“Hello!” bati ni Lorie kay Anya pagkapasok niya ng café. Napatingin sa kanya ang barista at malaking ngiti ang ibinigay sa kanya ng babae.
“Lorie!!” sigaw nito. Mabuti na lang at walang gaanong customer sila ng mga ganitong oras. “Akala ko ba absent ka today? Sabi ni Bossing sa akin ay absent ka kaya pinapasok niya ako ng maaga,” sabi pa nito sa kanya.
“Oo absent talaga ako,” sagot niya. Napakamot pa siya ng kanyang ulo. “Andiyan si Boss? May sasabihin lang sana ako.” Tumingin sa paligid si Anya at tila ba hinahanap ang kanilang boss. “Mukhang nasa office. Akyat ka na lang doon,” sabi ni Anya sa kanya. Tumango siya at pumasok sa counter at dumeretso sa kitchen nila. Pagpasok sa kitchen ay may hagdan sa bandang dulo at umakyt siya doon. Bumungad sa kanya ang isang pinto na kulay bughaw at kumatok muna. Nang makarinig siya ng sagot mula sa loob ay binuksan na niya ito at nakitav ang kanyang boss na abala sa pagta-type ng mga bagong menu ng café.
“Hello, boss,” bati niya. Napatingin sa kanya ang lalaki.
“O Lorie, akala ko ba absent ka?” tanong nito sa kanya. Tinanggal nito ang suot na antipara at itinigil ang pagta-type sa laptop nito.
“Boss Raymart, magpapaalam na po sana ako,” sabi niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ng kanyang boss. Hindi niya mapigilang matawa dahil sa reaksyon nito. Para itong galit na puno na nakatingin sa kanya. Kulay berde kasi ang buhok nito. Maputi, matipuno ang pangangatawan at matangos ang ilong. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit crush ni Anya itong boss nila.
“Bakit? Saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang leeg at nahihiya na laumpit kay Raymart, May inabot siyang puting envelope at nagtatakang kinuha naman ito ng binata. Binuksan ito ni Raymart at binasa. “Magre-resign ka?” tanong sa kanya.
“Opo, boss.”
“Bakit? May problema ba? Baka pwede nating pag-usapan? Kung gusto mo tataasan ko sahod mo.”
“Naku boss, maraming salamat pero buo na po ang desisyon ko. Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin for the past 2 years,” sabi niya.
“Hindi na ba talaga kita mapipigilan?” tanong ni Raymart sa kanya.
“Hindi na po talaga. Marami pong salamat, boss.” Napabuntong hininga na lamang si Raymart dahil sa sinabi niya. Binuksan nito ang isang drawer sa ilalim ng office table at may iniabot sa kanyang isang manila envelope. Kinuha niya ito at sinilip ang laman. Nakita niyang pera ang laman nito.
“Hindi pa iyan ang back pay mo ah. Tulong ko na iyan sa’yo dahil alam ko naman ang sitwasyon mo. Alam kong kailangan mo ng pera sa kapatid mo,” sabi nito sa kanya. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa kabaitan ng kanyang boss. Sa dalawang taong pagtatrabaho niya sa café na ito ay kahit minsan ay hindi niya nakitang naging salbahe ang boss niya. Sobrang bait ni Raymart sa kanilang mga empleyado.
“Thank you so much po, boss,” sabi niya.
“You’re welcome! Bisitahin mo pa din kami dito ah. I’m sure mami-miss ka ni Anya,” sabi nito sa kanya.
“Sagutin niyo na din po si Anya, boss,” pagbibiro niya.
“Ay nako! Hindi ko siya type!”
“What?! Aalis ka na?!” sigaw ni Lorie. Kalalabas lang niya galing sa opisina ni Raymart at sinabi na niya ang kanyang desisyon.
“Oo eh. Kailangan. Ang laki na ng gastusin kay Lawrence. Hindi na sapat ang kita ko dito sa café,” paliwanag niya.
“Teka lang. Parang alam ko na ang nangyari. Tinaggap mo ang alok ng lalaki ‘no? ‘Yung lalaking nagbigay sa’yo ng calling card?” Sunod-sunod na tanong sa kanya. Ngumiti naman siya.
“Oo. Ang bait nga niya eh,” sagot niya.
“Naku! Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Anong trabaho? Sexytary? Naku Lorie! Baka may masamang balak sa’yo ang lalaking iyon! Bakit ka pumayag sa kanya gayong ‘di mo naman siya kilala ng lubusan!”
“Grabe ka naman, Anya. Masyado kang judgmental. CEO siya ng Land of Dreams,” sagot niya.
“CEO? Wait Land of Dreams?” Tumango naman siya. “Iyang building na iyan?!” Itinuro pa nito ang building hindi kalayuan sa café.
“Oo iyan nga. Kaya kahit papaano ay magkikita pa din tayo,” sabi niya. “Bibisitahin na lang kita dito ah! Ingat ka lagi Anya!” Niyakap pa niya ang kaibigan bago tuluyang lumabas ng café.
Dahil maaga pa naman ay pumunta muna siya sa ospital kung nasaan ang kapatid niya. Pagdating niya doon ay nakita niya si Lawrence na nagbabasa ng libro at pinapaypayan ang sarili gamit ang isang karton ng gatas.
“Lawrence, kumusta?” tanong niya.
“Ikaw pala, ate.” Inilapag niya ang biniling buy 1, take 1 na burger sa tapat ng ospital. Mabilis itong tinanggap ni Lawrence at kinain. “Nagpunta dito si Nanay kaninang umaga. Binigay sa nurse ang mga gamot na binili niya,” kuwento ng kapatid.
“Buti naman. Gagawin ko lahat, gumaling ka lang,” sabi niya.
“Ikaw naman nahihirapan, Ate,” sagot ni Lawrence sa kanya.
“Huwag mo akong intindihin. Matiisin ako saka may bago na akong work ngayon.” Kumunot ang noon ni Lawrence dahil sa sinabi niya.
“Umalis ka na sa café, ate?” tanong nito. Tumango naman siya.
“Oo. Kanina lang. Binigyan pa nga ko ng tulong ni Bossing Raymart. Kaya iyan nakabili ako ng burger,” sagot niya.
“O eh papaano ka na niyan ate? Wala ka ng trabaho.” Kita niya ang pag-aalala sa mukha ng kapatid.
“’Wag kang mag-alala. May bago na akong trabaho. Natanggap ako bilang secretary ng CEO! O ‘di ba! Secretary na ang ate mong maganda!”
“Secretary? Hindi ba sa office iyon?”
“Oo! Office girl na ang ate mo! Malaki ang sahod kaysa sa café kaya umalis na ako. Paano ko matutustusan ang pagpapagamot mo kung mananatili ako doon. Saka mukhang mabait naman ang boss ko.”