Chapter 7
Zach POV:
This is the first time that I smiled for no reason.
Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit nasisiyahan ako sa nagiging reaksyon nitong babae na si Jillian.
Talagang bumisita ako sa aking restaurant na ganitong oras para malaman ko ang pangalan niya at ang background ng buhay niya. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko. Lumaki pala ito sa Probinsya kaya kung makapagsalita siya, tuloy-tuloy at walang preno ang bunganga.
Kapag kasi bungangera ay halatang Probinsyana ito. Matapang at hindi mo basta-basta mapapatiklop.
"I just need a coffee. Ayon lang ang gusto ko," muli kong saad nang tingnan ko ang dalaga.
Nasilayan ko ang pag-ngiwi ng kanyang labi na animo'y napikon siya sa inasta ko kanina.
"Tsk. Kape lang pala. Ang dami pang ka-echosan sa buhay," rinig kong sambit niya bago umalis sa harapan ko.
Hindi niya na ako nagawang tarayan dahil nandito pa rin yung Manager niya which is my tita.
Ang kaso nga lang ay para siyang inosente dahil hindi niya alam na ako ang boss niya.
Nagagawa niya akong pagsigawan, knowing the fact na ako ang nagpapasweldo sa kanila.
Si tita muna ang pinapa-handle ko sa restaurant na tinayo ko. Alam ko kasi na hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang pagtuturo ko at sa ang pagbi-business. Kaya naisipan kong kunin si tita bilang manager nitong Z. Restaurant.
Si Tita, alam kong magagampanan niya nang husto ang restaurant dahil magaling siya magpatakbo ng negosyo. At sa kanya ko rin yata namana ang ugali. Strikto kasi ako pagdating sa mga seryosong bagay lalo na kapag nagtuturo ako sa estudyante. Kagaya niya, strikta rin siya sa mga empleyado at nagtatrabaho rito sa restaurant.
Alam ng iba na ako ang boss nila, tanging si Jillian lamang ang hindi nakakaalam dahil baguhan siya.
"Oh ano pamangkin? Satisfied ka na ba sa sorry niya?" usisang bigkas nito.
Na-ikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa babae. Siya lang naman ang pakay ko rito kaya napaaga ako ng bisita. And I told my tita na huwag niyang sasabihin ang tungkol sa akin. Ayokong malaman nung babae na 'yon that I'm the owner of this restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Kaya maging mga empleyado rito ay pinagsabihan niya na huwag maingay tungkol sa pagkatao ko.
Wala eh. Gusto ko lang siya paglaruan. Gusto ko lang muna tumago bilang isang VIP customer.
"Hindi pa. Maangas eh," tugon ko bilang sagot naman.
"Probinsyana kasi 'yan. Kaya palaban," pasegunda ulit ni tita.
"Halata nga po," tanging turan ko.
Wala na akong masabi ngayon dahil nasa isip ko ngayon kung paano matuturuan ng leksyon si Jillian. Gusto ko siyang parusahan sa paraan na ikakasaya ko. I don't know why, but I find very interesting woman.
At sa kakaisip ko, sumagi sa utak ko ang resume ng babae na binasa ko kani-kanina lang.
"Teka Tita, diba 'yang si Jillian ay nakakuha ng Scholar sa Gardon University? Which is our own school?" tanong ko sa kanya para makasiguro.
Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga estudyanteng pinalad na makatuntong sa University na pagmamay-ari ko rin.
See? Ganyan kaliit ang mundo namin ng babae. Hindi niya alam na boss niya ako rito sa restaurant at pagdating naman sa University ay hindi niya alam na akin din 'yon.
"Yes hijo. Nung initerview ko siya nabanggit niya nga sa akin ang bagay na 'yan. She said, she's here in Manila because of that Scholar. Kaya nga kinuha ko agad kasi alam ko na kailangan niya rin na income habang naghihintay ng enrollment," mahabang wika ni tita.
Wala sa oras ay napangiti ulit ako.
May sumasagi na naman na kalokohan sa utak ko na magiging masaya ito para sa akin.
"Mukhang interesado ka yata sa kanya, hijo ha?" bigkas nito dahilan para mawala ang ngiti ko sa labi.
"What? Tita naman. Kailan ba ako nagka-interesado sa babae?" defensive na turan ko.
Hindi kasi ako sanay na hinahalungkat nila ang buhay ko pagdating sa pag-ibig. Dahil ang totoo n'yan never pa akong umibig at 'yon ang alam nila.
At para hindi na ito mag-isip pa, iniba ko na lamang ang usapan.
"By the way, kapag pumunta rito si mama, ikaw na lang po ang bahala. Baka kasi mabulilyaso ang pangalan ko. Mahirap na, madaldal pa naman si mama," pahayag ko.
Alam ko kasi na pupunta rito si mama. At hindi ako magkakamali na magiging close niya ang dalaga. Pareho silang madaldal at ayon ang gusto ni mama sa isang tao. Kaya natitiyak ko na tama ang nagiging hula ko. Baka nga ilang araw lang ang nakalipas ay mabalitaan ko na lamang na magkaibigan na sila.
"Don't worry hijo, ako ng bahala sa kapatid ko. Lahat naman ng gusto mo, suportado ko. Basta ba, next year sana magkaroon ka na ng asawa," pagbibiro nito.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dumating na si Jillian na may dalang kape.
"Ayan na po ang order niyo, Sir. Drink well," bigkas nito na tila may halong kaplastikan.
Base sa pananalita niya, mukhang hindi ko yata gusto ang takbo ng dila nito. Parang may mali. Parang hindi kampante ang dibdib ko sa ngiti niya.
Our restaurant have also a coffee shop. Nang sa gano'n, yung mga customer na mahilig magkape ay hindi na mahirapan na pumunta sa kabila. Ganyan ako humawak ng business, complete package. Kaya talagang napaparami ang tao rito kapag weekends.
"Sige na po Sir, inumin niyo na po 'yan. Have a nice day," muling saad niya at nag-wave sign pa sa harapan ko bago bumalik sa loob.
Ayoko sanang inumin dahil may kutob ako na may nilagay siyang kakaiba sa kape.
Pero paano ko malalaman 'yon kung hindi ko susubukan diba?
"Aalis na ako hijo ha? Just call me if you need something," paalam naman ni tita.
Tumango lang ako bilang tugon.
Hindi kasi maalis ang titig ko ngayon sa kape. Nagawa ko pa itong haluin para i-check kung anong meron dito.
"Hays. Kung ano man ang nilagay niya, hindi naman yata ako mamamatay," turan ko sa sarili.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman na may ginawang kabulastugan ang babae.
Dahan-dahan ko ng kinuha ang tasa at hinigop ang kape.
Ang kaso, konting higop ko palang, bigla ko itong naibuga dahil sa maalat na lasa.
"JILLIAN!" sigaw na tawag ko sa pangalan nung babae.
Ito yung unang beses na umakyat ang dugo ko sa isang dalaga.
"Jillian Bartolome!" muling tawag ko na talagang binanggit ko pa pati ang apelyido nito.
And this time, kompletong pangalan na ang aking naibigkas.
"Yes Sir? Tinatawag niyo ho ako? And how did you know my name?" tanong niya nang lumapit sa akin.
Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, tumayo ako at marahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Hindi mo ginagawa nang maayos ang trabaho mo. Look what you did to my coffee? Pinaglaruan mo lang," walang ekspresyon na saad ko.
"Sir, kalma lang. Hindi ko intensyon na paglaruan ang kape na order mo. So what's the problem with your coffee ba?" bigkas nito at nagawa pa akong tanungin.
She's acting like an innocent woman na walang ginawang masama.
"You know what I mean, Jillian. Kaya huwag kang umarte na parang inosente ka. This is not the last time na magkikita tayo. Mark my words," tanging sabi ko.
Kinuha ko naman ang mga librong dala ko kanina at tinalikuran na ang dalaga.
Mas pipiliin kong umalis na muna sa restaurant bago pa uminit ang ulo ko dahil sa maalat na kape.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, I have the rights na paalisin siya sa trabaho. Pero bakit parang pinipigilan naman ako ng utak ko?
Kung tutuusin, wala naman akong mapapala kay Jillian. But what I'm doing right now, binibigyan ko tuloy siya ng pagkakataon para magkrus ang landas naming dalawa.
"Tama ba itong ginagawa mo, Zach? Wala kang interes sa babae, diba?" kausap ko sa sarili nung pumasok ako sa aking kotse.
Pasimple pa akong lumingon kay Jillian para tingnan ang kanyang reaksyon. And guess what, ngumisi lang ito at parang bata na tinutukso ako.
Maging ako ay nagtataka ngayon. Parang bumabaliktad kasi ang pananaw ko sa buhay.
Nagagalit ako sa babae. But at the same time, hindi ko maipagkakaila na nagiging exciting ang araw ko nang dahil sa kanya.
Nagiging happy pill ko tuloy ang dalagang 'yon. Pero kaakibat nito ay naaasar ako sa kanya.
And still, kahit na nakakainis at nakakarindi na ang kanyang boses ay tila natutuwa pa ako lalo na kapag napipikon ko na siya.