Chapter 13

1054 Words

PUPUNGAS-PUNGAS na nagmulat ng mga mata si Ferlyn. Bigla na lamang nagising ang diwa niya. Hindi pa pumuputok ng husto ang sikat ng haring araw sa kalangitan. Ngunit sapat na ang liwanag mula sa labas upang makita ni Ferlyn ang paligid. Medyo nagtaka pa siya dahil sa nakikita ng kaniyang mga mata. Nasa loob siya ng isang tent. Tent?! Bigla ay nailibot niya ang tingin sa paligid. Hanggang sa tumutok ang tingin ni Ferlyn sa may bandang likuran niya. Halos manlaki ang mga mata niya nang may makitang lalaki mula roon. Lalo na nang mapagsino ang naturang lalaki. B-bakit— Bigla ay isa-isang bumalik sa kaniyang alaala ang mga kaganapan sa kaniya simula kahapon. Maghapon siya sa may Antipolo, Rizal. Nag-inom pa siya ng beer. At… at… Umawang ang labi niya nang bumalik din sa kaniyang gunita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD