bc

A Contract with My Professor

book_age18+
24.7K
FOLLOW
190.7K
READ
contract marriage
one-night stand
teacherxstudent
arrogant
self-improved
billionairess
drama
sweet
campus
professor
like
intro-logo
Blurb

"Whether you like it or not, pakakasalan kita Jillian," bigkas ni Sir Zach sa akin. Seryoso ang mukha nito na tila desidido nga siya sa sinasabi.

"Anong pakakasalan? Hoy! Hindi porket mayaman ka ay magagawa mo na ang gusto mo! Walang rason para pakasalan ko ang isang tulad mo!" singhal ko sa binata.

Halos lahat na lang kasi nang ginagawa ko ay dinidiktahan niya kahit na hindi ko naman siya boyfriend.

"I have a reason to marry you, Jillian. May nangyari sa atin, don't you remember it? Ikaw pa nga ang kusang humalik sa akin nung gabing lasing na lasing ka," pagpapaalala nito na may ngisi sa labi.

Napalunok naman ako nang laway dahil dito. Oo nga pala, may nangyari sa amin. Pero hindi ko naman sinasadya 'yon. May naglagay kasi ng drugs sa iniinom ko kaya gano'n na lamang ang akto ko ng gabi na hinatak niya ako para ilayo sa mga kaibigan ko na akala ko ay totoo sa akin.

"So there's no reason to say 'NO', my future wife," pakindat nitong turan.

Wala na yata akong kawala pa.

Magiging asawa na ako ni Sir Zach. Ang Professor ko na palagi kong nakakaaway.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE of "A CONTRACT WITH MY PROFESSOR" Jillian's POV: "100k in a month. 3 years lang ang kontrata natin. Kaya sa tatlong taon na 'yan, milyonarya ka na. Ano? Payag ka na bang magpakasal sa akin, Ms. Jillian?" seryosong saad ni Sir Zach. One of my Professor in this University. Siya rin ang anak ng may-ari nitong pinag-aaralan ko. At isa ako sa maswerteng estudyanteng nakatanggap ng scholarship sa sikat na Unibersidad dito sa Manila. "Ayoko. Hindi ko ipapatali ang sarili ko sa'yo Sir," I said as I decided. Kahit anong pangungulit pa ang gawin niya, hindi niya mababago ang isip ko. May isang salita ako noh? "Bakit ba ang damot mo? Ikaw na ang binibigyan ng chance para maging mayaman, tinatanggihan mo pa," saad nito at tinitigan ako sa mata. "Bakit ba ang kulit mo? Hello, teacher kita diba? Kaya ano na lang ang iisipin ng mga kaklase ko? Na hinarot kita? Jusko, mag-isip ka nga. Ayokong magawan ng issue. At hindi ako pumunta rito sa Manila para maghanap ng sugar daddy!" bulyaw ko sa kanya. I don't even care kung Teacher ko siya. Basta galit ako sa kanya! Dahil siya lang naman ang naging malas sa buhay ko. "Sugar daddy? What the heck? Anong akala mo sa akin matanda na?" tanong nito habang nagsasalubong ang kilay. "Bakit hindi ba? Look at yourself Sir. Nasa 30's ka na. Tapos ako, kaka-twenty ko palang. So we're not compatible. Ang texas na katulad ko ay hindi nababagay sa mga pang-sabong na manok," mahabang wika ko naman. Taray, kakaiba ang linyang binitawan ko ha? "Ang arte mo. Akala mo kung sino ka. Ang baduy mo naman pomorma. Pasalamat ka, ikaw ang nagustuhan ni mama para sa akin. Dahil kung hindi, hindi talaga ako maghahabol sa isang tulad mo," pang-iinsulto niya at iniwan ako. Oo nga pala, yung mama na tinutukoy niya ay may dinaramdam na sakit. Naging kaibigan ko ang mama niya sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. And guess what? Yung restaurant pala na 'yon ay pag-aari mismo ni Zach Gardon na siyang Teacher ko. He's my Professor. At the same time, my Boss. And he's asking me to marry him para maging masaya ang mama niya. Pero haller? Hindi ako papayag noh? Mas gugustuhin kong mag-ulam ako ng asin, kaysa pakasalan ang isang lalaki na kahit kailan hinding-hindi ko makakasundo. Siya lang naman kasi ang nag-iisang lalaki na nagdadala sa akin ng kamalasan dito sa Manila. I remembered the day when I first met him. Napagkamalan niya pa akong buntis na pulubi kaya binigyan niya ako ng isang libo. Okay na sana eh. Kaso minaliit niya pa ang pagkatao ko at pinag-isipan niya pa ako na parang kaladkarin akong. Akala ko ayon na ang unat-huling araw na makikita ko siya. Pero hindi eh. Dahil lalong naglapit ang mundo namin ng lalaking ito na may edad na. Bukod sa judgemental na siyang tao, ang hilig niya rin lagyan ako ng pera na akala mo ay kaya niyang bilhin ang dignidad at pagkatao ko. The second time that I met him, masyado siyang tatanga-tanga dahil gusto niya pang sagasaan ang aso na kakabili ko pa lamang. Si Whitey. Galit na galit talaga ako sa kanya. Pero ang buong akala ko noon ay ibang tao siya dahil noong unang beses ko siyang nakita ay naka-mask ito kaya inakala ko na magkaiba sila. Kaso dahil babae ako, magaling ang instinct ko na yung lalaking 'yon ay ang lalaking binigyan ako ng pera at tinawag na pulubi. Maraming beses kami na pinaglapit ni Tadhana at masasabi ko na ang daming twist ng pagsasama namin. Minsan sa daming ganap sa buhay ko ay maiisip ko na pinaglalaruan ako sa Manila. Paano, hindi naman ako sanay sa lugar na ito. Masyado akong inosente pagdating sa mga bagay-bagay lalo na sa mga lugar at pagkain. Marunong lang ako mag-english at 'yon ang isa sa mga pinagmamalaki ko. Madalas kapag nagsasalita ako ay akala nila ay hindi ako laking probinsya. May pagkakataon din na umaasta ako na parang Probinsyana na tao kapag napapangunahan ako ng galit sa aking dibdib. Talakera kasi ako na putak nang putak kapag alam kong nasa tama ako. Kaya nga itong lalaki na nakilala ko sa Manila ay hindi kami nagkakasundo dahil sa bunganga ko. Masyado kasi akong madaldal at hindi nagpapatalo sa kanya. Gusto ko kasi ay palagi akong tama. Pero dahil perfectionist siyang tao ay hindi rin siya nagpapatalo. He is Zach Gardon. Ang Professor na hindi pa pala umibig at hindi alam ang salitang pag-ibig. Kaya yung puso niya, parang yelo, malamig na nga at matigas dahil wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Kung magsalita siya ay bilang lamang sa daliri. Pero kapag ako ang nakakaharap at nakakausap niya, lagpas bente na salita ang nasasambit niya. That's the reason kung bakit gustong-gusto ako ng Mama ni Zach para sa lalaki. Napabago ko raw kasi ang anak niya. Marami akong nabago kay Mr. Gardon, isa na roon ay marunong na siyang makinig sa sinasabi ng mga taong nasa paligid niya. Si Mamita, unexpected ang pagkakaibigan nami. Naging kaibigan ko ang nanay niya sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko at naging kaklase ko pa. Ang hindi ko lang alam ay mag-ina pala sila. At 'yon ang pinakalihim na hindi ko matukoy-tukoy dahil magaling din umarte ang nanay ni Zach. Gumaan ang dibdib ko sa kanya at sa tuwing kasama ko ang matanda ay parang kasama ko na rin ang mama ko. Kaso nga lang, pinaglaruan ni Mamita ang damdamin ko na naging hudyat para magtampo ako. Pero nagkabati rin naman kami dahil hindi ko naman kayang matanim ng galit sa mga katulad niya. Marami akong naranasan sa Manila, nakakainis, nakakagalit, nakakakilig, at nakakaiyak pero sa kabila ng mga naranasan ko ay naging matatag akong tao. Naging malakas ako at naniwala sa sarili ko na kaya ko. Kaya kung gusto niyong malaman ang kwento namin ni Mr. Zach Gardon at kung paano kaming dalawa na-inlove sa isat-isa, huwag mo itong pakakawalan dahil marami akong ituturo tungkol sa PAG-IBIG.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook