Chapter 2
Jillian POV:
SA KABILA ng pagiging judgemental ni Kuya, pinili ko pa rin na magpasalamat. Dahil kahit papaano ay nadagdagan ang pera ko.
Medyo maganda rin pala dito sa Manila, umupo ka lang sa sulok may magbibigay na.
Ang taray diba? Parang gusto ko na lang tuloy maging pulubi para may pera. Pero syempre, charot lang. Baka sugurin ako rito ni mama at sermonan ako.
"Ale, menudo at isang rice lang po," pag-oorder ko sa karenderya.
Sa kakalibot ko, nakahanap din ako sa wakas na kainan na nababagay sa akin at kasya sa aking bulsa.
Yung iba kasing nadaanan ko ay magagandang restaurant at halatang pang-mayaman lang. Hindi ko afford na kumain do'n.
Kaya sa madaling salita, pinili ko na mag-budget ng pera. Mahirap ang buhay dito sa Manila. Baguhan pa lang ako kaya hindi pa ako sanay. So I need to know my limitations.
"Hmm... Sarap!" saad ko nang nilapag na ang pagkain sa mesa.
Wala akong sinayang na oras at kinain ko agad iyon.
Kailangan ko lang bilisan ang kilos ko dahil need ko pa palang hanapin ang boarding house na tutuluyan ko. Baka kasi abutan ako ng hapon o gabi.
Magtatanong-tanong na lamang ako para mapadali ang paghahanap ko.
"Ito na po ang bayad ko, Ale. Ang sarap ng luto niyo. Salamat po. Sa uulitin!" Sabay abot ko nang bayad sa tindera. Nagawa ko pang komplimentuhan ng magandang salita ang luto nila.
Mabilis akong naglakad at nagtanong-tanong na rin ako kung saan matatagpuan ang boarding house na tinutukoy ni Tiyo. Siya kasi ang nagsabi kay tatay na may kamag-anak siya rito sa Manila na nagpapa-renta raw.
Inabutan ako nang ilang minuto bago ko natagpuan ito.
But at least success naman dahil nung makita ko ang bahay, maganda at maayos. Masyadong maaliwalas ito sa aking mata.
"Ikaw ba si Jillian?" pagtatanong ng babae. May edad na ito at sa palagay ko siya ang may-ari ng boarding house.
Mataray ang mukha niya. May edad na rin at halatang strikta siya.
"Opo. Ako nga po. Jillian Bartolome," pagsasagot ko para hindi na pahintayin ang matanda.
"Kung gano'n, pumasok ka na para maipakita ko sayo ang kwartong tutulugan mo," bigkas nito.
Bahagya akong napangiwi dahil sa mukha palang niya halatang hindi ko siya magiging close.
"Bilisan mo dahil magtotong-its pa ako," usal niya ulit dahilan para sundan ko na siya.
Napadpad naman kami sa second floor.
"Ito ang kwarto ng mga babae. Bale sa isang kwarto, apat kayong magkakasama. Isang kwarto, isang C.R at banyo lang. Kaya matuto kang makisama sa kanila," pagpapaliwanag nito. "Libre rin ang kuryente at tubig. Pero may curfew tuwing gabi," Hindi man lang ito nagpapahinga at tuloy-tuloy sa pagsasalita.
Marami siyang sinabi. Kaso isa lang ang tumatak sa isip ko.
"Po? Curfew?" I asked her.
"Oo, Curfew. Kasi ayoko sa lahat na kumakarengkeng pa tuwing gabi, maliwanag ba 'yon sa'yo Ineng?" nakapamewang na wika nito at talagang prangkahan siya kung magsabi.
Akala niya siguro ay malandi akong babae.
Hello, no boyfriend since birth ako kaya wala siyang problema sa akin. Hindi ko rin tipo o pinangarap na mag-jowa ng taga-Manila.
Sa lalaki pa lang na nameet ko kanina na inabutan ako ng pera ay naturn off na agad ako sa mga pag-uugali na meron ang tao rito. Masyadong mapanghusga.
"Opo. Maliwanag po," sagot ko naman. Marami sana akong sasabihin kaya lang natitiklop na agad ako sa laki ng mata niya.
Ini-imagine ko pa naman sa bus na mabait ang mapupuntahan ko. Pero nagkamali yata ako. Para siyang dragon na kulang sa pagmamahal.
"Good. So ang bayad ay 5k a month." Mabilis naman niya na inilahad ang kanyang kamay na animo'y sinisingil na agad ako.
"Baka gusto mo ng mag-down p*****t para may pang-sugal ko?" aniya nito na ikinakunot ng aking noo.
Para siyang the flash. Walang paligoy-ligoy. Nagsalita lang, gusto agad ng down p*****t. Pambihira!
"Ho?" tanging turan ko. Pero dahil sa takot ko sa mata niya, agad kong kinuha ang tatlong libo sa wallet ko para ibigay ito sa kanya.
"Ayan na ho. Saka ko na po bayaran ang two thousands," I said.
Mabilis niya itong kinuha na hindi man lang nagpapasalamat.
Napailing na lamang ako dahil mukhang dito ako mauubusan ng pera.
Kailangan ko nga talaga yatang tipirin ang sarili ko.
"Ang laki niya masyado maningil. Akala ko pa naman makaka-discount ako. Ma-iiscam yata," mahinang bigkas ko bilang kausap sa aking sarili.
Lumabas naman ang isang babae sa banyo na tila kakatapos lang maligo.
Maganda ang itsura niya at ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya.
She just smiled at me kaya ngumiti rin ako pabalik. Halata ko agad na napaka-friendly niya.
"Ikaw yung bago naming kasama?" tanong nito.
"Ah ako nga. Hello pala," sambit ko sa dalaga.
"I'm Roxane. It nice to meet you. Sana maka-close kita." Paglalahad niya ng kamay para magpakilala.
"I'm Jillian. And sure, mas gusto ko nga na magkaroon ako ng kaibigan dito sa Manila. First time ko lang kasi makapunta sa lugar na 'to. Ang laki pala," pahayag ko.
"Yes. Super malaki ang Manila. Pero this place is not safe. Maraming mga magnanakaw at ang iba ay nagpapatayan. Kaya palakasan lang ng loob dito," pagkekwento ni Roxane.
Medyo natakot tuloy ako sa sinasabi niya. Sa Probinsya kasi, uso ang sigawan kahit magkatabi lang ang bahay.
"Well, don't worry, kahit ganito ang nangyayari sa Manila, marami naman ditong mga pogi. Malay mo, magka-boyfriend ka na taga-rito. Pero maiba nga tayo, ano ba ang purpose mo at nandito ka? I mean, naghahanap ka ba ng trabaho?" sunod-sunod na tanong niya habang nagsusuklay siya ng buhok.
"Hindi eh. Mag-aaral ako. Pero kung palarin, baka mag-working student na rin ako," turan ko sa kanya.
"Nag-aaral ka pa? Wow! Congrats ha? Kasi karamihan, pumupunta rito ang mga taga-Probinsya dahil malaki ang sweldo. And I'm glad that you're studying pa pala. Pero saan?" usisang sambit niya.
"Sa Gardon University. Nakakuha akong Scholarship sa kanila, kaya nandito ako," sagot ko ulit at umupo na rin sa tabi ni Roxane.
Hindi ko maipinta ang itsura niya dahil sa gulat.
Kaya marahan ko siyang tinapik.
"Teka, bakit ganyan ang reaksyon mo?" natatawa kong saad.
"Seryoso? Sa Gardon ka mag-aaral? OMG! Hindi mo ba alam, mga anak ng Senator, Business Man, Mayor ang mga nag-aaral do'n. In short, mga bigatin."
"Alam ko. Kaya nga ang swerte ko dahil nakapasa ako. Eh ikaw ba? Nag-aaral ka pa rin ba?" pagbabalik kong tanong sa kanya.
"I'm not. Working as Call Center ako. Plano ko pa sana mag-aral kaya lang nag-eenjoy na rin ako sa trabaho ko," wika nito.
Matagal din ang naging usapan namin ni Roxane at masasabi ko na may mabuti siyang kalooban.
Madaldal din siya katulad ko kaya talagang magiging close kaming dalawa.
At gaya nang pinangako ko kay mama, tumawag nga ako sa kanila para sabihin na nakarating akong safe sa Manila.
Namimiss ko nga agad sila. Pero magiging malakas ako para sa future. I know this is just my beggining. Kaya dapat hindi ako sumuko dahil marami pa akong pagdadaanan dito sa Manila.
At kung ano man 'yon, haharapin ko ito na may tibay na loob.
"I love you Ma. Hayaan niyo, balitaan ko lagi kayo sa nangyayari rito sa akin. Basta ha? Huwag niyong pabayaan ang kalabaw ko dyan. Kailangan buhay pa 'yan hanggang sa makauwi ako," pagbibiro ko sa kabila nang pangungulila ko sa kanila.
Ayoko kasing ipakita kila tatay na mahina ako baka pauwiin agad nila ako sa Probinsya. Masyado pa naman silang over acting kapag umiiyak ako.
Iba talaga kapag only child. Mahal na mahal ng magulang.