Chapter 4

1474 Words
Chapter 4 Zach Gardon POV: "Mama, hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang lalabas na mag-isa na hindi ako kasama," seryosong saad ko kay Mama habang nasa restaurant kami na pagmamay-ari namin mismo. Hindi sana kami rito kakain kaya lang masyadong makulit ang kasama ko ngayon. Kaya wala tuloy akong choice kundi ang sundan siya para sunduin. Marami pa sana akong gagawin na trabaho. Marami akong inaasikaso dahil malapit na ang enrollment sa Gardon University. And as the owner of the school and as a Professor, nararapat lang na nando'n lagi ako. Kaso si Mama, hindi pa yata sanay sa trabaho ko at gusto niyang magkasama kami. Lagi niya akong pinagpapaalala na naging hudyat para ma-stress ako sa kanya. "Nag-grocery lang naman ako, Zach. At tumingin-tingin na rin ako sa Mall ng mga pang-baby na damit," saad nito bilang paliwanag. Hindi talaga siya nauubusan ng explanation. Ang hirap kapag matanda na ang nanay mo, kahit mali na sila ay gusto nilang tama pa rin sila. "Ayon na nga Ma. Sa gano'ng oras pa talaga kayo lumalabas, kung kailan mahimbing ang tulog ko. Ni hindi man lang kayo nagpasama sa driver. At nagawa mo pa talagang sumakay ng taxi," naiinis kong wika. Ayoko sana siyang pagsabihan na ganito pero minsan sumosobra na rin kasi. Para siyang bumabalik sa pagkabata. I know parte na ito ng pagiging matanda. Kaya lang sa estado ng buhay ko at sa trabaho ko, hindi ko maipagsasabay ang pag-aalaga kay mama at ang pagiging Professor ko. "Anak, pasensya na. Ang gusto ko lang naman ay maglibang. Naboboring na ako sa bahay. Kaya nga matagal ko nang hinihiling sayo na mag-asawa ka na. Para sa gano'n, mabigyan mo ako ng apo," Talagang siningit pa nito ang matagal niya ng request sa akin. Kung makapagsalita si mama, parang madali lang makahanap ng asawa. Hindi niya yata alam na ang hirap pumasok sa gano'ng relasyon. Hirap na nga ako makahanap nang matinong babae, gusto niya agad ay mag-asawa ako. Yeah, I have my own standards pagdating sa paghahanap ng makakasama sa iisang bubong. "Ayoko munang mag-asawa, mama. Ilang beses ko na 'yang sinabi sayo na ayoko munang pumasok sa ganyang buhay. Paghahanap nga ng girlfriend, tinatamad ako. Pag-aasawa pa ang gusto mo," sambit ko sa kanya. Totoo ito. Ayoko pang pumasok sa relasyon. Hindi ko na nga nakakaya ang lambingin siya, hahanap pa ako ng isa pang babae. Hindi man ako eksperto pagdating sa babae, alam ko na agad ang ugali nila dahil kay mama pa lang ay halos maubusan na ako ng buhok sa itaas dahil sa pagiging pasaway niya. "Pero anak, nasa 30's ka na. At ako, senior citizen na rin. Kailan mo ba ako balak bigyan ng apo? Kapag tigok na ako? Alam mo namang may sakit akong dinaramdam. Ayaw mo ba ako maging masaya man lang?" mahinang saad niya na may pagtatampo sa boses. I'm Zach Gardon. A Professor in Math. And at the same time, I'm a business man. Yung University na tinuturuan ko ay mismong pagmamay-ari namin. I love teaching and I really love my job as a teacher. Naka-focus lang ako sa pagtuturo at sa pagpapalago ng negosyo kaya wala akong panahon para sa mga love-life. Pakiramdam ko kasi sakit lang sa ulo ang mga babae. Kagaya na lamang ngayon, yung nakabangga kong babae, masyadong madaldal. I admit na mali ako dahil pumasok ako sa exit. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong giyerahin nang husto. Ayon ang rason kung bakit ayoko talaga ang makipagrelasyon muna dahil masyado akong seryoso sa buhay at hindi ko kaya ang makipag-usap sa ibang tao. Yung babaeng nabangga ko naman ay maliit lang kaya nasilayan ko agad ang mukha niya. At hindi ako magkakamali na siya rin yung babae na binigyan ko ng isang libo dahil buong akala ko ay isa siyang pulubi na buntis. A small world for us. Pinaglalaruan yata ako ni Tadhana dahil pangalawang beses ko na siyang nakita. "Oh? Natulala ka yata anak? May natipuhan ka na bang babae?" pagtatanong ni Mama nang kurutin niya ako sa tagiliran. Doon lang nabalik ang atensyon ko sa kanya at nawala sa isip ko yung babaeng sumagi sa utak ko. "Kung ano-ano na lang kasi ang pinagsasabi mo, Mama. Pwede bang kumain na lang tayo. Dahil mamaya ihahatid na kita," tanging wika ko sa kanya. "Ikaw talaga, kapag usapang asawa at apo ang binabanggit ko, bigla kang lumiliko. Huwag mong sabihin na bakla ka, anak ha?" tugon ni Mama na talagang hinusgahan pa ang pagkatao ko. "Ma, kung ano-ano na lang ang nasa isip niyo. Hindi ako bakla. Ayoko lang talaga mag-asawa pa. At kung mag-aasawa ako, pipiliin ko yung babae na hindi madaldal para hindi ako ma-stress," turan ko sabay inom ng drinks. Kahit ano yatang sabihin ko kay Mama hindi siya sa akin nakikinig. Kaya minabuti kong ituon sa pagkain ang atensyon ko para matapos na at makauwi na kami. Kaso bigla akong nabulunan nung magsalita muli si Mama. "May babae akong nakilala kanina, anak. Alam mo ba, masyado siyang simple kung manamit at kumilos pero maganda. At alam mo rin ba, sobrang concern din siya sa akin katulad mo. Sayang lang dahil hindi ko natanong ang pangalan niya. Bagay na bagay sana kayo no'n," pahayag nito. "Hayy. Papasok na lang ako sa office, Mama. Naririndi na ako sa mga pinagsasabi mo," agad na bigkas ko. Nagawa ko nang tumayo at hindi ko na tinapos pa na ubusin ang pagkain. "I'll just call the driver, hintayin mo na lang siya rito. Okay? Good bye, Mama." Sabay beso ko sa kanya bilang paalam. Ganito ang palusot ko sa tuwing nirereto at pinupush ako ni Mama sa ibang babae. Wala kasi akong panahon para makinig sa mga kwento niya. Naglakad na palabas ng restaurant para tumungo sa aking kotse. Sa Gardon University ako pupunta. May office ako roon. At doon ang pang-palipas oras ko kapag napepressure akong mag-asawa. Hindi naman sa pagyayabang pero marami sa aking nagkakagusto na babae. Maraming naghahabol at maraming nagtatangka na hintayin ako. Natatawa nga ako minsan dahil ako yung lalaki, pero sila ang gumagawa ng paraan para ligawan ako. But honestly, I don't like those girls na masyadong clingy. Mas gugustuhin ko pang mahalin ang isang babae na walang pakialam sa akin. NAGSIMULA na akong mag-drive papunta roon. I'm listening to a music while driving. Nakakabawas kasi ng stresss ito kapag pinapakinggan ko ang paborito kong tugtog. Kaya lang, agad akong napapreno nang muntikan kong masagasaan ang isang tuta. Napakaliit na aso na kulay puti. "WHITTTEEY KOOO!!!" sigaw ng babae na animo'y hinahabol niya ang aso. Nang madampot niya ito ay doon ko nakilala ang dalaga. "Jusko naman Whitey! Kakabili ko palang sayo, gusto mo na agad akong iwan," rinig kong sambit niya na halos mangiyak-ngiyak. Sa palagay ko, malaking trauma ang nangyari sa tuta dahil bigla itong napasanday sa dibdib nung babae. Gusto ko sanang humingi ng dispensa sa nangyari, ang kaso biglang kinalampag nung babae ang harapan ng kotse ko. "HOY! KUNG SINO KA MANG DIABLO KA, LUMABAS KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO HA?! WALA KA BANG UGALI?!" paninigaw nito. Here we go again, nagtagpo ulit ang landas namin. Tsk. "Ano?! Naduduwag ka? Lumabas ka dyan para maturuan ka ng leksyon?! Akala mo ba palalagpasin ko ito? Para sabihin ko sa'yo, handa akong sampahan ka ng kaso for giving a trauma to my pet!" muling bulyaw niya. Napahinga naman ako nang malalim bago ko harapin ang babae. "Hindi ko kasalanan kung masyado kang pabaya sa aso mo. Kaya pwede ba Miss, huwag mo akong sisihin sa pagiging pabaya mo," turan ko sa kanya. Napataas naman ang kilay nito na tila hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. "Ikaw pa talaga ang may ganang magsalita sa akin ng ganyan ha?!" saad nito na halos umusok na ang ilong sa galit. Palihim tuloy akong napangiti sa reaksyon nang mukha niya. "You know what Miss, nasa Manila ka. Nasa matao kang lugar. Kaya dapat hindi ka nagdadala ng aso kung hindi mo kayang bantayan nang maayos," wika ko rito. Kinuha ko naman ang wallet para kunin ang limang libo at ibigay 'yon sa kanya. "But here, kung nagka-trauma ang aso mo, patingin mo agad. Para quits na tayo at hindi na lumaki ang gulong ito," sambit ko na lamang para matigil na siya sa kakadaldal. "Talagang sinuhulan mo pa ako? Anong akala mo sa akin, mabibili mo ang dignidad ko? Hoyyy--" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil tinalikuran ko na ito. "Abah! Bastos ka! Kinakausap pa kita!" pahabol na sigaw niya. Pero hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na ako nang tuluyan sa kotse. Nang madaanan ko siya agad kong iniwan ang limang libo sa kanya. "Hoy lalaki! Hindi ko kailangan ang pera mo!!!" malakas na turan nito. Para siyang si angry birds na laging galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD