Chapter 12

1430 Words

“WALA na bang beer?” ani Ferlyn kay Gavin na inilahad pa ang isang kamay sa kaniyang harapan. Ibinaba ni Gavin ang kamay ni Ferlyn. “Wala na. Naubos mo ng lahat.” “Anong ako? Umiinom ka rin naman,” ani Ferlyn na sapo na ang noo. Mukhang tumalab na rito ang ininom nitong anim na can ng beer. Sampu lang ang dala niyang beer nang maisipan niyang pumunta roon para mag-camp. Sino ba ang mag-aakala na matitiyempuhan niya ang babae sa lugar na madalas niyang pagtayuan ng tent kapag gusto niyang umalis muna sa maingay at magulong ka-Maynilaan? Madalang lang ang taong pumupunta roon. At madalas, wala siyang nakakasabay. Hindi katulad ngayon. Naroon ang taong hindi rin niya lubos maisip na posible niyang makita roon. Wala rin naman siyang balak na umuwi ng gabing iyon sa Bonifacio Global City o

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD