CHAPTER 12

2064 Words
CHAPTER 12 "A CONTRACT WITH MY PROFESSOR" JILLIAN's POV: "MARAMING SALAMAT, HIJA." Katagang binigkas ng matanda nang makalayo kami sa mga estudyante. Medyo hiningal ito ng bahagya dahil medyo malayo rin ang tinahak namin para lang hindi na kami sundan nung mga 'yon. Mas mabuti na yung safe siya. "Okay lang po ba kayo? Pasensya ka na, dito muna kita dinala. Kasi naman, hindi ko gusto ang ugali nila. Baka hindi ka nila tantanan eh," pagpapaliwanag ko. "I'm fine, hija. Nakakatuwa naman dahil nagkita ulit tayo. Akalain mo, ang laki ng University na 'to pero nagtagpo ang landas natin. And we are in the same building and course," She smiled. "Oo nga ho. Naalala ko palang nabanggit ko sayo ang tungkol sa Scholarship ko nung minsan na tayong nag-usap. Pero hindi ko talaga inaasahan na nag-aaral pa pala kayo," wika ko para sana umpisahan ang mga katanungan sa isip ko. Dahan-dahan naman itong umupo sa bench kaya tumabi na rin ako sa kanya. "Gusto ko lang sana malaman kung bakit pinili niyo pa pong mag-aral? Hindi ba kayo pinagalitan ng anak niyo?" sunod-sunod kong tanong na hindi ko na maiwasan pa na pigilan. Napatawa tuloy siya nang mahina dahil siguro sa kadaldalan ko at pagiging chismosa. "Hija, na-miss ko kasi na mag-aral. Hindi ako nakapagtapos ng college dahil nag-asawa agad ako. At ngayon, na binigyan ako ng rason para magpatuloy, hindi ko na tinanggihan pa," kalmadong sabi nito sa akin. "Rason po? Ano pong rason?" curious kong bigkas. Kaso marahan ako nitong tinapik sa braso para tumigil na ako. "Naku hija, mahabang kwento. Basta ang mahalaga, masaya ako sa ginagawa ko. Ayon naman ang importante diba? Lalo pa't may edad na ako at tanging hiling ko lang ay matupad ang lahat na nasa wish list ko," aniya ni Mamita na tila may malalim na pinaparating sa akin. Gusto ko pa sanang magtanong kaya lang naisip ko na baka pribadong usapan na 'yon kung hihimasukin ko pa. "Sabagay ho, marami rin na katulad mong matatanda na nag-aaral pa rin. Kagaya doon sa Probinsya namin, si Lola Telma. Grabe! 75 years old na siya pero kakagraduate niya lang ng elementary. Tapos sobrang naiyak siya kasi sabi niya sa akin na noong panahon daw nila, pinapaasawa agad sila kaya hindi niya agad naranasan ang mag-aral nung bata at dalaga siya," pagkekwento ko. Naalala ko tuloy ang mga tao roon sa Probinsya namin. Nakakamiss lang dahil marami akong kaibigan at kakilala na katulad ni mamita. "Base sa kwento mo, mukhang masaya sa Probinsya niyo ha?" "Hindi lang po masaya mamita, dahil marami kang ma-eexperience ro'n. Katulad ko, na-experience ko ng magtanim ng palay, mais, kamote at mga gulay. Tinuruan na kasi ako ng magulang ko na tumayo mag-isa para sa gano'n may alam ako kahit sa anong uri ng pagtatanim." pahayag ko at unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi na siyang nahalata ng matandang kausap ko. "Oh? Ba't parang natahimik ka, hija? Is there something bothering you?" she asked me. "Ahm, wala naman po. Nakakamiss kasi sa amin. Namimiss ko na ang magulang ko. Kaya lang wala naman akong magawa dahil kailangan ko rin mag-aral para sa kanila. Gusto ko na ngang magsimula yung klase para kapag bakasyon na, pwede na akong umuwi ng Probinsya. Gusto niyo ho bang sumama? Bakasyon din kayo roon kasama ang anak niyo," suggestion ko rito na agad ding umiba ang mood ko. Napaayos naman ng pagkakaupo si Mamita at hinaplos ang aking palad. "Oo naman Jillian. I'm planning to have some vacation in your Province. Gusto kong makilala ang magulang. Pero sana sa araw na 'yan, kayo na ng anak ko," tugon niya na animo'y nabingi ako sa huling sinabi niya. "Ho? Anong--" "Anyway, halika na hija. Bumalik na tayo sa pila para sa gano'n makakain na ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo. And I'll treat you for lunch," agad na sambit ni Mamita dahilan para hindi na ako makapagsalita pa. Siguro nga nabingi lang ako sa narinig ko. Masyado namang imposible kung ipagtutulakan niya ako sa anak niya. Ni hindi ko pa nga nakikita ang anino no'n at wala akong ideya kung sino ba siya. Kung magtatanong naman ako, baka isipin niya, interesado ako sa anak niya. "Sige po. Tara na." Sabay na nga kaming bumalik sa pila at buti na lang wala na yung mga nang-aaway sa amin. Sana lang hindi namin maging kaklase si Zasha at ang grupo niya. Ilang minuto lang hinintay namin bago kami makapasok sa mismong room kung saan may isang Professor daw ang siyang mag-iinterview sa amin. Umalis daw muna ito dahil may kinuha lang ito sa kotse. "Akala ko sa trabaho lang may interview, pati pala rito sa University meron din. Improving na talaga ang Manila," ani ko. "Gano'n talaga hija para malaman nila ang background details mo kaya may interview. Excited na nga akong makita ang Professor na 'yon. Ganito pala ang feeling kapag mag-cocollege noh?" wika nito sa akin. "Kabaliktaran naman po tayo mamita. Ako kasi parang kinakabahan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Baka kasi striktong tao pala yung Professor na makakaharap natin. Ano po sa tingin mo?" pagtatanong ko. Walang minuto yata na hindi ako nagtatanong sa kanya. Napahawak naman ito sa kanyang baba na animo'y iniisip ang sagot. "Sa tingin ko, tama ka. But it's more exciting kapag gano'ng guro ang maging Professor nating dalawa. Kasi yung mga striktong tao ay kulang sa pag-ibig." "Mamita naman. Bakit naman nakarating tayo sa pag-ibig? Ikaw po talaga. Halatang in love ka nga po nung dalaga ka," hagikhik ko rito sabay sundot ko sa tagiliran niya. Kaya lang tung tawanan naming dalawa ay biglang naudlot dahil bumukas na mismo ang pintuan ng room. Ibig sabihin, Professor na namin ang siyang pumasok. Kaya mabilis kaming dalawa na tumayo ni Mamita at tiningnan ang lalaking nakatayo sa pinto. Tila lumaki ang aking mata nang makilala ko ang binata. Sino ba kasing makakalimot sa kanya? Kung siya lang naman yung lalaking nagpapabwisit ng araw ko. Sa tuwing nagkikita kami, puro kamalasan lang ang dala niya. "Hi hijo, ikaw ba ang Professor dito?" tanong ni Mamita na siyang nag-umpisang magsalita para mabasag ang katahimikan. Eyes to eyes kasi ang nangyari sa pagitan naming dalawa. "Yes, I am. Ipapa-enroll niyo ang anak niyo ho?" balik na tanong nito habang may ngisi sa labi. Aba! At talagang pinagkamalan pa kaming mag-ina "Hindi ko siya nanay. Kaibigan ko siya. And she's going to enroll here." pagkokorekta ko naman. "I'm just asking. May mali ba sa pagtatanong?" he asked again. But this time, nagbago ang mood ng mukha niya. He's being serious right now. "Wala naman. Mabuti na yung nililinaw dahil baka katulad ka rin ng mga estudyanteng nandito na binully siya. Dakilang demonyo ka pa naman na kilala ko," giit kong turan. Naningkit naman ang mata niya dahil sa winika ko. Pero si mamita, bigla akong nilakihan ng mata para manahimik na ako. "Naku Sir, huwag mo na hong pansinin ang kaibigan ko. Masyado talaga siyang madaldal." Pangungurot niya sa tagiliran ko. "Mamita, totoo naman eh. Halos lahat yatang nandito may mga sungay. Fake news lang pala ang nababasa ko sa dyaryo na maganda ang University na 'to. And take note ha? 'Yang nasa harapan natin, siya yung antipatikong customer namin sa restaurant na masyadong sipsip sa manager," gigil kong pahayag na hindi ko pa rin malimutan ang mga ginawa niya. "Hija, mamaya mo na sa akin ikwento ang atraso ng lalaking 'yan. Dahil nasa University tayo, isipin mo ang scholarship mo. Kaya kung kaya mong makipagplastikan, gawin mo na lang," bulong ng kaibigan ko sa akin. Huminga ako nang malalim para ikalma ang aking sarili. Tama siguro si mamita. Kailangan kong isantabi ang atraso niya kapag nandito ako sa loob ng University. Baka pag-initan niya ako at ibagsak sa subject niya kung sakaling maging Professor ko siya. "Siguro naman tapos na kayong dalawa mag-usap? Baka gusto niyong simulan na natin ang interview?" saad nito. "Oo naman Sir Pogi," tugon ni Mamita na halos ikinangiwi ng labi ko. Si Mamita, tinatawag niyang pogi ang Professor na ito? Akala siguro niya may asim pa siya. Pero dahil kaibigan ko siya, susuportahan ko na lang ang kaligayahan niya. "Then we will start now. At dahil hindi matahimik ang bibig mo. I'm going to start with you." Pagtuturo nito sa akin. Hindi na ako nagreklamo pa para matapos na rin ang interview. Kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid na katabi ng table niya. "Ms. Jillian Bartolome, tama ba?" he asked so I just nodded. "Your age is twenty. Too young," ani nito na ikinakurot ng noo ko. Nakatingin siya ngayon sa mga papel na kung saan yung birth certificate ko yata ang hawak niya. Pasimple rin siya na tumingin kay mamita at muling inulit ang edad ko. "Twenty palang siya. Malayo ang agwat," he said again. "Ano po bang pinagsasabi niyo? Anong malayo ang agwat? I am not qualified here? I'm a freshmen student. Kaya sakto naman sa edad ko ang makatuntong sa first year college," pagpapaliwanag ko dahil masyado akong nalilito sa kanya. "Wala akong sinabi na hindi ka qualified. Binabasa ko lang ang nandito. So tell me about yourself," wika nito habang ginagalaw ang upuan niya. "I'm a scholar--" "I already know about it. Nabasa ko na 'yan dito. More something about yourself," saad niya para pahintuin ako. "Wala naman akong masasabi sa sarili ko eh. Kasi lahat naman yata ng mga gawaing babae ay kaya kong gawin." "Then?" pagtatanong niya pa. Kagat-labi tuloy ako ngayon habang iniisip kung paano ko sisimulan ang pagpapakilala ko. "I'm positive woman. Which means na hindi ako nagpapaapekto masyado sa mga negative comments sa akin. Lalo pa ngayon na nasa Private University ako. I know there's a lot of student here will bully me. But it doesn't matter. Kasi meron na rin akong makakasamang kaibigan. And that is mamita," ngiting sabi ko at mabilisan kong tinapunan ng tingin ang matanda kong kaibigan. "That's good. I'm glad to hear it. And I'm glad to see your smile. Sana ganyan ka lagi. Hindi yung lagi kang may galit sa mga tao," wika niya at bahagya itong natawa. "Excuse me? Nakadepende lang sa tao ang ugali ko. Katulad ni mamita, mabuti siyang tao sa akin kaya lagi akong nakangiti sa kanya. Not like you, Sir." Pag-iirap ko. "Hindi ba sayo uso ang salitang move-on, Ms. Jillian? O baka naman may lihim ka lang na paghanga sa akin kaya nagkakaganyan para lang mapansin kita," confident na sabi nito na hindi man lang nabulol. "Grabe! Ang lakas ng aircon dito, pero sinabayan mo pa kaya lalong lumamig," ani ko habang magkadikit ang ngipin ko na sinasabi ito. "Ayon lang kasi ang nakikita kong dahilan para ipamukha sa akin ang kasalanan ko. Because as far as I remember, binayaran kita no'n sa damage na ginawa ko. But until now, bitbit mo pa rin 'yon. So now tell me, do you like me?" tanong niya na may pa-cute sa boses. Napatayo tuloy ako nang wala sa oras at inayos ko ang aking tshirt. "Sir, hindi ko kayo magugustuhan. Hindi katulad mong lalaki ang tipo ko. Kaya tigil-tigilan mo 'yang pag-aassume mo," diretsahang wika ko. "Kaya kung tapos na ang interview mo, baka pwedeng lumabas na ako?" I continue. "The interview is not done. I still have a back-up question here." "And what is it?" tanong ko sa kanya. Pero ang loko, bigla ring tumayo at nakipagtitigan sa akin. Pakiramdam ko tuloy matutunaw ako sa mga titig niya. "I just wanna ask, if....you have a boyfriend?" Ayan ang tanong niya na ikinabuka ng bibig ko. "Huh? Anong---anong klaseng tanong ba 'yan? Related ba 'yan sa University na 'to?" Naguguluhan na kasi ako. Tama bang itanong niya sa akin ang bagay na 'yan para ipaalala sa akin na wala pa akong boyfriend. "Of course, it's related. Since you are a scholar student, you need to maintain a high grades para manatili ang scholarship mo. At ang pagkakaroon ng boyfriend ay makakaapekto sa pag-aaral mo. Sakit lang sa ulo ang mga 'yan," pahayag nito. "Tsk. Akala ko kung ano na. Pero huwag po kayong mag-alala, kasi wala talaga akong boyfriend. Dahil ikaw nga na Professor, masakit na sa ulo, magboboyfriend pa kaya?" pabalang na saad ko. Talagang dinidikit ko sa kanya ang usapan dahil naiinis talaga ako masyado sa antipatiko na ito. "Alright. So welcome to the Gardon University! Goodluck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD