CHAPTER 11 (A CONTRACT WITH MY PROFESSOR)
JILLIAN's POV:
SINURI kong mabuti ang mukha ng lalaking kaharap ko ngayon. Masyado ko siyang tinitigan sa mata para malaman ko kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
Pero dahil hindi siya kumurap, ibig sabihin ay nagsasabi siya ng totoo.
Kaya pumayag na ako na magpatulong sa kanya, total siya lang yata ang may magandang kalooban na kausapin ako.
"Hinahanap ko ang Education Building for enrollment. Pwede bang pakituro sa akin 'yon?" mahinang pakiusap ko sa binata.
"Of course. 'Yon lang palan ang kailangan mo, ang dami mo pang pasikot-sikot, hinusgahan mo pa ako," natatawang tugon nito na animo'y close na agad kami.
"I'm not judging you. Naniniguro lang ako, paulit-ulit lang tayo eh. Tara na nga!" pag-aaya ko sa kanya para matigil na ang usapan namin.
Kailangan ko nang dalian ang pag-eenroll dahil kapag natapos ako nang maaga pwede pa akong makapasok sa trabaho.
Ayoko rin naman na sayangin ang oras dahil lang sa pagiging ignorante ko sa Manila.
"Okay, mahal na reyna. Masusunod ho!" pagbibiro nitong sabi.
Pero sa halip na ituro niya sa akin ang Education Building, parang tinour niya na ako diretso sa Gardon University dahil hindi ito nauubusan ng laway sa kakasalita.
"Yung katabi ng Education Building ay ang Engineering Building. Kaya ilang minuto lang ang pagitan natin at makikita mo ang mukha ko. You can always call my name, if you need me," pakindat nitong sabi.
Ay iba! Iba rin talaga ang confident niya! Ang taas! Hindi ko basta-basta ma-reach.
"Sino bang may sabi na gusto pa kitang makita? Hello, last na lang 'to na pag-uusap natin," pagtataray ko.
Ayoko kasi sa lahat yung masyadong mayayabang na lalaki dahil nakakainis pakinggan ang mga salita nila.
"Ano ka ba? Huwag mong sabihin 'yan. Dahil sa bawat pag-iwas mo sa akin, ako mismo ang gagawa ng paraan para lumapit sa'yo," ngiting aso na turan ni Ced.
Ilang minuto palang kami na magkasama, akala mo naman kung magkaibigan na kami.
"Hindi ka ba napapagod? Ang daldal mo masyado ha? In fairness, hindi ko pa kilala ang buong pagkatao mo pero nabibigyan mo ako ng clue sa ugali mo. Babaero!" pahayag ko at inunahan ko na siyang maglakad.
Total alam ko na rin naman ang Education Building kaya hindi ko na kailangan pang kausapin siya.
Sapat na siguro ang pagsasama namin kanina na halos mabingi ang aking tainga.
Kaso mukhang makapal talaga ang pagmumukha ng binatang ito dahil nagawa niya pa akong sundan.
"Sandali!" habol nitong sigaw sa akin.
Napahinto ako nang bahagya para lingunin siya.
"Ano bang kailangan mo?" balik turan ko rito.
"Hindi ka pa sa akin nagpapasalamat. Kaya baka gusto mong pasalamatan muna ako?" he said while smiling again.
Ano pa nga bang aasahan ko? Kanina pa siya dyan nakangiti na tila kasali sa male pageant.
"Salamat!" Pag-iirap ko sa kanya.
"Parang hindi naman yata galing sa puso ang pasasalamat mo ha? Labas sa ilong ang pagkakabigkas mo. Pwedeng paulit? Tapos dugtungan mo na rin ng pangalan ko," hirit nito sa akin.
"Ang choosy mo ha? Pero sige. Para matigil ka na,"
"Salamat ho, Mr. Ced sa pag-gabay mo sa akin hanggang sa makarating ako sa Education Building," turan ko sa binata habang yumuyuko pa para maramdaman niya ang presensya ko.
"Ganyan ang gusto ko. Yung kayang ibaba ang pride para sa akin. So pa'no, aalis na muna ako ha? Gustuhin ko man na samahan kita sa pag-enroll, hindi pwede dahil may obligasyon din ako sa Engineering. Iba talaga kapag bossing ka sa University na ito," mayabang na wika ni Ced.
Ang kapal talaga ng apdo niya! Hindi ko naman sinabi na kailangan niya pa akong samahan hanggang sa pag-eenroll ko. Ang galing gumawa ng kwento ha? Damang-dama ko ang inis.
"Dami mong satsat. Go na! Dahil kailangan ko rin magmadali," saad ko sa kanya.
Pero ang kumag na ito, biglang nag-flying kiss sa akin bago tuluyang mawala sa harapan ko.
Dumiretso na ako sa building kung saan limpak na limpak na ang mga estudyanteng nakapila roon.
Sa sobrang daldal kasi ni Ced, naunahan tuloy ako sa pila.
Wala tuloy akong choice kundi ang maghintay na lamang rito.
Kung ano-ano tuloy na bagay sa aking bag ang kinakalikot ko para lang hindi ako mainip at maboring sa mahabang pilahan.
At nung malapit na sana ako, may grupo ng mga babae ang siyang sumingit sa pila ko dahilan para tumaas ang aking kalamnan.
"Excuse me, nauna ako," mahinang saad ko sa kanila. I'm trying my best to calm down dahil ayoko rin naman na may gulong mangyari.
Yung mga babae kasi, base sa postura nila, masasabi kong mga bully sila. Pero sana huwag naman. Kasi same course lang naman ang kinukuha namin. At ang pangit isipin na mag-teteacher sila tapos ganyang attitude ang meron sila.
"Ako kasi ang nauna dyan. Sana matuto naman kayong pumila," pasegunda kong sabi.
Feeling ko kasi hindi nila narinig ang sinabi ko o sadyang nagbibingi-bingihan lang sila.
"So what kung sumingit kami? May problema ka ba do'n?" the girl asked me.
May gana pa talaga siyang tanungin ang bagay na 'yan. Eh obvious naman na isang problema ang ginawa niyang pagsingit.
"Meron. Kasi pila ko ito. Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo ako makita na nakatayo dyan. Have some manners. Matuto ka naman sanang magpaalam sa akin bago ka sumingit," saad ko sa kanya. I also raised my eyebrow para pantayan ang katarayan na ipinakita nila sa akin.
Meron ngang kasabihan na huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
"Bakit ha? Sino ka ba para humingi ng permiso sayo? Look at yourself, para kang yaya na pinipilit makisalamuha sa mga mayayaman na tao. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ka nababagay dito," pang-iinsulto niya sa aking pagkatao.
Dahil dito hindi ko napigilan ang sarili ko na harapin sila para pagsabihan.
"I'm a scholar student. And yes you're right. Pinipilit kong makisalamuha sainyo kahit na masyadong malayo ang estado ng buhay ko sainyo. Pero at least, pinaghirapan ko ang lahat para makapasok lang dito. I used my brain to enter this University. How about you? May utak ka ba? O baka pera lang ang dahilan kung bakit ka nandito. Nakakaawa naman kung gano'n," I said while I smirked. Gusto ko rin ibalik sa kanya ang pang-iinsulto nang sa gano'n maramdaman nito ang naramdaman ko.
"Payag ka no'n, Zasha? Pinapatulan ka ng isang poor s***h stupid girl," pang-gagatong ng kasama niyang babae na short hair.
Kahit naman magsama silang lahat, hindi ko sila uurungan.
"Oo nga Zasha. Kung ako sayo, turuan mo na agad ng leksyon 'yan. Para naman matigil na ang bunganga at matakot sayo," muling hirit nung nasa left side niyang dalaga.
And because of what they said, tuluyan na ngang nalason ang isip nito na halos sasabog na ang galit sa akin.
"Baka kasi hindi pa niya ako kilala kaya ganito na lamang kalakas ang loob niyang pagsabihan ako. Hindi yata siya updated sa buhay ko. So I will introduce myself to her," turan niya tsaka ako binalingan.
"Anak ako ng Congressman. Kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay, huwag na huwag mo akong babanggain. Dahil wala pang estudyante ang nagtangkang labanan ako."
"So ano naman ngayon kung anak ka ng Congressman? I'm not afraid, Ms. Zasha. And I think there's a CCTV here, kaya tingnan lang natin kung sino ang nasa tama," saad ko naman na tila hindi ako nadadala sa mga pasindak niya sa akin.
She was about to slap me, pero may isang tao ang siyang pumigil sa kanya.
"I saw everything. Ikaw ang may kasalanan," ani nito.
Sabay-sabay kaming lahat na napalingon sa kanya. Boses matanda ito na pamilyar sa pandinig ko.
And when I see her face, sobrang nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nandito rin siya sa University na papasukan ko.
Hindi agad ako makapag-react dahil patuloy pa ring nagpoproseso ang mga pangyayari sa utak ko. Naguguluhan ako at marami akong tanong.
"And who are you?" pagtataray nito sa matanda.
"Estudyante rin ako rito, hija. Hindi ba halata?" sagot niya sa dalaga.
Yung bibig ko halos hindi na maitiklop dahil sa narinig ko.
Siya? Estudyante rin dito? Pero masyado na siyang may edad para pumasok pa sa ganitong klaseng University. Dapat sa kanya nasa bahay lang at nag-eenjoy sa buhay.
Nagsitawanan tuloy ang mga bully na estudyante dahil sa sinabi niya. Kaya sa halip na sa akin mapunta ang atensyon, sa matanda napunta ang lahat.
"OMG! Lola, magpahinga ka na. Baka kasi may sakit ka pang dala at mahawaan kami," saad ni Zasha.
"True lola. At kung wala kang budget sa pagpapahinga mo, sagot ko na yung burol mo. HAHAHAHA."
Tawanan ng mga estudyante ang siyang maririnig sa Education Building dahil patuloy nilang pinagkakaisahan ang matandang kaibigan. Yes, she's the old woman that I met in restaurant.
Kaya hindi ko kayang makita na ganituhin ang kaibigan ko.
"PWEDE BA TUMIGIL NA KAYO?!" malakas na sigaw ko.
"Sa ginagawa niyo, pinapakita niyo lang kung anong klaseng estudyante kayo. Mayayaman nga kayo pero kulang kayo sa ugali. Next time, buy some manners ha? Dahil ang baho. Sumisingaw ang mababaho niyong ugali!" I continue.
Hinawakan ko na kamay ni Mamita para sa gano'n lumayo muna kami sa mga mapanghusgang tao.
"Magpapahuli na lang tayo sa pila para hindi ka nila pagtawanan. Huwag ka pong mag-alala, nandito lang ako lagi sayo mamita. Pagtawanan ka man nila, ako naman ang magsisilbing bayani sayo," wika ko sa kanya.
Hindi ko rin naman siya masisisi kung gusto niyang mag-aral pa.
I realized na baka ito rin ang pangarap niya na magkaroon ng diploma sa kabila ng pagiging ma-edad niya.