CHAPTER 8
JILLIAN POV:
"SUCCESS!" saad ko nang makabalik sa pwesto.
Kahit papaano napawi ang inis ko at napalitan iyon nang ngiti dahil napaalis ko ulit ang antipatikong lalaki.
Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Basta, ayoko siyang makita rito sa restaurant noh? Kahit na sabihin pa nating empleyado lang ako, ayoko pa rin masilayan ang pagmumukha niya.
"Jillian, ano bang problema mo? Hindi ko gusto ang pakikitungo mo sa mga customer natin ha? Ayusin mo 'yang ugali mo," panenermon ng manager sa akin.
"Sorry ho Ma'am. Kasi--"
"Huwag ka nang magdahilan pa or magpaliwanag. Basta baguhin mo ang ugali mo at maging mabait ka. Okay?" taas-kilay na turan nito.
Napatango na lamang ako para ipahatid sa kanya na sumasang-ayon ako.
Kaya naman, nagfocus na lang ako sa trabaho ko at ninais na kalmahin ang sarili.
Ayoko munang isipin ang taong 'yon para hindi masira ang mood ko.
"GOOD MORNING! WELCOME TO OUR RESTAURANT MA'AM!" masiglang bati ko sa isang matanda na nakaupo ngayon sa table.
Siya agad ang pumukaw ng atensyon ko nung mag-serve ako ng pagkain. Parang nakita ko na kasi siya. At yung mukha niya, sobrang pamilyar sa mata ko.
"Diba ho, kayo yung Ale na tutulungan ko sanang tumawid?" usisang tanong ko.
Nagmukha tuloy akong echosera dahil dito.
Napatingin naman sa akin ang matanda at pinagmasdan nang mabuti ang itsura ko.
"Oo, ako nga hija. Natatandaan mo pala ako?" pabalik na turan niya.
"Syempre naman ho. Kokonti palang yung mga nakakasalamuha ko rito sa Manila kaya malakas pa ang memorya ko," nakangiting tugon ko.
"Nakakataba naman ng puso ang sagot mo. Ibig sabihin ba, hindi ka taga rito sa Manila?" pagtatanong niya sa akin.
"Hindi po eh. Probinsyana po kasi ako. At nagkataon na, dito ako mag-aaral sa Manila. Alam niyo ho ba, hindi sa pagmamayabang ha? Scholar student po ako sa Gardon University. Yung mayaman na University sa Pilipinas. Diba ang bongga?" nasisiyahan na wika ko naman.
Nagiging madaldal tuloy ako kahit hindi ko pa gaanong kakilala ang matandang kaharap ko.
"Mag-aaral ka pala do'n. Mabuti naman at natanggap ka. Napaka-swerte mo, hija," saad nito sabay hawak sa kamay ko.
Medyo nagulat ako nang konti dahil sa malambot na palad niya.
"Alam mo, bagay na bagay kayo ng anak ko. Kung ano ang kinadaldal mo, 'yon naman ang kinatahimik niya," pahayag nito na naging hudyat para maalis ko ang kamay niya sa akin.
"Yung anak niyo ho? Na hinayaan kayong mag-isa? Naku, huwag na lang po. At saka, wala sa isip ko ang mga bagay na 'yan. Nandito po ako para makapagtapos. Hindi ko pa iniisip na pumasok sa isang relasyon. And beside, hindi ko po pinangarap magka-boyfriend na taga-dito sa Manila. Ang papanget ng mga ugali," wika ko na talagang dire-diretso ang aking bunganga sa pagsasalita.
Para akong rapper na hindi man lang uso ang pahinga.
Pero ewan ko ba kung anong nakain nung matanda at mas lalong ginanahan na makipag-usap sa akin.
"Ang cute mo naman hija. Pero tama ka, huwag ka munang pumasok sa isang relasyon na hindi ka pa sigurado. But believe me or not, I really like you for my son," aniya nito na hindi pa rin nilihis ang usapan sa anak niya.
Naging awkward na tuloy sa akin ang magsalita kaya pinili kong magpaalam na lamang.
"Sige ho, babalik na ako sa pwesto ko. Just call my name na lang po ha? If you need something. Thank you and eat well, Ma'am," magalang na sambit ko.
Napangiwi tuloy ako ng labi nung tumalikod ako sa kanya.
Siguro ganyan talaga ang epekto ng isang tao na nagkakaedad na. Kaya sa halip na sakyan ko ang usapan nito ay umiiwas na lang ako.
KASO NGA LANG, matapos ang araw na 'yon, hindi na ako tinigilan nung matanda.
Akala ko, isang beses ko lang siya makikita sa restaurant. Pero nagkamali ako dahil naging suki siya ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Ayoko naman na isipin niyang iniiwasan ko siya kaya kahit awkward para sa akin na mag-usap kami, ay ginawa ko pa rin ang best.
Kasi mabait naman siya. At aminado rin akong nakikita ko yung mama ko sa kanya.
Kapag nag-uusap kami, namimiss ko nang husto ang mama ko sa Probinsya. Lagi kasi kami no'n magka-vibes pagdating sa chismisan.
"Ahm, hindi po ba kayo nagsasawa sa mga pagkain rito? I mean, lagi po kasi kayong nandito? Hindi ka ba hinahanap ng anak mo?" I asked her.
Nababanggit niya lagi sa akin ang anak niyang lalaki, pero kapag pumupunta siya rito, hindi niya man lang kasama 'yon.
Don't get me wrong ha? Nagtataka lang kasi ako. Baka isipin niyo, gusto kong makita yung anak niya. Huwag kayong ma-issue dyan.
"Yung anak ko, busy lagi 'yon sa trabaho. Kaya wala kaming oras sa isat-isa na lumabas na magkasama. Bakit hija, ayaw mo na ba akong makita?" she asked me back.
"Ho? Hindi naman po. I'm just curious lang," bigkas ko at napakamot ng batok.
"It's okay. Siguro nagsasawa ka na rin sa pagiging madaldal ko. At hindi ko rin naman ikaw masisisi. Kasi kahit nga yung anak ko, ayaw nang marinig ang boses ko," aniya nito dahilan para makonsensya ako.
"Sorry ho. Hindi naman ganyan ang nasa isip ko. Kasi syempre, matanda na po kayo. Ayoko naman na mapahamak kayo sa labas na walang kasama," pagpapalusot ko.
"I have a body guards hija. Meron din akong personal maid. Pero pinipili kong lumabas mag-isa at pumunta rito sa resto. Kung hindi mo naitatanong, favorite place ko ang lugar na 'to lalo na yung mga pagkain," paliwanag niya kaya unti-unti akong napangiti.
"Sabagay. Ang sasarap ng pagkain dito noh? Sulit na sulit yung bayad. Pero alam niyo po ba? Ilang araw na rin ako dito pero hindi ko pa po namemeet yung boss namin. Yung may-ari ng restaurant na ito. Masyado siyang mysterious," wika ko sa matanda.
"Hindi mo pa kilala ang may-ari nito?" natatawang bigkas niya.
"Hindi po. Bakit po? Close po ba kayo nung may-ari nito?" tanong ko naman.
"Well, I know him. Pero mas maganda kung magkita na lang kayo sa tamang panahon," saad niya dahilan para mapaisip ako.
"Lola naman eh, may nalalaman pa kayong tamang panahon dyan," nakangusong tugon ko.
"Anong Lola? Mukha na ba akong matanda?" she chukled.
"Medyo," honest na sagot ko.
"Ano ka ba, I'm just 65. But I'm still looking young. Kulubot lang yung balat ko, pero yung mukha ko, dalaga pa rin," pagbibiro niya.
But I agree. Mukha siyang dalaga. Pero hindi ko maiwasan na tawagin siyang lola para galangin siya.
Alangan naman tawagin ko siyang 'tita'. Baka sabihin niya, feeling close ako.
"Kaya kung ako sayo, just call me mamita. And from now on, friends na tayo," suhestyon nito na ikinabigla ko.
"Po? Friends na tayo?" paniniguro ko.
"Yes? Bakit hija? Ayaw mo ba ako maging kaibigan?"
"Ahm hindi lang kasi ako sanay na--"
"Yung pagkakaibigan, wala 'yan sa edad. Natutuwa lang ako sayo dahil pareho tayong madaldal. At nagugustuhan ko ang ugali mo," she said again.
"Okay po, m-mamita. Naiiyak tuloy ako. Kasi kayo yung pangalawang kaibigan ko rito sa Manila," saad ko naman.
Nakakataba ng puso na magkaroon ng isang kaibigan ulit. Sino bang mag-aakala na yung customer mo sa restaurant ay new friend mo na.