CHAPTER 6
JILLIAN POV:
NATAPOS ang araw ko sa trabaho na hindi mawala ang ngiti sa aking labi.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakaganti ka sa isang tao na may atraso sayo noh? Nawawala bigla ang galit mo at napapalitan ito ng good mood.
Paano, pinagtabuyan ko ang lalaking bumangga kay Whitey.
Syempre hindi na siya nakapalag pa dahil siguro natakot siya sa bagsik ng aking mata. At talagang binantayan ko ng husto ang pinto para hindi makapasok ang lalaking 'yon. Siniguro ko talaga na hindi makakatapak ang kanyang paa sa loob ng kainan.
Nakipag-swap pa nga ako nang gawain sa babaeng nag-wewelcome to make sure na hindi niya ako maiisahan.
Nakakatawang isipin dahil parang pagmamay-ari ko ang restaurant dahil sa ginawa ko. Pero mas okay na rin 'yon, at least nasiguro ko naman na wala akong pinapasok na antipatikong tao.
"Hi Roxane, kumusta ang work mo? Kumain ka na ba? Nga pala, salamat sa pag-aalaga kay Whitey ha? Nahihiya tuloy ako sayo," sambit ko sa dalaga.
Kakauwi niya palang ngayon habang ako naman ay kasalukuyang nag-aapply ng foundation sa aking mukha.
"As usual, nakakapagod ang call center. Nakakapuyat. Pagalingan na lang siguro ng guardian angel sa trabahong 'yan. And about kay Whitey, don't worry, it's just a small help. Besides, naeenjoy na rin ako sa tuta," bigkas naman nito.
Nang magkaroon kasi ako ng part time job ay siya ang naasahan ko sa pag-alaga at pagbantay sa tuta. And it's good to hear na nag-eenjoy na rin pala siya sa aso. Akala ko ay naging pabigat si Whitey sa kanya. Bagkus, naging happiness niya pa yata ang tuta.
"Thank you talaga. Hayaan mo, mamaya pag-uwi ko, dalhan kita ng pasalubong. Masasarap kasi yung pagkain do'n sa restaurant na pinasukan ko. Promise, hindi agad-agad magsisisi," saad ko naman sa dalaga bilang pagpapangako.
Gusto kong makabawi kay Roxane at i-treat siya ng pagkain. Para kahit papaano ay masuklian ko ng kabutihan ang ginagawa niya. It just only a simple reward pero talaga namang mula ito sa aking puso.
"Sige sige. Hintay na lang ako sa'yo later. Ingat sa work, siss," aniya niyo at kaagad na inalis ang sandal na suot.
Sa postura niya palang, halata ko agad ang pagiging pagod niya sa trabaho.
"Yeah, I will. Ba-bye, pasok na ako," pagpapaalam ko sa kanya.
I'm already done applying my lipstick kaya okay na siguro ito. Sa tingin ko naman, nagmukha na rin akong presentable.
8:00 o'clock in the morning kasi ang simula ng trabaho ko at 7:00 in the evening naman ang labas ko. Kaya dapat before 8:00 am, nandon na ako sa restaurant.
Ayaw na ayaw kasi nung Manager namin na ma-late kami. Kasi once na naka-apat na kaming late, automatic, aalisin na agad sa trabaho without a valid reason.
Ang strikta diba?
But I understand. That's the job. And business is a business. Dapat umaga palang, kumikita na agad at walang sinasayang na oras.
"Goodmorning!" pagbabati ko sa mga katrabaho na naroon na rin.
Kaya lang, yung mga titig nila, sobrang nakaka-concious masyado.
Parang gusto nila akong patayin nang wala sa oras.
"Oh Jillian, buti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay," saad ng Manager namin dahilan para magtaka ako.
Bakit naman kasi ako pa ang hinihintay nila.
"Ho?" tugon ko na medyo nagulat ako.
Kung tutuusin, 7:30 palang kaya imposible na kailangan niya agad ako diba? Hindi naman ako yung Chef.
"Anong ho? Malamang dito ka nagtatrabaho. May VIP customer tayo. At gusto kong ikaw yung mag-assist ng order niya," wika nito bilang paliwanag.
"VIP customer? Meron bang gano'n?" I asked again.
Ngayon lang yata ako nakarinig ng gano'n. Ang alam ko ay pantay-pantay dapat ang mga customer. Pero dahil sa sinabi ni Manager ay napaisip naman ako.
"Oo meron. Ang dami mong tanong. Kung kumilos ka kaya muna," bigkas niya na animo'y naiinis.
Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa utos nito. Gusto ko pa sana magtanong kaso mukhang highblood na yata siya.
Hindi na lamang ako nagsalita pa at agad akong kumilos.
Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil isa lang ako na hamak na waitres sa restaurant.
Pero bago ko simulan ang trabaho, tinapunan ko ulit nang tingin yung mga ka-workmates ko. But for the second time, hindi ko sila ma-gets.
Parang kahapon lang, ang close-close pa naming lahat. But now, it seems so different.
Naiinggit ba sila sa akin? O baka naman ang panget ng mukha ko ngayon?
Gusto ko silang tanungin, kaso inunahan na ako ng kaba lalo pa't sinigawan na ako nung Manager namin.
Kaya dali-dali kong inilapag ang bag ko bago ko kinuha ang menu.
Pumunta na nga ako sa sinasabi nilang VIP table, kung saan may isang lalaki ngang nakaupo. Sa palagay ko, kanina pa siyang naghihintay.
"Hi Sir, a great morning! Eto na po ang menu, you can choose the food you want to eat," magalang na bati ko sa mahinahon na boses.
I can't see his face actually kasi busy ito sa pagbabasa ng dyaryo. Pero mukhang hindi yata ako narinig kaya muli kong inulit ang pagsasalita ko. Busy kasi ito na tila hindi man lang niya nahalata ang aking presensya.
"Sir, I'm here. Baka gusto mo po akong pansinsin? Para sa gano'n, makuha ko na yung order mo at makakain ka na," wika ko sa kanya. I'm waving my right hand in front of his eyes.
Dahan-dahan naman nitong binaba ang dyaryo dahilan para maaninag ko ang pagmumukha nung lalaki.
"Ay shutangina. Patawarin mo ako, ama," mabilis na bigkas ko nang makilala ko siya.
Wala sa oras ay napamura ako nang malutong dahil sa nakita ko.
"Ikaw?! Teka, nandito ka ba para gantihan ako?" pagtuturan ko.
Ito agad ang naisip kong paraan nang pagbabalik niya.
Yes, he's the guy yesterday. Yung tinaboy ko at hindi pinapasok. And guess what? Bumalik siya.
"Do you think that's my purpose?" nakangising tugon niya.
"Aba ewan ko sayo. Umalis ka na nga. Hindi ka nababagay dito noh? Baka maging mainit pa ang restaurant na ito dahil sa demonyong katulad mo," pagtataray ko.
"Ganyan ka ba magsalita sa mga taong kumakain dito? Tsk, you don't know how to respect the customer," pag-eenglish naman nito.
"Wow, coming from you? At anong respect ha? Ikaw? Rerespetuhin ko? Huwag na lang! Saka para sabihin ko sayo, ang respeto, ini-earn 'yan!" inis kong saad.
"Kung gano'n, I don't have choice. I will call the manager, para maturuan ka niya ng leksyon," wika nito na talagang tinakot pa ako.
"Alam mo ikaw, mandurugas ka rin talaga. At higit sa lahat, sipsip pa! Akala mo kung sino ka dyan. Hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sa akin!" paninigaw ko.
Sa sobrang lakas siguro ng boses ko ay narinig ito ng Manager ko na naging hudyat para lumapit sa amin.
"What's wrong with this, Jillian? Bakit parang inaaway mo yata ang customer natin?" pagtatanong niya.
"Nagkakamali po kayo Ma'am. Siya ang nang-away sa akin. Kung alam niyo lang, masama ang ugali ng taong 'yan," Pagduduro ko naman.
"Jillian, mahiya ka sa pinagsasabi mo. Hindi ka dapat nagiging maattitude sa mga customers," saad ni Manager na talagang pinagalitan pa ako.
"Hindi naman po ako ma-attitude Ma'am," tugon ko para ipagtanggol sana ang sarili ko.
"Stop Jillian. Huwag ka nang magpaliwanag pa. Kung ako sayo, better to say sorry kung ayaw mong maalis ka sa trabaho," pahayag niya dahilan para mapasapo ako sa aking noo.
Ayoko sanang ibaba ang pride ko. Pero kailangan ko ng trabaho. Kasi para sa akin, mahalaga ang pera.
"Sorry ho Sir. Hindi na po mauulit," labas sa ilong na wika ko sa binata.
Labag talaga sa kalooban ko yung pagsasalita ko. Kasi napipilitan lang naman ako para hindi ako matanggal bilang waitres.
"Marunong ka rin naman pala mag-sorry. That's good. Keep it up," turan niya na halata kong pinipigilan niya ang tawa.
Bakit? May nakakatawa ba sa akin? Wala naman ha?!
Ang lalaking 'yon baliw na yata para tumawa nang walang dahilan.