Chapter 3
Jillian POV:
TATLONG ARAW na ang nakalipas simula nang tumira ako rito sa Manila.
Okay naman ang naging pag-stay ko dahil sa naging bestfriend ko si Roxane.
Ilang days na lang din ang hihintayin ko at magsisimula na ang enrollment sa Gardon University pero hindi pa naman simula ng aming klase.
"Hi Roxane, kumain ka na ba? Nagluto ako ng almusal. Baka nagugutom ka na," sambit ko sa dalaga.
Madaling araw kasi ang uwi nito at saktong 5 o'clock in the morning ay gising na ako. At para makabawi sa pagiging mabait niya sa akin ay pinaglulutuan ko siya. Share-share kasi kaming dalawa pagdating sa budget kaya habang wala akong pinagkakaabalahan ay pinipili kong magluto sa boarding house.
Nakasanayan ko na rin kasi sa amin na kumilos nang maaga. That's why I'm doing it day by day.
"Salamat Jillian, pero antok na ako eh. Maybe later kakain na lang ako," tanging tugon niya at kaagad na sinalpak ang katawan sa malambot na kama.
Ang hirap nga naman ng trabaho ni Roxane. As a call center, nandyan na nga yung kulang ang tulog. Tiyagaan lang naman ang trabaho na 'yan. Kailangan mong magtiis kung gusto mo magkaroon ng sariling income.
Ako na lang tuloy ang mag-isang kumain nang pritong itlog at sinangag. Hindi ko nakakasama o nakakahalubilo na sabay si Roxane kapag ganitong oras dahil lagi niyang sinasabi ang salitang antok na siya.
Kaya naisipan ko na habang hindi pa simula ng klase, siguro sisikapin ko ring mag-apply panandalian sa trabaho, para sa gano'n ay hindi maubos ang perang binigay nila mama. Nakakahiya na rin kasi kung aasa ako sa kanila.
Walang-wala pa naman kami at kulang din ang budget nila. Ayokong magpakahirap sila sa kakatrabaho habang ako ay naghihintay ng ipapadala nila. Hindi ko yata kakayanin kapag gano'n ang nangyari. Kaya hangga't kaya ko, maghahanap ako ng part time job.
So after eating my breakfast, I take a bath and I just wear a simple outfit.
Tshirt and pantalon lang ang malakas. Kahit naman simple ang kasuotan ko ay hindi ko ipapatalo ang mukha na meron ako. Maraming nagsasabi na maganda ako kaya 'yon ang lagi kong iniisip dahilan para maging confident ako sa sarili.
Saktong alas-syete nang umaga nang makalabas ako sa boarding house.
Nalanghap ko agad ang usok ng mga sasakyan. Kapag ganito ang maaamoy mo ay parang nakakamiss tuloy ang sariwang hangin sa Probinsya.
"Saan kaya ako mag-aapply?" I asked to myself.
"Siguro sa mga tindahan lang? O kaya sa mga fast food? Hayy, bahala na nga kung saan ako palarin," muli kong bigkas.
Naglalakad ako ngayon habang ang mata ko ay kumakalap sa bawat sulok kung saan may hiring.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, nakita ko ang isang matanda na medyo nahihirapan na makatawid sa pedestrian lane. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya para sumabay na rin sa kanya.
"Maganda umaga ho. Hindi naman sa pangingialam, pero masyado pong delikado sa isang tulad niyo na maglakad dito. Kasi yung mga sasakyan, masyadong mabibilis kung magpaharurot," saad ko sa babae.
Nahihiya man ako sa pinagsasabi ko pero concern lang naman ako sa kalagayan niya.
May edad na siya, hindi dapat siya nag-iisa dahil delikado sa kanyang kalagayan ang tumawid na walang kasama.
Yung mga tao pa naman dito ay tila walang pakialam sa mga matatanda. Hindi man lang sila lumalapit dito para tulungan siya.
"Salamat hija. Pero hindi naman ako tatawid," bigkas niya dahilan para mabigla ako.
Medyo napahiya naman ako dahil sa narinig ko mula sa kanya.
Masyado akong nagpakabayani pero hindi niya naman pala kailangan ang tulong ko.
"Po? Hindi ka tatawid? Eh ano pong ginagawa niyo?" pagtatanong ko na lamang.
Jusko naman ang matandang ito, pinakaba niya pa ako.
"Hinihintay ko lang ang anak ko na dumating. Ang tagal kaya napapatingin na tuloy ako sa mga kotseng dumaraan baka kasi hindi niya ako makita." pahayag nito.
"Gano'n po ba? Pero mag-iingat po kayo. Huwag ho kayong lumapit sa may guhit na 'yan, baka kung mapano pa kayo," saad ko bilang pagbibigay advice.
"Thank you," matipid na tugon niya.
"Welcome. Sige po, ako na lang ang tatawid. Mauna na ako sainyo, Ale ha? At pakisabihan yung anak niyo na dapat hindi kayo iniiwan at pinapahintay. Kung ako ang anak mo, jusko, sasamahan kita kahit saan ka pumunta," sambit ko at kumaway na rito.
Hindi ko lang kasi maatim na may naghihintay na magulang dahil sa anak. Pwede naman siguro na samahan niya yung nanay niya diba?
Sa tingin ko, ang panget ng ugali nung anak niya.
Pero bakit ko naman poproblemahin 'yon? Nagiging chismosa tuloy ako sa lagay na ito.
Sa paghahanap ko ng trabaho, napadpad ako sa isang fast food kung saan balak na akong interviewhin ng Manager.
Ang kaso nga lang, nagkaroon ng problema dahil dumating ang may-ari. Kaya kailangan nilang pagsilbihan na masarap na pagkain ang kanilang boss.
So the ending ay naudlot ang interview na inaasam ko.
Sayang, trabaho na sana naging bato pa.
"Sa susunod ka na lang mag-apply ha? Pwede rin na bukas ka na mag-apply. Kasi nandyan yung amo namin. And we need to serve them. Bihira lang kasi dumalaw yung mag-ina rito," wika niya sa akin.
"Sige ho, walang problema," pagtutugon ko.
Wrong timing naman ang pagdating nila.
Pero sino ba ang may-ari na tinutukoy niya? Siguro masyadong mayaman sila. Ang ganda kasi ng set up nung kanilang kainan.
Sa mga gamit palang, masyadong mamahalin na.
"Nandyan na sila Sir. Dalian niyo, kasama pa naman si Madam," rinig kong utos nung Manager.
Gusto ko sanang silipin kung sino sila kaya lang masyadong ma-tao. Hindi na tuloy ako nagkaroon ng tyempo para makita sila.
Kaya lumabas na lang ako para umuwi na sa boarding house.
Ang kaso sa paglabas ko, saktong nabangga ko ang isang lalaki dahilan para mauntog ako sa dibdib niya.
Sa katawan palang nito, halatang nag-gigym dahil masyadong matigas.
"Aray ko naman kuya! Nakakainis ka ha? Minsan, matuto naman sana tayong mag-adjust kahit papaano?" singhal ko rito.
Hindi ko alam kung tanga ba siya o bobo, kasi sa pagkakaalam ko, nasa exit ako. Tapos bigla siyang sumalubong sa akin, eh may entrance naman!
Pero ang mokong na ito, hindi man lang nagsorry at agad-agad na pumasok sa loob.
Kaloka! Hindi ko na rin nagawang makita ang pagmumukha niya. At wala akong oras na kilalanin siya! Walang modo na tao!
"Pasalamat ka, dito ako mag-aapply bukas. Kung nagkataon, sinuntok ko na siya ng kamao ko," gigil kong sabi.
Ngayon lang ako naka-encounter na walang respetong lalaki at hindi man lang gentleman.
Padabog tuloy akong umuwi sa boarding house dahilan para makita iyon ni Roxane.
Sakto kasi na gising na ito at nadatnan ko siyang kumakain.
"What's the problem? May nakaaway ka ba?" panghuhula niya.
"Wala naman. Hindi ko lang kasi ma-gets ang mga ugali ng lalaki rito sa Manila. Nung unang pagpunta ko, hinusgahan ako at sinabihan na nagpabuntis nang maaga. Ngayon naman, binangga ako at hindi man lang nagsorry? Grabe!" Gigil kong bigkas.
Natatawa na lamang si Roxane sa naging reaksyon ko.
"Ang cute mo Jillian. I don't know if maaawa ba ako sayo, hahaha. Buy anyway, in the first place, sinabi ko naman na iba ang Manila sa Probinsya. Iba ang mga tao rito. Kaya sanayan lang 'yan. Kung hindi ka kayang respetuhin ng mga lalaki, edi suntukin mo para matauhan sila." Napatango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
May point din naman kasi siya.
Ang kaso, ni hindi ko namukhaan ang lalaking 'yon.
"Ah basta. Hindi na ako papayag na maliitin lang ng isang lalaki. Matitikman nila ang suntok ng Probinsyana. Malakas pa naman ang kamao ko pagdating sa suntukan," pagsasaad ko na may buong tapang sa aking boses.
Yung katawan ko kasi, sanay na sanay na sa mga mabibigat na bagay. Kaya yung puwersa ko, matitiyak ko na makakatulog sila nang hindi dumadaan sa antok.
Hindi man ako palaaway na tao sa Probinsya, pero pagdating dito sa Manila ay kaya kong ilabas ang tinatago kong ugali.