CHAPTER 5

1733 Words
Chapter 5 Jillian POV: "AAAHHHHH! NAKAKAINIS!" mariin na sigaw ko nang makauwi ako sa boarding house. Halos maputol ang ugat sa aking lalamunan dahil sa lakas ng boses ko. Pero wala na akong pakialam kung may makarinig man na iba at kung marinig man ito ng may-ari. Halo-halong emosyon kasi ang nararamdaman ko ngayon kaya kailangan ko itong mailabas. "Jillian, what's wrong?" concern na tanong ni Roxane. Umalis kasi ako ng boarding house kanina para sana bumili ng konting grocery. Ang kaso, isang puppy ang siyang nabili ko dahil sa bata kanina. Kinukulit niya akong bilhin ko raw si Whitey dahil wala nang mag-aalaga no'n. Dahil sa awa ko, binili ko nga ang aso. Mahilig din kasi ako sa mga hayop. At hindi ko rin matiis ang ka-cutan ng tuta. Mahilig kasi ako mag-alaga ng mga ganyang hayop. Sa Probinsya namin ay meron akong mga pusa, aso at madalas nga ay hilig ko rin mag-alaga ng manok. Yung inahin na manok na nangingitlog. "May lalaki akong nakilala. Sobrang kapal ng apdo! Isang pasensya lang ang hinihingi ko pero masyadong mayabang!" asar kong bigkas para sana ay ikwento ang dahilan kung bakit ganito ang galit ko. Hindi ko alam ang pangalan nung lalaki. Pero yung katawan niya, parang pamilyar sa mata ko. Parang nagkita na kami dati. Ewan ko ba kung tama ba yung nasa isip ko. O baka guni-guni ko lamang iyon. "Ano ba kasing nangyari? At teka nga lang, bakit ka may dalang tuta? Hindi mo ba alam na pinagbabawal ni Ale na mag-alaga tayo ng aso?" sambit ni Roxanne na siyang tuta ko mismo ang siyang nasilayan niya. Oo nga pala, bawal ang magdala ng hayop dito. Tiyak mapapagalitan ako nung may-ari ng boarding house. Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na hayaan ang tuta sa kalsada. Wala kasi na may gustong mag-adopt kaya ako na lang itong sumalo. Syempre, mabait akong tao at meron akong malambot na puso. Ayon nga lang, yung kabaitan ko ay hindi ko kayang ma-apply kapag yung lalaki na ang kaharap ko at kausap ko. "Naawa ako eh. Alangan naman, iwanan ko ito sa kalsada. Anyway, kaya ako naiinis dahil muntik na siyang mabundol ng kotse," pagpapatuloy kong kwento upang maintindihan niya ang kalagayan ko. Nakawala kasi ito sa kamay ko at tumakbo sa gitna ng kalsada. Kaya ayon, muntik na siyang mahagip ng kotse. Medyo kasalanan ko nga dahil naging tanga ako. Pero hindi ko kayang tanggapin ang pag-uugali nung lalaking 'yon. Tama bang bilhin niya ang pagkatao ko? Sa halip kasi na magsorry siya ay pinili niyang ipagdiinan sa akin na kasalanan ko pa. "Eh bakit may pera ka? Saan galing 'yan na mga libong pera?" usisang tanong ni Roxane na tila napadako ulit ang mata niya sa perang hawak ko. Doon lang sumagi sa isip ko ang limang libo na binigay sa akin no'n. Oo, kinuha ko pa rin ang pera. Sayang naman kasi kung pabayaan ko ito sa kalsada. I realized na magagamit ko ito sa pagbili ng pagkain kay whitey at pwede ko rin itong mabayad sa upa. "Bigay niya. Para matigil na raw ako sa kakadaldal," nakangusong turan ko. Nakakahiya tuloy dahil hinayaan kong kunin ito. Pero siguro naman ay hindi niya mahahalata na kinuha ko 'yon dahil pinairal ko sa harapan niya ang pagiging ma-pride kong tao. "Ayun naman pala, edi patawarin mo na. Bihira na lang ngayon yung tao na magbibigay ng pera kapag nakagawa ng mali. Yung iba kasi rito, tinatakasan na lang ang pagkakamali nila. Kaya magpasalamat ka pa rin sa kanya. Ang laking pera kaya n'yan," pahayag ng dalaga na animo'y sinabihan pa ako ng kung ano-ano. Well, she has a point. Kahit ang sama ng ugali nung tao na 'yon ay handa pa rin siyang pagbayaran ang naging atraso niya. Pero hindi ibig sabihin no'n na okay kaming dalawa. Magkita lang talaga kami ay hindi na ako makakapayag na tapak-tapakan nito ang pagkatao ko. Hindi niya na ako madadaan pa sa pera niya Wala tuloy akong masabi dahil ngayon ko lang napagtanto na may punto si Roxanne. But still, tumataas ang dugo ko sa kanya at hindi na 'yon magbabago pa. MAYA-MAYA ay pinaliguan ko na si Whitey para sa gano'n maging malinis naman siya. Hindi ko nga alam kung paano ko maitatago ang aso. Baka kapag nakita ito ni Ale ay pagalitan ako. Katulad ko pa naman ang bunganga no'n walang preno. At higit sa lahat, masyado pa namang mainit ang ulo no'n kapag natatalo sa tong-its. Kaya dapat palagi siyang panalo sa sugal para kalmado lagi siya. "Whitey ha? Huwag kang malikot dito? Para hindi paluin nung matanda na ubod ng sungit," kausap ko sa aso na may kalambingan sa aking pananalita. Sabi kasi nila kapag kinakausap mo nang masinsinan ang isang hayop, madalas nagiging masunurin sila. Honestly, maganda talaga alagaan ang tuta dahil para silang bata na sobrang sweet din. Hindi mo mafi-feel na nag-iisa ka kapag may aso kang kasama. He's like a bestfriend of yours. "Jillian, magtatrabaho na ako. Ikaw na lang bahala rito," paalam ni Roxane sa akin. Apat kaming magkakasama sa kwarto. Yung dalawa hindi ko masyadong close. Katulad din sila ni Roxane na nagtatrabaho bilang call center. Balak ko nga sanang mag-apply din as call center pero alam kong mahihirapan ako mag-adjust dahil malapit na rin ang pasukan. Saka hindi kakayanin ng oras ko ang maging call center dahil hindi ko pa alam ang schedule ko. Hindi pa kasi enrollment kaya hindi ko pa natatanggap ang white form na schedule ng aking klase. NATAPOS ang araw na ito na maraming nangyari sa akin. Pero kahit papaano, nakasurvive naman ako. At nasasanay na rin ako sa mga tao rito sa Manila. Alam ko na ibang-iba ang ugali nila sa ugali ng mga taga Probinsya. Kaya nakaka-adjust na rin ako ng pakonti-konti. Kinaumagahan, bumalik nga ako sa Restaurant na pinag-applyan ko. Natanggap din ako bilang taga-serve sa mga kumakain. Okay na okay na rin ito para sa akin dahil part time job ko lang naman ito habang naghihintay ako ng enrollment. At kung makaya ng oras ko ay pwede pa rin akong pumasok dito kapag vacant class ko. Kaya sa tuwing pumapasok ako ng work, iniiwan ko si Whitey kay Roxane. 6 hours lang naman kasi ang work time ko kaya kapag umuuwi ako ng boarding house, si Roxane naman ang magtatrabaho. Nakakataba nga ng puso dahil ang bait sa akin ni Roxane. Para na kaming magkapatid na dalawa. Sobrang spesyal na tuloy ang babae sa puso ko. Nagtuturingan na kasi kami na parang pamilya. "Jillian, bilisan mo na ang kilos mo. Marami ang customer natin," saad ng Manager nang banggitin ang pangalan ko. Medyo natataranta ako dahil hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Marami talagang customer dito na tila sikat na sikat yata ang restaurant na pinasukan ko. Masyado kasing tampok sa mata ng mga tao. Kaya hindi na ako magtataka na sobrang successful ang may-ari nito. I really want to meet our boss. "Opo Sir," magalang na tugon ko. Sinerve ko na ang mga pagkain sa mga mesa na naka-order na. Pabalik-balik man ay hindi ko ininda ang pagod. Sanay ako sa pagbabanat ng buto dahil nga't masipag akong babae. "Good day Ma'am. Enjoy your lunch," sambit ko sa kanila habang may nakaukit na ngiti sa aking labi. Ako ang madalas na makipag-usap sa customer dahil masyado raw akong friendly at natutuwa sila sa ugali na meron ako. Kailangan naman talaga ang maging friendly lalo na sa ganitong trabaho para hindi ako magkaroon ng problema. "Jillian, C.R lang ako. Pwede bang ikaw muna ang mag-assist sa mga customer na pumapasok?" pakiusap sa akin nung katrabaho kong babae na talagang nilapitan ako para humingi ng request. Siya kasi ang nasa main door na bumabati sa mga papasok kaya agad akong napatango bilang pagpayag. "Sure. No worries," mabilis kong sagot. Hindi naman kasi mabigat ang trabaho na ginagawa niya. Kaya yakang-yaka ko ang mga 'yon. Besides, sanay akong makipag-usap sa mga tao. Agad na akong pumunta sa pwesto niya at isa-isa kong binati ang mga taong pumapasok. "Welcome to Z. Restaurant!" masiglang sambit ko sa kanila. Yes, Z. Restaurant ang pangalan nang kainan. And letter Z is for Zach. Si Sir Zach daw ang may-ari nito. Na-eexcite tuloy akong makilala siya dahil utang na loob ko rin na matanggap sa ganitong trabaho. Feeling ko tuloy, may mabuti siyang kalooban. Kaso nga lang yung ngiti sa labi ko ay biglang napawi nung bumungad sa akin ang matipunong lalaki. Malaki ang katawan at may kwagapuhang taglay. Kaya yung mukha niya, kilala ko na. At kailanman, hindi ko makakalimutan. "You're not welcome here, Mr. Antipatiko," madiin na bigkas ko. Nawalan na rin ako nang galang ngayon dahil hindi maalis sa isip ko ang kayabangan nito. Kung akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya sa Whitey ko, puwes nagkakamali siya. "Ang sabi ko, hindi ka pwede rito. Hindi ka welcome sa ganitong kainan kung may sungay ka." Paghaharang ko sa kanya para hindi siya makapasok. Nagawa ko na rin siya na taasan ng kilay para magmukha akong mataray. Pero ang lalaki na ito, pinagmasdan lang ang itsura ko at animo'y hindi man lang natibag sa matalim na tingin ko. "Kainan ito diba? Kaya kahit sino pwedeng pumasok. Kaya Miss, tumabi ka at dadaan ako," seryosong saad nito. "Ayoko," tipid na turan ko bilang pagdedesisyon. At this point, nagtama naman ang mata naming dalawa dahilan para makipagsukatan ako nang tingin sa kanya. "Nasaan ba ang manager mo at kakausapin ko lang? Mukhang, hindi ko gusto ang mga empleyadong tinanggap niya," wika nito na talagang hinahanap pa ang manager ko. Akala niya siguro ay natatakot ako kay manager. "Kahit magsumbong ka pa sa may-ari ng restaurant na 'to, wala akong pakialam. Kaya kung ako sayo, umalis ka na at huwag kang kakain dito," matapang na tugon ko. Kung tumiklop man ako nung isang araw, hindi ko na 'yon hahayaan na mangyari ulit. Pinangako ko kasi na hindi ako magpapatalo. "Okay. I see. Aalis na ako, Miss. See you, again," saad niya na tila natatawa. "Anong see you again? Tanga! Hindi na tayo magkikita!" pagsisigaw ko. Nakakabwisit siya! May pa-see you, see you pa siyang nalalaman. As if naman ay gusto ko pa siyang makita! Napaka-feelingero, antipatiko at mayabang! Halos lahat na yata ng masasamang ugali na ayoko sa lalaki ay nasalo niya! Nakakasira siya ng araw! At nakakasira siya ng mood!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD