CHAPTER 9

1357 Words
CHAPTER 9 "A CONTRACT WITH MY PROFESSOR" ZACH'S POV: KAKAIBANG ngiti ang nasilayan ko kay Mama nang umuwi ito sa bahay. Madalas na kasi siyang umaalis at pumupunta sa restaurant para kumain doon. Nabanggit na din sa akin ni tita na sobrang close na raw ang dalawa. Si mama at si Jillian sa isat-isa. Kaya yung iniisip ko palang, nagkatotoo na nga. Magiging malapit talaga sila dahil pareho silang madaldal. "Hi son, you're here na pala," sambit nito nang lumapit sa akin para makipagbeso. "I have a good day today. I have now a new friend. And take note, she's my favorite," saad niya para ibalita sa akin ang nangyari. Base sa sinabi niya ay alam ko na agad kung sino ang paboritong tao na tinutukoy niya. "Si Jillian ba?" panghuhula ko. Lumawak lalo ang kanyang ngiti nang matumpak ko ang tamang pangalan ng kaibigan na sinasambit ni Mama. "Oh yes anak. Siya nga. Kilala mo na pala ang babae na 'yon?" she asked while smiling. Napabitaw naman ako sa librong binabasa ko at tinapunan ko nang seryosong tingin si mama. Huminga muna ako nang napakalalim bago ako nagsalita. "Of course, mama. Kilalang-kilala ko na siya. Sino bang hindi makakakilala sa babae na 'yon na ubod ng daldal sa katawan," saad ko dahilan para masiyahan lalo si mama. Kabaliktaran ng pagiging mainisin kong tao ay siya naman ay masiyahin. Hindi ako nagmana kay mama dahil may sarili akong mundo. Hindi kami nagkakasundo lalo na kapag usapang babae ang bukambibig niya. "So ibig sabihin, you two meet each other already?" usisang bigkas nito na tila excited pa yata sa lagay niyang 'yan. Sa tono ng pananalita niya, halatang interesado si mama sa babaeng Probinsyana. Kaya napaamin na rin ako sa tanong niyang 'yon. "Sad to say, but yes. Nagkita na kami. Ilang beses nga kaming nagkita at hindi ko makakalimutan ang kadaldalan niya. Bakit mama? Bakit parang interesado ka sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko. Mabuti nang malaman ko ang motibo niya para hindi na rin ako magulat sa mga ginagawa niya. Kilala ko masyado si mama. At siya yung tipo ng magulang na ipagtatambal ang anak para lang sa pansariling kaligayahan at interes. At 'yon ay walang iba kundi ang magkaroon ng apo. "Si Jillian. Siya yung babaeng na-ikwento ko na sayo nung minsang lumabas ako at hindi nagpaalam. She's really an interesting woman, son. Natutuwa akong kausap siya. Ikaw ba? What do you think about her?" sambit niya nang umupo sa tabi ko. See? I got it. Heto na naman siya. Nag-iiba ang takbo ng isip niya. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan namin, kaya minabuti kong pangunahan na siya. Prinangka ko na agad si mama para hindi na umabot sa punto na umasa siya na magugustuhan ko ang babae. "I don't like her. Naririndi ako sa kanya, mama. Kaya kung ano man ang nasa isip mo, please don't do it. Hindi ko type ang mga katulad ni Jillian. She's young and we're not compatible. Hindi ko rin pinangarap na maging asawa ang kagaya niya," diretsang sabi ko na hindi man lang ako nagpaawat. Gusto ko maging straight to the point dahil alam kong kukulitin lang ako ni mama tungkol kay Jillian. "Ikaw naman anak. Nagtatanong lang ako. At wala naman akong sinabi na dapat magustuhan mo agad siya. Love also takes time," tugon niya at talagang umakting pa sa harapan ko. Napapasapo na lamang ako sa aking noo dahil hindi ko na gusto ang lumalabas sa kanyang bibig. "Malay mo magkadevelopan kayo diba?Lalo pa't masyadong maliit ang mundo niyo sa isat-isa. Imagine, hindi alam ni Jillian na may-ari ka ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. At hindi niya rin alam na mag-ina tayo. Kaya na-eexcite tuloy ako na magpanggap bilang simpleng tao para malaman ko ang buong pagkatao niya," pahayag nito na animo'y may iba siyang pinaplano. Siguro nga nasabi agad ni tita ang tungkol kay Jillian kaya ganito na lamang kung mag-react si mama. Masyado talagang mabilis si tita. At hindi ako magkakamali na pumayag si mama para maging malapit ang loob ko sa isang babae. Pero kung si Jillian lang naman ang babae na gusto niya para sa akin, mas mabuting huwag na lang ako mag-asawa. Hindi kami magkakasundo ng babaeng 'yon. At pinaka-ayoko sa lahat ng babae ay masyadong malakas ang boses. Baka mabingi pa ako kapag siya ang nakasama ko sa iisang bubong. "I'm going to sleep. Enrollment na bukas kaya kailangan kong gumising nang maaga," pagpapaalam ko para tapusin na agad ang usapan. Baka kung saan pa kasi umabot ang pag-uusap namin. But because of the word enrollment, napasigaw si mama na tila isang bata na binigyan ng maraming candy. "Oh yes! An enrollment! I have an idea, anak! Ang galing mo talaga at pinaalala mo ang salitang 'yan. You know what, Jillian will study there. Isa siya sa mga nabigyan ng Scholar ng mismong University natin. Kaya talagang pinaglalapit kayo ni Lord!" excited na turan niya. Kulang na lamang ay tumalon at lumundag siya sa ere. Pero syempre hindi niya ito magagawa dahil mahina na ang kanyang tuhod. "Mama, kung ano-ano na lang ang binibigkas mo. Pwede bang tigilan mo na 'yung kaka-ship sa amin ni Jillian. In the first place, hindi ako interesado sa kanya," saad ko rito bilang pag-uulit sa sinabi ko kanina. Hindi yata siya nakikinig sa akin at talagang pinagpipilitan niya kami ng babae. "Anak, bakit ba ayaw mo kay Jillian? Hindi naman nakakasawa ang ganda niya ha?" tugon ni mama. Oo totoo nga 'yon. Hindi nakakasawa ang kagandahan ni Jillian dahil sobrang simple niya pero kapag nakita mo siya ay talagang tatatak ang itsura niya sa utak mo. "Pero yung boses niya, yung kadaldalan niya, nakakarindi. Nakakasawang pakinggan," dugtong ko naman. "Hay naku. Kung ayaw mo kay Jillian, hindi na kita pipilitin. Pero sa isang kondisyon," nakangising wika niya. "Mama, ano na naman 'yan? Can you please tell it directly? Para makatulog na ako," naiirita kong bigkas. Ilang araw palang sila na nag-uusap nung dalaga, parang botong-boto na agad siya. Kung sabagay, ang chismosa ay gusto sa kapwa chismosa. Same vibes sila pagdating sa mga chismisan. "Gusto kong magpanggap na estudyante, anak. Gusto kong mag-aral ulit," direktang saad niya na ikinatigil ko bigla. "Ano? Mama, nahihibang ka na ba? Matanda ka na at hindi ka na bagay pumasok sa eskwelahan," turan ko para kontrahin ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nito at ayan ang nasabi niya. "Alam ko. Pero gusto ko lang naman maglibang. Ikaw na ang nagsabi na matanda na ako anak, kaya pagbigyan mo naman sana ako. Please?" pagmamakaawa nito. "Hindi. Hindi ka mag-aaral mama. Kung gusto mo, doon ka na lang sa restaurant. Kahit pa bente-kwatro oras, okay na sa akin. Pero huwag ka lang pumasok sa University. Mahihirapan ka lang doon at pagtatawanan," I just replied to her. Hindi ko siya pinayagan sa kagustuhan niya. Masyado na siyang maedad at mai-stress lang siya kapag pumasok siya sa gano'ng sitwasyon. "Bakit ba pagdating sa kaligayahan ko, hinahadlangan mo lagi ako, anak? Halos lahat na lang kinokontra mo. Ako yung mama mo, pero ikaw ang nagdedesisyon sa sarili ko. Nakakatampo ka na," pagdadrama nito. "Hindi na nga kita nakakasama lagi, hindi na rin kita nakakausap nang matino, tapos ganito mo pa ako itrato? Hindi naman kita pinalaking ganyan para ganituhin mo ako," she said as she continue. Bahagya akong napapikit ng mata at napahinga nang malalim. Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakulitan ng kanyang ulo. "Mama, I'm doing this for your own good. Gusto ko nasa safe kang lugar. And University is not good for you. Alam mong maraming pasaway na estudyante roon. At yung mga kilos nila, mabibilis. Kaya sana intindihin mo rin ako," mahinang sabi ko. Hindi na ito nakapagsalita pa bagkus umalis na ito sa harapan ko. Ang hirap nang ganitong sitwasyon. Wala na si Dad. Wala rin akong kapatid. Kaya nauunawaan ko rin ang pagsusumamo ni mama. Pero lahat naman ng desisyon ko ay para sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong gawin. Nakakalito. Ayoko pang mag-asawa, pero talagang pinagtutulakan na ako ng aking magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD