Chapter XXII

1076 Words
Matunog ang bawat lapat ng kanyang takong. Ang mga nakakasalabong niyang mga tao ay mabilis na na tumatabi upang bigyan siya ng daan. Sa tabi likod niya ay ang mga hindi magkamayaw niyang staffs na maraming bitbit na mga dokumento. She is walking in the hallway like she owns the place. Pinagbuksan siya ng secretary niya ng pinto at mabilis siyang naupo sa kanyang office table. Sa likod niya ay ang malaki niyang portrait na nakasuot ng Filipiniana at sa gilid nito ay may selyo ng Senado. Siya si Senador Katie Abella-Dela Cruz. Isa sa pinakatanyag na senador sa bansa. Ilang batas na din ang kanyang naipasa. Tinaguriang The Dominant of the Senate Court. Nakapag-aral ng abogasya sa isa sa mga kilalang unibersidad, kakampi ng mga inaaping kababaihan. Isa siya sa most outstanding senador sa nakalipas na tatlong termino at ngayon ay nagbabalak siyang tumakbo bilang president ng bansa. At gusto niyang makasiguro na siya nga ang magiging presidente sa darating na eleksyon. “Any news sa pinahahanap ko?” tanong niya. Mabilis na umiling ang knayang secretary na si Sierra. “Wala pa po madam. Nanggaling na po ang grupo sa eskwelahang pinagturuan ng kapatid niyo pero walang nakakaalam ng tungkol sa kanyang imbensyon,” sagot nito sa kanya. Napataas lang ang kilay niya. “Anong walang nakakaalam? I know someone knows about that damn time machine. Nakalagay sa records niya na complete at gumagana ito. I need that machine to know kung ako nga ang mananalo sa darating na halalan. I need to know who are my opponents. I want to win this election,” sabi niya. “Pero wala po talaga. They know Prof. Abella but hindi nila alam ang tungkol sa time machine,” sabi ni Sierra. “Pakitawagan nga si Loki. Investigate further about my brother. Kailangan kong makuha ang time machine na iyon,” she said. Nagsindi pa siya ng sigarilyo at mabilis na hinithit ito. Bumuga siya ng usok at doon niya inilabas ang pagkairitang naramdaman dahil sa reports na kanyang natanggap. Para sa kanya, imposibleng walang nakakaalam tungkol sa imbensyong ginawa ng kanyang kapatid. Kahit isang tao lang ay walang nakakaalam? Sa pagkakatanda niya noon ay may paboritong estudyante ang kapatid niya noon. Hindi lang niya nakuha ang pangalan nito. Minsan nang naging bukambibig ng kapatid niya ang estudyanteng iyon. If I could just pay attention on what he was saying before. Hindi sana ako nangangapa sa ngayon. “Anyway Madam, Senador Jasper Fret wants to have a dinner with you,” sabi ni Sierra sa kanya. Napaikot ang kanyang mga mata. “Kukulitin niya lang ako na sumanib sa kanilang Partido. Obvious naman na walang laban ang Partido niya sa ibang paksyon.” “Congresswoman Hermosa also wanted to have a word to you. Regarding also sa pagsanib mo sa kanilang partidio.” Napaismid siya sa kanyang naririnig. Sa tingin niya, pinag-aagawan siya ng mga Partido para tumakbo nilang pangulo. She is the Dominant in Senate Court, of course everyone wanted to win her side. “Turn in down. I am loyal to my party,” sagot niya. “SENADOR Katie Abella-Dela Cruz, balak nga bang tumakbo sa darating na halalan? Ang tanong ng lahat, tatakbo ba siyang pangulo ng ating bansa?” Napatigil sa pagluluto si Kiefer nang marinig niya ang balita. Sabado ngayon at walang pasok. Kapag ganitong araw ay sinusulit niya talaga ang kanyang rest day at nagpapahinga dito sa kanyang unit. Hindi siya tulad ng ibang tao na kapag rest day ay namamasyal sa ibang lugar. “Sa ngayon ay ayoko pang magsalita tungkol diyan. Masyado pang maaga apara ianunsyo ang aking desisyon. Pinag-iisipan at isinasaalang-alang ang mga bagay-bagay dahil ang eleksyon ay hindi biro. As of now, hindi pa ako makapagdesisyon,” sagot ni Senador Katie Abella- Dela Cruz. Napasimangot siya dahil dito. “Kahit tumakbo ka pa, ‘di naman kita iboboto!” sigaw niya. Sa inis niya ay kinuha niya ang remote control at inilipat sa ibang estasyon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dahil sa kanyang narinig. Kilala niya si Senador Katie Abella- Dela Cruz. Minsan na niya itong nakita noong inimbitahan siya ni Prof. Abell ana maghapunan sa tahanan nito. Kita niya kung gaano kaambisyosa at kasakim ang babaeng iyon. Minsan na niyang nasaksihan kung gaano kalupit ang babaeng iyon sa mga kasambahay nito. Aminado ang si Prof. Abella na salbahe ang kapatid. Kaya noong binubuo palang nito ang Time Machine ay ibinilin na sa kanya ng propesor na huwag ibibigay ang Time Machine sa kanyang kapatid. “I know well my sister. Mataaas ang pangarap ni Katie and everything she wants, she will get it no matter what. By hook or by crook. Kung kinailangan niyang gumamit ng tao ay gagawin niya. That is why delikado kung mapupunta sa kanya ang Time Machine. Kaya sinasabi ko sa’yo Kiefer, huwag na huwag mong hahayaang mapasakamay ito ni Katie or else there will be chaos,” sabi sa kanya ni Prof. Abella noong mga panahong binubuo palang nito ang Time Machine. Hindi siya nagtanong noon kung bakit ayaw nito na makuha ng kapatid ang Time Machine. Sa mga nakalipas na taon ay dito niya naintindihan ang ibig sabihin ng kanyang guro. Napapitlang siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito at nagtaka siya nang makita ang pangalan ng security guard mula sa unibersidad na pinapasukan niya noon. “Yes, hello po?” sagot niya. “Hello, sir? Si Mike po ito,” sabi ng lalaki sa kabilang linya. “O Kuya Mike, napatawag po kayo?” “May itatanong lang sana ako. Kasi last two days ago ay may nagpunta dito na lalaki. Hinahanap si Prof. Abella eh hindi ba’t patay na iyon?” “Oo. Bakit daw niya hinahanap?” tanong niya. “May sinasabi siya. Kung alam ko daw ba ang Time Machine? Feeling ko baliw nga ‘yun eh. Eh wala namang ganoon dito. hinahanap niya dito sa school. May ganoon ba talaga dito, sir?” Nang marinig niya ito ay tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. “Fake news ‘yan kuya kung saan man niya narinig iyan. There is no such thing as time machine,’ sagot lang niya. Nang matapos ang kanilang usapan ay muli siyang napatingin sa telebisyon. “Mukhang may alam na dito si Senador DelaCruz. Ang tanong, papaano niya nalaman na may time machine? Not unless hinalungkat niya ang lab ni Prof. Abella. Kailangan kong mag-ingat. Mahirap na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD