CHAPTER 1
JILLIAN POV:
"BARTOLOME, JILLIAN," bigkas ko sa aking pangalan nang mabasa ko ang nakadikit na bond paper sa mismong dingding ng classroom.
Halos mailuwa ko ang kinakain kong bubble gum dahil sa naging resulta ng Entrance Examination sa Gardon University. Isa ito sa sikat na Unibersidad sa Manila na matagal ko ng pinapangarap na makapasok.
And guess what? Ako lang naman ang isang Probinsyanang nakapasa na mapabilang doon.
"Congrats Jillian! Ang talino mo talaga!" saad ng mga kasamahan ko sa akin.
Binabati nila ako sa naging achievement ko ngayong araw.
Hindi nga ako makapaniwala at tila panaginip pa rin sa akin ang lahat.
"Salamat. Kayo rin. Congratulations pa rin because you also did your best," nakangiting turan ko sa kanila.
MASAYA akong umuwi sa bahay na bitbit ang balita na 'yon. Tiyak magiging proud na naman ang mga magulang ko sa nakuha kong scholarship.
"Ma?! Pa?!" pagsisigaw ko habang tinatawag sila.
Kasalukuyan akong tumungo sa sakahan para doon ko mismo sabihin ang magandang balita.
Magsasaka ang trabaho ng magulang ko kaya nakakataba ng puso na sobra nilang sinusuportahan ang pag-aaral ko.
"Oh anak? Diba sabi ko naman sayo na huwag ka na ritong pumunta baka maputikan pa ang uniporme mo," saad ni nanay na talagang concern sa white uniform ko.
"Mama naman eh. Last day of High School ko na po ngayon, kaya ayos lang kung madumihan ito," tugon ko at nangingibabaw pa rin ang saya sa aking dibdib.
"Mukhang kakaiba yata ang ngiti ng anak mo, Tiya Lourdes. Sa tingin ko, may sasabihin 'yan na ikatutuwa mo," sambit naman ni Tiyo na animo'y nahuhulaan ang tumatakbo sa isipan ko.
"Tama ka ho Tiyo. Meron nga akong sasabihin sa kanila. Dahil ako ay nakakuha ng SCHOLARSHIP SA GARDON UNIVERSITY!!!" malakas na pagkasabi ko.
Pakiramdam ko, halos nasakop ng boses ko ang buong sakahan dito sa amin.
"Talaga anak? Nakapasa ka? Ibig sabihin, mag-aaral ka sa Manila?" turan ni mama na halatang proud na proud sa narating ko.
"Opo Ma. Mag-aaral na ako do'n ng libre. At higit sa lahat, may malaking pera akong matatanggap dahil sa Scholarship ko. Kaya hindi na kayo mahihirapan ni papa na pag-aralin ako," I said while I'm smiling.
Nasilayan ko naman ang bahagyang pagtulo nang luha ni nanay sa gilid ng mata niya. And I think, it's just a tears of joy and excitement.
"Lagi mo talaga kaming pinapahanga ng papa mo. Mag-aral ka do'n ng mabuti ha? Huwag kang mag-jojowa muna," pagbibilin nito.
Lumapit na rin si tatay at bahagyang tinapik ang balikat ko.
"Hayaan mo anak, kapag may oras kami ng mama mo, bibisitahin ka namin sa Manila. Mag-iingat ka roon. Sabihin mo agad sa akin kapag may nanligaw sa'yo at ihahanda ko agad ang itak," pagbibiro ni papa.
"Pa, Ma, para naman kayong tanga. Hindi ako magkaka-jowa kasi hindi naman ako gaanong maganda. At yung papasukan ko, mayayaman ang mga estudyante ro'n, baka nga walang may lumapit sa akin," nakangusong saad ko.
Ito agad ang pumasok sa utak ko kung sakaling magsimula na ang pasukan.
"Ayan ang alisin mo sa isip mo, anak. Dahil ako na mismo ang magsasabi sayo, maganda ka. Yung kagandahan mo, Pilipinang-Pilipina. Kaya huwag sasabihin na panget ka dahil hindi 'yon totoo," wika ni nay para palakasin ang loob ko.
"Oho. Salamat. I love you both," malambing na tugon ko sa kanila.
NANG matapos ang pag-uusap namin tungkol sa Scholarship, nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay.
Pinagdiriwang namin ang Graduation ko sa High School at ang pagkapasa ko sa Gardon University.
Na-eexcite ako na medyo kinakabahan dahil ngayon lang ako mapapalayo sa piling nila mama.
Siguro masasanay din ako. Kaya dapat lang na lakasan ko ang aking loob para sa pamilya ko.
"Congratulations again, Jillian!!!" Masasayang sigawan ng mga magsasaka.
Para ko na rin silang kamag-anak dahil sobrang malapit na rin ako sa kanila. Nagtatrabaho rin kasi ako sa sakahan kapag Sabado at Linggo kaya nagkakaroon kami ng bonding.
"Maraming salamat po!" Pagkakaway ko sa kanila.
AFTER THAT NIGHT, niready ko na ang gamit ko. Hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil hindi ako mapakali. Ganito kasi ako kapag nakakaramdam ng excitement.
Kahit na masyado pang matagal ang pasukan sa College, minabuti kong pumunta ng Manila para makabisado ko na agad ang lugar.
Mas mabuti kasing maging pamilyar na ako sa dadaanan ko bago pa magsimula ang klase.
Isang mahihigpit na yakap ang ginawa ko kila mama at papa bago ako sumakay ng bus.
"Ba-bye po. Tatawag ako sa inyo kapag nasa Manila na ako," huling turan ko.
Umupo na ako sa bus at doon mismo ako dinalaw nang antok.
Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe sa Manila basta nagising na lang ako dahil sa bahagyang yugyog ng konduktor sa akin.
"Miss, nasa Manila ka na," wika nito sa akin.
Napamulat ako nang mata at doon bumungad sa paningin ko ang mga tao.
"Sige po. Thank you, kuya," tugon ko naman.
Dali-dali kong kinuha ang bagahe at lumabas na ako ng bus.
Medyo nagugutom na rin ako kaya naghanap muna ako nang makakainan.
At dahil first time ko sa Manila, medyo nalula ako nang maamoy ko ang halo-halong usok na nanggagaling sa mga sasakyan.
"Hayy. Ang hirap. Parang nasusuka pa yata ako," tanging saad ko sa sarili.
Nagawa kong umupo sa kalsada habang hinihilot ang aking sintido.
Pero hindi ko inaasahan na may isang tao na huminto sa tapat ko habang inilalahad ang isang libo na pera.
Oo, 1000 pesos. Ganya kalaking pera ang nakita ko.
Marahan ko tuloy na ini-angat ang ulo ko para tingnan kung sino ang taong 'yon.
Kaso hindi ko makita ang mukha niya dahil sa facemask na suot nito.
"Just accept this money. Ayoko pa naman sa lahat yung may makita akong pulubi sa kanto," aniya nito na sobrang seryoso ng boses.
Pero teka? Anong pulubi?
Mukha ba akong pulubi sa paningin niya?
"Look, I don't know your story. Pero sana hindi ka dapat nagpabuntis nang maaga para hindi ka humantong sa ganyan," he said again.
Bago pa man ako makasalita ay nilapag nito ang pera sa bag ko at umalis na.
Hindi ko na tuloy nagawang habulin pa ang lalaki dahil napatingin na lamang ako sa isang libo.
"Antipatiko. Napagkamalan pa akong buntis ha? Sa kaseksihan kong ito? Tsk," naiinis kong wika.
Akma na sana akong tatayo nang maramdaman ko ang malambot at maliit na unan na nilagay ko sa ilalim ng daster ko.
Nakasanayan ko kasi na maglagay ng unan sa tiyan ko tuwing natutulog ako para hindi ito sumakit.
"T-teka, hindi kaya dahil dito kaya niya ako nasabihan na buntis?" tanong ng utak ko na tila naintindihan ko ang lahat.