CHAPTER 10

1506 Words
CHAPTER 10 "A CONTRACT WITH MY PROFESSOR" JILLIAN's POV: Masaya ang mood ko ngayon habang nagluluto sa kusina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na madadagdagan ng isa ang kaibigan ko rito sa Manila. Nung una ay si Roxane ang siyang naka-close ko agad, ngayon naman ay isang may edad but looking young ang naging kaibigan ko. I feel like she's very friendly and kind. Nakaka-excite tuloy na magtrabaho sa restaurant kung gano'n na customer ang pagsisilbihan mo. Hindi katulad nung isang mokong na lalaking 'yon. Pa-VIP pang nalalaman, wala namang puso. Iba talaga ang epekto ng pera sa isang tao. Akala niya kaya niya akong maliitin lang dahil mababa akong klase ng tao. But he's wrong. Probinsyana kaya ito. Hindi uso sa akin ang magpatalo kung alam kong nasa tama naman ang pinaglalaban ko. "Oh? Parang nag-eenjoy ka yata sa pagluluto ha? Something good news ba?" tanong ni Roxane sa akin. "Honestly, yes. Kasi aside from you, I got a new friend. And this new friend of mine is something mysterious kasi matanda na siya," ngiting pahayag ko. Pero bigla akong binatukan ni Roxane na animo'y iba ang pumasok sa kanyang kokote. "OMG Jillian! Naghanap ka ng sugar daddy?! Iba ka na friend ha? Alam kong mahirap ang buhay this day pero huwag ka naman kumapit sa papa de asukal," saad nito sa akin. "Gaga! Hindi ah! At anong sugar daddy ang pinagsasabi mo? Matandang babae ang tinutukoy ko. Palibhasa hindi mo ako pinapatapos kaya ang dumi tuloy nang nasa isip mo," pagtuturan ko. "Ay gano'n ba? Sorry, nadala ako ng bugso ng aking damdamin. Ikaw kasi, pabitin-bitin ka magkwento," ani niya na talagang sinisi pa ako. Ibang klase rin talaga ang babae na 'to. Ayaw tumanggap ng pagkakamali. "Anyway, what about her? Bakit ka niya kinaibigan? It's so weird lang ha? Kasi ang mga matatandang babae ay bihira lang makisalamuha sa mga katulad nating mala-birhen." "Ano ka ba Roxane. Natural na rin 'yon noh? You don't need to judge her. Malay mo, wala siyang kaibigan kaya ako yung nalapitan niya para maging kaibigan diba? Kumbaga, sagip kaibigan ang tawag sa akin," pagbibiro ko pa dahilan para matawa ang katabi ko. "Loka ka talaga! Bilisan mo na lang kaya ang pagluto. Kasi gusto ko rin magbaon ng luto mo sa trabaho," saad niya. Kaya heto, inatupag ko na muna ang pagluluto kaysa unahin ang chismisan. Minsan kasi sa sobrang daldal naming dalawa ni Roxane, nawawala ang atensyon ko sa ginagawa. Nga pala, sinigang na baboy ang niluluto ko ngayon. And this sinigang of mine have an special recipe na talagang hindi makakalimutan nang sino mang tao ang kumain. Syempre, ako pa ba? Marami akong alam pagdating sa mga gawaing bahay lalo na sa kusina. Namimiss ko tuloy na paglutuan sila Mama sa Probinsya. After fifthteen minutes, I'm done cooking. Kaya tuwang-tuwa si Roxane nang masilayan niyang nilalagay ko na sa mangkok ang sinigang. "Ang laway mo, baka tumulo," sambit ko rito na halos takam na takam ang pagmumukha. "Grabe ka naman sa akin, Jillian. Nagugutom na ako eh. Kaya pwede ba pakibilisan please? May work pa akong hinahabol. Pero magbabaon pa ako n'yan, aside sa kakainin ko ngayon," wika niya at agad na sumandok ng kanin. Tumabi na rin ako sa kanya para sabayan siya. "Ikaw ha? Diet-diet din pag-may time, sige ka, baka iwan ka ng ka-call mong mestiso," Pangungurot ko sa tagiliran niya. Na-ikwento na rin kasi nito ang tungkol sa isang foreigner na nagpapakilig sa kanya. Oh diba, may asim pa kaibigan ko. "Ano ka ba? Love ako no'n kahit tumaba pa ako," panghihirit niya sa akin. Sa kaka-chismisan tuloy naming dalawa ay muntik na ngang ma-late si Roxane sa trabaho niya. Kaya dali-dali itong kumilos at naiwan na lamang ako sa apartment na mag-isa. Halos lahat naman na nandito ay mga working people. At ako lang ang nag-aaral. But wait, speaking of pag-aaral? Bukas na pala ang enrollment ko sa Gardon University! Ang totoong buhay ko bilang estudyante ay magsisimula na bukas. Kung gano'n, kailangan ko nang matulog para magmukha naman akong tao na harapin ang ibang estudyante. Sana lang maging maganda ang takbo ng araw ko at magkaroon ako ng kaibigan. "Para sa pangarap at para kila mama, makakaya ko ito! AJA!" pagchi-cheer up ko sa aking sarili. At nung sumapit na ang bagong umaga, mabilis akong kumilos. Kahit alas-kwatro palang nang maaga ay gising na ako. Ganito ako ka-excited na mag-enroll. I don't want to be late. At gusto ko rin na mauna ako sa pila. Mahirap na, baka mag-amoy asim ako sa kakapila kapag naabutan ako ng hapon. Hindi ko na rin nagawang magpaalam pa kay Roxane dahil tulog na tulog ito na animo'y sobrang antok dahil sa pagiging call center. So here I am, sumakay ng taxi hanggang sa makarating sa sikat na Unibersidad sa Manila. The Gardon University na pinangarap kong mapasukan ang siyang kaharap ko ngayon. "Grabe Jillian, parang dati lang ini-imagine mo na makapunta rito. Ngayon, dito na ang magsisimula ang bagong memory mo as a college student," mahinang sambit ko sa aking sarili. Dahan-dahan na akong naglakad para makapasok sa gate. Sobrang laki ng University. Feeling ko, mahihilo ako na imemorize ang mga classroom dito. "Goodmorning po," pagbati ko sa guard. "Sayo rin hija. Ikaw lang yata ang bukod-tanging estudyante ang siyang bumati sa akin ng ganyan," tugon nito na tila na-appreciate ang ginawa kong pagbati. "Walang anuman po. Hayaan niyo, kapag nagsimula na ang klase, babatiin ko kayo araw-araw," pakindat kong sabi at tumuloy na sa pagpasok. Kaya lang hindi pa man ako nakakapunta sa gitna ay muntik pa akong mabundol ng kotseng dire-diretsong papasok ng campus. Hindi man lang nag-busina para at least maging aware ako. Well, gustuhin ko mang habulin ang kotseng 'yon ay pinili ko na lamang na kalmahin ang aking damdamin. Ayokong gumawa ng eksena rito dahil baka mawalan ako ng scholar. So instead na isipin ang kaganapan na 'yon ay ngumiti na lang ako nang makita ko na dumarami na ang mga estudyanteng nandito. Sa postura at ayos palang nila ay halatang mamahalin ang kanilang damit. While me? I'm just wearing a pants and white shirt. Galing ukay pa nga ang pantalon eh. But still, I walk confident para naman hindi ako magmukhang nerd sa campus na ito. Sabi ni mama, huwag daw ako magpapabully kaya dapat maging palaban ako. Napatingin naman ako sa hawak kong papel na kung saan hahanapin ko ang building for enrollment. But sad to say, hindi ko alam kung saan hahanapin ang tinutukoy na building. I think, I need to ask for someone na makakatulong sa akin. Kaya marahan akong lumapit sa isang babae na naka-sunglass habang nakikita ang pusod. "Hi, pwedeng magtanong?" mahinang turan ko sa dalaga. She just looked at me and rolled her eyes. Iniwan niya ako na wala man lang na imik. Pero base sa kilos niya, ayaw niya akong makausap. "Ang panget ng ugali. Akala mo naman kung maganda. Kaya pala hindi pantay-pantay ang bangs niya kasi yung mukha at ugali, hindi rin magkasing-level," gigil na bigkas ko. Sa palagay ko, mahihirapan nga akong mag-adjust kapag ganitong mga tao ang makakasalamuha ko. Hindi katulad sa Probinsya na halos friendly persons ang mga nando'n. "Saan ko ba kasi hahanapin ito? Kung lilibutin ko ang lahat ng building, baka mahuli pa ako sa pila," kausap ko sa sarili habang tinatapunan ng tingin ang mga malalaking gusali. Pero sa kalagitnaan ng pagmamaktol ko, may isang lalaki ang siyang lumapit sa akin habang may ngiti sa labi. "Kanina pa kita sinusundan ng tingin, mukhang problemado ka yata, Miss. If you don't mind, I can help you," turan nito na tila stalker ko. Base sa pananalita niya, hindi na agad maganda ang kutob ko sa binata. His expression is so weird. Yung hindi mo agad pwedeng pagkatiwalaan. "Huwag na. I can manage myself," pag-tatanggi ko. Mahirap na, baka ibang pakay pala ang habol nito at hindi pagtulong. "Miss, alam kong baguhan ka palang dito. Freshmen college, right? Kaya kung ako sayo, huwag ka ng tumanggi sa offer ko. Ikaw na nga ang tutulungan dyan, ayaw mo pa," muling sabi nito para pilitin ako. Kaya yung titig ko sa kanya ay biglang tumalim para sa gano'n matakot ito. "I guess, pinag-iisipan mo ako ng masama. Look Miss, hindi kita type. Kaya kung may iba kang iniisip sa akin, hindi ako ganyan. I'm Ced. Class President sa Engineering," pagpapakilala ng binata. Napahinga ako nang malalim kasabay ng pagpapakalma ko sa aking sarili. "Oo tama ka nga, may iniisip akong mali sa'yo dahil gusto ko lang makasiguro na safe ako. Kahit hindi man ako kagandahan, alam kong lapitin ako ng mga babaero kaya umiiwas lang ako," turan ko sa kanya. I became honest in front of him. Kasi totoo naman talaga na lapitin ako ng lalaking mahilig sa babae nung nasa Probinsya ako. Palibhasa, yung ganitong beauty ko ay pang-outstanding sa baryo namin. Pero yung kagandahan ko dito, talampakan lang yata ng mga babae rito sa Manila. Mas maputi pa yata sila sa singit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD