanya. Ngumiti siya ng tipid.
“Patay na siya when I was in first year college,” sagot niya.
“Hala, I’m sorry.”
“It’s okay. Matagal naman na iyon. You know what, I will tell you one of my little secrets,” sabi niya.
“Secrets?” tanong ni Lorie. Tumango siya.
“You know this village? Ako nagpatayo nito. My company funded this village to help those old people. To give them home sa kanilang dapithapon.”