CHAPTER 14 JILLIAN's POV: LUMABAS na ako sa loob ng room at iniwan ko si mamita roon. Pinili kong hintayin na lang siya rito sa labas kaysa samahan. Dahil ayokong magtagal doon na makita ang mukha nung lalaki. Yung feeling na low blood ako pero dahil sa kanya nagiging high blood na tuloy ako. Ilang minuto na rin ang lumipas pero until now hindi pa lumalabas si mamita. I'm still standing here while waiting for her. Hindi na rin ako mapakali kasi kanina pa ako rito. Siguro ang daming tanong ng Professor na 'yon kaya natatagalan na lumabas ang kaibigan ko. Sinasabi ko na nga ba, chismoso rin ang taong 'yon. Kaya pala pati personal na buhay ko tinatanong niya dahil gusto niya lang makasagap ng chismis. Sa paghihintay ko kay mamita, ibang tao ang siyang dumating. "Woah! Nice Lord! Nagki