“I am actually craving for seafoods. Allergy ka ba sa seafoods?” sabi ni Kiefer sa kanya. Mabilis siyang umiling.
“Hindi po. Hindi naman po ako maselan sa pagkain,” sagot niya.
“That’s good to hear. I just want to make sure. Mamaya kasi allergy ka pala sa seafood at mahirap na. Ayoko ako ang dahilan ng mga ganoong bagay,” sabi nito sa kanya.
Sumakay na sila sa kotse ng binata at hinayaan niyang dalhin siya nito sa kung saan. Napasilip siya sa bintana at dito niya napansin na tila nasa ibang bansa siya. Napapaligiran sila ng nagtataasang buildings at magagandang pailaw.
“Kiefer, asan tayo?” tanong niya. Huminto sa isang parking area ang sasakyan at tinanggal na niya ang seatbelt na suot.
“We are here at BGC,” sagot ni Kiefer sa kanya. Napatango na lang siya. Naririnig na niya ang tungkol sa lugar na ito at balita niya mga mayayaman lang ang nakaka-afford sa ganitong lugar. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng hiya. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse nang bigla itong bumukas. Hindi niya namalayan naklabas na pala si Kiefer at pinagbuksan siya ng pinto. “Let’s go?” tanong nito sa kanya. Tumango siya at lumabas na ng kotse.
Hinayaan niyang maunang maglakad si Kiefer at sumunod lang siya sa likod. Napatingin siya sa paligid at halos lahat ay mukhang mayayaman. Nahihiya siya.
“What are you doing?” Napatigil siya sa paglalakad at napatingin kay Kiefer.
“Ha?” tanong niya. Hindi niya kasi naintindihan ang ibig sabihin ng binata.
“Why are you walking behind me? Dito ka sa tabi ko.” Nagulat siya ng hawakan ni Kiefer ang kamay niya at hinila siya hanggang sa magkapantay na sila. Hawak ni Kiefer ang kanyang kamay hanggang sa pumasok sila sa isang restaurant.
Bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng restaurant. Napansin niyang nasa isang fine dining restaurant sila pumasok.
“Table for two,” sabi ni Kiefer sa isang waiter. Hinatid sila sa isang table sa gitnang bahagi ng restaurant. “Come kuha na tayo ng foods,” sabi nito sa kanya.
“Ha?”
“Eat all you can dito kaya kunin mo na ang gusto mo,” sabi nito sa kanya.
Pumila na sila at sa totoo lang, nalulula siya sa dami ng pagkain. Lahat ay bago sa kanyang paningin. Naramdaman niya ang pagkalam ng tiyan. Habang nasa pila ay lumingon si Kiefer sa kanya at ngumiti.
“Relax, okay? Walang kakain sa’yo dito. Relax and enjoy the food,” sabi ni Kiefer sa kanyua. Huminga siya ng malalim at tumango.
Tama si Sir Kiefer, mag-relax lang ako. Hindi ko dapat ipahalata na first time ko sa mga ganitong lugar.
Hindi naman siya ganoong kasiba sa pagkain. Kumuha lang siya ng mga pagkaing kaya niyang ubusin, mga pagkaing gusto niyang tikman. Iba’t ibang cuisines ang kanyang sinubukan. May Italian, Japanese, Chinese at Korean. Gustong-gusto niya ang California maki at sushi na nakuha niya.
Sa totoo lang, nakailang balik siya para kumuha ng sushi.
“You want a dessert?” tanong ni Kiefer sa kanya.
“Busog na ako. Baka hindi ko maubos. Sayang lang,” sagot niya. Napangiti naman si Kiefer sa kanya.
“Glad you’re enjoying your food. Teka, kukuha ako ng dessert,” sabi nito sa kanya. Tumayo na ito at maya-maya ay bumalik ito at may dala ng dalawang platito ng chocolate cake.
“Thank you,” sabi niya.
“Did you enjoy this day?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya.
“Oo naman. First time ko maging model, first time ko kumain sa ganitong lugar. Kung hndi sahil sa’yo ay hindi ko mararanasan ang ganito. Masasabi kong suwerte ako sa aking boss,” sagot niya.
Mukhang nagulat si Kiefer sa sinabi niya pero kalaunan ay ngumiti din.
Biglang kumabog ng malakas ang puso niya. Lihim siyang napahawak sa dibdib niya.
Mukhang may kape itong cake, bigla na lang tumitibok ng mabilis itong puso ko.
HALOS mahigit niya ang kanyang hininga nang sabihin ni Lorie ang mga katagang iyon. Ngayon lang niya narinig na suwerteng boss siya. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang may sinasabi ang mga empleyado niyakaya ganito na lang ang gulat niya nang makitang masaya si Lorie.
Hindi niya inaasahan na makakasama niya sa photoshoot ang dalaga. Aaminin niya na napakaganda ngayon ng dalaga lalo na’t naayusan ito. Well, maganda naman si Lorie, mas lalo lang na-enhance ang kagandahang taglay nito nang ayusan ito kanina.
Ready na niyang sakalin ng buhay si Benedict pero dahil nakikita niyang nag-eenjoy si Lorie ay hahayaan niya na loaming ito. Kanina habang kinukuhaan sila ng litrato ay pigil na pigil ang kanyang paghinga lalo na kapag pinaglalapit silang dalawa ng photographer.
Wala sa hinagap niya na maging isang model pero dahil sa mga nangyari naging instant model sila.
“May nabanggit pala sa akin si Benedict kanina. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin pero kasi namangha ako sa’yo,” sabi ni Lorie sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.
Ano kayang sinabi ng kupal na Benedict na ‘yun tungkol sa akin?
“Ano sinabi niya? I hope na hindi kalokohan iyan. Sasapakin ko talaga siya once na magkita kami,” sagot niya. Bahagyang natawa si Lorie at umiling.
“Wala naman siyang sinabing kalokohan about sa’yo. Sabi niya undergrad ka but still you manage to become a CEO. Naiintindihan ko na talaga kung bakit ganoon ka na lang kahigpit sa trabaho. Mas lalo kitang naiintindihan, nauunawan sa mga nakalipas na araw,” sabi nito sa kanya.
Napangiti siya.
“Benedict really don’t know how to shut his mouth. So yeah, I’m an undergrad. Nagkataon lang n ai have skills kaya ginamit ko ito para makapagtayo ng company. Nakapag-work kasi ako dati as real estate agent. Konting sales talk lang nakakabenta ako ng properties kaya ginamit ko iyon para maitayo ang Land of Dreams,” paliwanag niya.
“Bakit Land of Dreams ang name ng company mo?” tanong nito ulit.
“Because I have so many dreams way back. Kaya Land of Dreams.”
“Natupad ba lahat ng dreams mo?” tanong ulit ni Lorie.
“Oo. I have my own company, nakapagpatayo ako ng village for elders, I have my own condo unit. I have properties outside the Metro,” sagot niya.
“Masaya ka ba?”
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ni Lorie.
“What do you mean?”
“Masaya ka ba na lahat ng mga dreams mo natupad? As in masayang masaya? Walang kulang sa buhay mo?”
Sa totoo lang, hindi niya alam papaano ssagutin ang dalaga.
“Ako ang dream ko lang ay makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Mabuhay ng matagal ang kapatid ko. Iyon lang ang dream ko. Kahit papaano, nakakakain na kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Ang hindi ko lang alam kung matutupad ay ang paggaling ng kapatid ko.”