bc

Sin With Me ( SPG )

book_age16+
191.2K
FOLLOW
1.6M
READ
billionaire
possessive
playboy
powerful
drama
twisted
sweet
city
cheating
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING: This story is RATED SPG. More MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK!!!

Kalahating taon ng kasal si Ferlyn kay Jino Lee ngunit hindi pa rin sila biyayaan ng anak na una pa lang ay gustong-gusto na ni Jino na magkaroon sila. Lingid sa kaalaman ni Ferlyn ay para makuha ni Jino ang inaasam na mataas na posisyon sa kompanya ng mga ito kaya kailangan nitong magkaroon ng anak. Dahilan upang bigla ay unti-unting manlamig kay Ferlyn ang asawa dahil hindi niya iyon maibigay rito.

Ngunit wala na palang mas sasakit pa nang maabutan niya sa aktuwal na eksena na may pinatungang ibang babae ang asawa niya at sa mismong silid at kama pa nilang mag-asawa. At ang mas nagpasakit pang lalo? Nang makilala niya kung sino ang babaeng katalik ng kaniyang asawa, walang iba kundi ang kaibigan niya na isang linggo ng pansamantalang nakikitira sa bahay nila...

chap-preview
Free preview
Chapter 01
“N-NEGATIVE pa rin,” ani Ferlyn sa kaniyang asawa na si Jino. Pahablot nang kunin ni Jino ang hawak niya na dalawang pregnancy test kit. Tumiim ang mga labi nito habang tinititigan iyon at makita na iisang guhit na pula lang ang lumabas sa pregnancy test kit. Sa galit ay naihagis pa nito iyon. “Damn! Wala pa rin hanggang ngayon? Ferlyn, ilang buwan na tayong sumusubok na magkaroon ng anak. Tapos ano? Ni hindi mo ako magawang bigyan?” Nagyuko siya ng mukha. “I-I’m sorry, hon.” Hindi katulad ng inaasahan niya. Para bang bulkan ito na sasabog ano mang sandali. “‘Yan. Diyan ka magaling sa kaka-sorry mo. Mabibigyan ba niyan ako ng anak?” Maang ang labi na nag-angat siyang muli ng tingin dito. “Bakit ba atat na atat ka na magkaroon tayo ng anak? Ano ang magagawa ko kung hindi ko pa maibigay sa iyo ang gusto mo? Lahat din naman ay ginagawa ko,” kumibot ang labi niya dahil naluluha siya. Nasasaktan siya sa inaakto nito. Mas mahalaga pa ba rito ang pagkakaroon ng anak kaysa sa nararamdaman niya ngayon? Na-i-stress na rin siya dahil hindi niya ito mabigyan ng anak. Anim na buwan na silang kasal at nagsasama ng kaniyang asawa na si Jino Lee na isang half-Korean. Noong una ay sobrang sweet nito sa kaniya. Pero sa paglipas ng mga buwan na palaging negative ang resulta ng kaniyang pag-pe-pregnancy test ay ramdam niya ang tila ba unti-unti nitong paglayo ng loob sa kaniya. Hindi niya alam kung napapraning lang siya o ganoon nga talaga ang nangyayari? “Akala mo ba, madali para sa akin na hindi ko maibigay ang gusto mo? Hon, ginagawa ko ang lahat para maging healthy. Hindi na ako nagpupuyat sa trabaho. Ni hindi na ako umiinom ng kape para lang mas maging healthy ang katawan ko. Pero ano ang magagawa ko kung puro negative ang resulta ng pagpi-pregnancy test ko?” Ayaw naman nito na magpapa-check up sila. Anito ay wala itong problema sa katawan nito. Pero sa huli siya pa rin ang nasisisi nito dahil hindi niya ito mabigyan ng anak. Pakiramdam niya ay napaka-unfair nito sa kaniya. “Stop working, then.” “No,” mariin niyang wika rito. “Mag-stay ka rito sa bahay. Hindi ka nga nagpupuyat sa trabaho pero panay pa rin ang punta mo sa coffee shop mo.” “Hon, kailangan kong i-manage ang coffee shop ko. Ayaw kong iasa sa iba.” Namana pa niya iyon mula sa kaniyang mga magulang na sumakabilang buhay na. Ayaw niyang iasa sa iba ang pamamalakad niyon. “‘Wag matigas ang ulo mo.” “Aagahan ko na lang ang uwi,” pangako niya rito. Ang asawa niya ay nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya nito. Naghihintay rin ito na ma-promote bilang CEO ng kompanya ng mga ito bagay na hindi pa nangyayari sa hindi niya malamang dahilan. Sa halip na sagutin pa siya nito ay mas pinili nito na umalis at iwan siya sa silid na iyon. Tuluyan ng pumatak ang luhang pinipigilan ni Ferlyn kanina pa. Kasalanan ba talaga niya kung bakit hindi sila makabuong mag-asawa? Palagi na lamang nasa kaniya ang sisi.     GABI na ngunit wala pa rin ang asawa ni Ferlyn. Ang cellphone nito ay naka-off kaya hindi niya magawang tawagan. Siguradong kasama na naman niyon ang mga kaibigan nito at nag-iinuman. Ganoon ito kapag walang pasok kinabukasan. Typical Korean, uuwi ng hindi na makagulapay. Iyon ang isa sa ayaw niya rito na natuklasan lang niya noong nagsasama na sila. Pero hindi naman niya magawang ireklamo rito. Tiniis na lang niya dahil asawa niya ito. Napabuntong-hininga siya. Napatitig siya sa niluto niyang pagkain para sa kanilang mag-asawa. Todo effort pa naman siya sa pagluluto ng kanilang dinner nang gabing iyon. Dahil gusto niyang bumawi sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng pagluluto ng paborito nitong pagkain. Kahit na wala siyang literal na alam sa kultura ng mga Korean. Inaral pa rin niya para makasabay siya rito at sa pamilya nito. Ipinanganak sa Korea si Jino ngunit lumaki ito sa Pilipinas kaya matatas kung magsalita ng wikang Tagalog. Iilang beses pa lang niyang nakakaharap ang mga magulang nito. Hindi naman kasi palaging dumadalaw ang mga iyon sa kanila dahil madalas din na nasa South Korea. Madalang lang din kung magkasama-sama sila. Anim na buwan na silang kasal ng asawa niya sa kakilala nitong huwes. Isang buwan matapos na maging sila ay inaya na agad siya nitong magpakasal. Kita naman niya na sobrang sincere ito pagdating sa kaniya. He showed respect. Maalaga at maasikaso rin ito sa kaniya. Si Jino, para itong isang Korean main lead sa isang Korean drama. Matangkad, tama lang ang pangangatawan, guwapo. Tuwang-tuwa rin siya kapag ngumingiti ito dahil sa singkit nitong mga mata. Pero sa isang iglap, hindi na niya makita ang dating asawa niya. Para bang nag-iba na ito. Siguro, stress lang ito dahil gusto na ring magkaroon ng anak. Bagay na hindi niya maibigay rito. Twenty-eight na siya at handang-handa na para sa pagkakaroon ng anak. Pero hindi nakikisama ang matres niya. Nakatira sila sa isang apartment building. Malaki ang unit na tinitirhan nilang mag-asawa. Wala lang silang kasambahay dahil kaya naman niya ang mga gawain sa bahay. May dalawang silid doon. Ang isang silid ay nagsisilbing guest room habang ang isa naman ay siyang silid nilang mag-asawa. Saka na raw sila magpapagawa ng bahay kapag may anak na sila. Wala namang kaso sa kaniya dahil hindi naman doon mahirap gumalaw. At isa pa, sanay siya sa gawaing bahay. Nang hindi pa rin dumating si Jino ay pinili na ni Ferlyn na kumain na at huwag ng hintayin ang asawa. Baka lalo lang siyang malipasan ng gutom. Pero heto siya, may bakas ng luha ang mga mata habang ngumunguya ng pagkain. Huminga pa siya nang malalim. “Fighting lang, Ferlyn,” cheer pa niya sa kaniyang sarili. Hiling lang niya na sana ay maging maayos na silang mag-asawa at bumalik na ulit sa dati. Iyong masaya lang.                                

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just A Taste (SPG)

read
914.7K
bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
459.5K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.9K
bc

POWER OF DESIRE (FILIPINO: SPG)

read
487.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook