Chapter 08

2133 Words
“EXCUSE me po, Ma’am Ferlyn,” apologetic pang wika ni Jennifer habang nakasungaw ang ulo nito sa medyo nakabukas na pinto. Sumenyas si Ferlyn na ituloy na nito ang pagpasok sa loob. “Come in, Jennifer,” aniya rito. Kagat pa ni Jennifer ang ibabang-labi nito nang pumasok at lumapit sa kaniya. “May problema ba sa labas?” “A-ah, opo, Ma’am Ferlyn.” “May nasira ba sa coffee maker natin?” Umiling ito. “H-hindi po ‘yon. Wala pong nasira. Lahat po ay nasa ayos. Nasa labas po kasi si Sir Pogi. Magki-claim po ngayon ng free coffee niya. E-eh, kayo raw po ang gusto niyang magtimpla sa kape niya.” Nahilot niya ang sentido. “Dapat, sinabi mong wala ako rito.” Kakadating lang din kasi niya. Pagkagaling niya kanina sa simbahan, matapos dalawin ang kaniyang mga magulang sa sementeryo, sa coffee shop na siya dumiretso. “Dinahilan ko na po ‘yon. Kaso, nakita raw po niya kayo na papasok dito sa coffee shop kanina. Kaya hindi na po ako nakapagdahilan pa. Sorry po.” Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay ibinaba na rin ang kamay na humihilot sa kaniyang sentido. Muli niyang tiningnan si Jennifer. “Sige na. Ako na ang bahala sa kape niya. Tutal naman, hanggang bukas na lang ako rito sa shop. Baka sa susunod, hindi ko na siya mapagtimpla pa ng kape.” “Alam niyo po, Ma’am, parang type kayo ni Sir Pogi. Kakaiba palagi ang tingin sa inyo. Tinging may pagsinta. Kaso, may asawa na kayo. Na-late siya ng balik dito sa shop.” Sandali siyang natigilan. “Na-late ng balik? Ano’ng ibig mong sabihin?” “Sa pagkakatanda ko po kasi, naging customer na rin siya rito noon. Ewan lang po kung bakit ngayon lang ulit siya bumalik para uminom ng kape rito. Swerte niya, kasi may free pa siyang one year coffee.” Sa dami ng iniisip niya, hindi na niya ma-recall pa sa kaniyang alaala ang customer nilang iyon. Medyo ipinilig niya ang ulo at tumayo na rin. “Mauna ka na sa labas, Jennifer.” “Sige po,” ani Jennifer na agad tumalima sa utos ni Ferlyn. Nang makaalis si Jennifer ay huminga muna siya ng kung ilang beses bago ipinasya na lumabas na rin sa kaniyang opisina. Natanawan agad niya ang lalaking customer na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang pangalan. Nakaupo ito sa paborito nitong puwesto. Sa may tabi ng glass wall. Bago pa nito makita na nakatingin siya rito ay inasikaso na niya ang pagtitimpla ng kape nito. Hindi naman iyon katagalan. Nang matapos ay inilagay niya ang tasa ng kape sa may platito na nakapatong sa tray. Maingat na naglakad siya papunta sa kinaroroonan ng binata dala ang tray. “Here’s your coffee, Sir,” magalang pa niyang wika na inilapag na sa harapan nito ang tasa ng kape. “Anything else, Sir?” tanong pa niya bago ito nagawang pagmasdan. Nang magbaling ito ng tingin sa kaniya ay nagsalubong pa ang tingin nila. Dahilan para agad-agad ay gustuhin ni Ferlyn na magbawi ng kaniyang tingin. Hindi lang niya magawa. Para na naman kasi siyang hinihipnotismo ng mga titig nito. Ganoon pa man, initsapuwera niya sa kaniyang isipan ang katotohanan na malakas talaga ang dating ng lalaking ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang maramdaman iyon? “In the house?” ganting tanong nito. “A-ahm. If you want, Sir,” aniya na pumayag na rin sa hirit nito. Kayaman-yaman, pero ang gusto ay libre pa rin. Sana pala ay hindi na lang siya nag-alok pa sa lalaking ito. “Just kidding,” nangingiti na nitong bawi. There, dahil sa pagngiti nitong iyon, hindi niya mapigilan ang sarili na sandaling mapigilan ang paghinga. Ferlyn, pumikit ka na lang kaya para hindi mo na makita pa ang lalaking ‘yan? aniya sa kaniyang isipan. “If available ang cheese cake, please, give me one slice.” “I-is that all, Sir?” “Hmmm.” “Okay po,” aniya na nagbawi na ng tingin at naglakad na palayo sa lalaki. Tama ba ang makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa lalaking iyon? Naguguluhan siya kung bakit ganoon? Ferlyn, may asawa ka. Makaramdam ka lang ng kakaiba sa ibang lalaki ay kataksilan na ‘yon. Kaya ‘wag na ‘wag kang magpapadala sa makalaglag panty na ngiting iyon ng lalaki na ‘yon, muli ay saway niya sa kaniyang sarili. Ayaw niya sa lahat ay mayroong makakarating kay Jino na may lalaking nagpapa-cute sa kaniya sa kaniyang coffee shop. Kahit na hindi naman iyon intensiyon ng customer nila. Kapag nakarating pa rin iyon kay Jino, sigurado siya na away ang mangyayari. Pagkakuha sa isang slice ng cheese cake ay dinala na niya iyon sa binata. Inabutan pa siya nito ng buong one thousand pesos. “Keep the change,” dagdag pa nito. “H-ho?” “I know you heard me.” “Pero bakit… keep the change po ang sukli?” “Just give it to your employee.” Mukhang ayaw na nga nitong tumanggap pa ng sukli. “O-okay, Sir. Thank you. Enjoy your coffee and cheese cake,” aniya bago ito muling iniwan. Ibinigay niya kay Jennifer ang buong one thousand pesos. “Keep the change raw,” wika pa niya kay Jennifer na ikinamilog ng mga mata nito. “Hatian mo ‘yong iba.” “Sige, Ma’am. Thank you po.” “Sa customer ka mag-thank you,” aniya rito bago ito iniwan na at muling nagkulong sa kaniyang opisina. Inasikaso na rin niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Dahil sa susunod na araw ay si Jennifer na ang gagamit ng kaniyang opisina. Iwinaksi na niya sa kaniyang isipan ang lalaking customer at huminga nang malalim. Simula sa isang araw, magpapakaasawa na siya sa kaniyang asawang si Jino. In terms sa nais nito na mag-full time housewife siya para dito. Tiyak niya na matutuwa ang asawa niya sa kaniyang desisyon. Ibinalik niya ang ngiti sa labi bago muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. “SIR POGI, i-ibig ko pong sabihin… Sir,” pagtatama pa ng cashier sa pagsasalita nito. Nag-angat ng tingin si Gavin sa babaeng lumapit sa kaniya. Jennifer ang pangalan na nakasulat sa name plate nito. “Yes?” “A-ah, thank you po sa tip,” ani Jennifer na ngumiti pa. “You’re welcome.” Pero hindi pa rin ito umalis sa may tabi niya. May tiningnan pa ito bago naupo sa may tapat niya na bakanteng upuan. “Sir, puwedeng magtanong?” Tumango si Gavin. “Go on,” kaswal niyang wika. “‘Wag niyo po sanang mamasamain ang tanong ko. Concern lang din po kasi ako. Eh, interesado po ba kayo sa boss ko?” Amusement ang mababakas sa guwapong mukha ni Gavin dahil sa tanong na iyon sa kaniya ng babae. “Bakit mo naman natanong ‘yan?” “A-ah, kasi po, kung interesado kayo sa boss ko, ‘wag niyo na pong ituloy kasi kasal na po siya.” Ang akmang paghawak ni Gavin sa handle ng kaniyang tasa ay hindi natuloy. Tumikhim siya. “I know.” “P-po?” gulat pa nitong bulalas. “Nakikita ko ang wedding ring niya.” Napatango-tango ito. “Curious lang naman ako, Sir. Buti po, alam niyo pala. Salamat po sa pagsagot at sa pagiging hindi snub. Kung gusto niyo pa po ng kape, sabihan niyo lang po ako. Bye, Sir,” ani Jennifer na tumayo na at mabilis na naglakad palayo. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagawang humigop ng kape ni Gavin. “ON MONDAY, puwede ka ng mag-start sa opisina,” ani Jino kay Jenylyn na nakahiga sa tabi nito habang hawak naman ni Jenylyn ang hinaharap ni Jino. Sinusubukang buhayin muli. Katatapos lang magniig ng mga ito. “Thanks. Parang tinatamad pa nga akong magsimula sa trabaho.” Mula sa pagkakahiga ay naupo si Jino. “Mas safe kung wala tayo rito sa bahay. Paano kung bigla tayong maabutan ni Ferlyn?” “So, saan natin gagawin?” malandi pa nitong wika. “Sa opisina mo?” ngumiti pa ito pagkasabi niyon. “Puwede. Doon, walang Ferlyn na puwedeng makahuli sa atin. Pipilitin ko na makuha ka bilang sekretarya ko para mas may access ka para lumabas at pasok sa opisina ko. How’s that?” “Ang talino mo talaga. Kaya naman gustong-gusto kita,” kinagat pa ni Jenylyn ang ibabang-labi nito. “Hihiwalayan mo ba si Ferlyn?” Nag-iwas ng tingin si Jino. “Hindi.” “Hindi? Ano ‘yon, paaasahin mo lang siya na tatayo pa sa kaniya ang kargada mo? If I know, hindi na ‘yan sasaludo sa kaniya dahil napaka-boring niya sa kama. Coming from you, ha?” “Hindi ko puwedeng basta na lamang hiwalayan si Ferlyn. Siya ang kilala ng lahat bilang asawa ko.” “Pero kinikilala mo pa ba siya bilang asawa mo?” Hindi agad nakapagsalita si Jino. “Magkasama nga kayo rito sa bahay mo, pero sino ang sinisipingan mo?” tumawa pa ng nakakaloko si Jenylyn. “Poor, Ferlyn.” “Akala ko ba, ayaw mong topic ang asawa ko kapag magkasama tayo sa kama?” “Jino, minsan gusto ko ring topic si Ferlyn. Favorite ko kaya siya sa usapan.” Binitiwan ni Jenylyn ang alaga ni Jino at sumaklang naman sa ibabaw nito. Pagkuwan ay itinulak pahiga si Jino. “Sobrang curious nga ako kung sino at ano ang hitsura ng napangasawa ni Ferlyn.” Ngumiti si Jenylyn. “Hindi ka pala mahirap agawin sa kaniya. Napakarupok mo, Jino. O sadyang nagalingan ka lang sa akin? Alin sa dalawa?” “Can we drop the conversation? Just do what you want.” “Yes, hon,” malanding wika ni Jenylyn na ginaya pa ang endearment ni Ferlyn sa asawa nito. Si Jenylyn na rin ang nagpasok ng alaga ni Jino sa p********e nito at gumalaw nang gumalaw. Kung sa kagalingan lang din sa kama, walang talo si Jenylyn pagdating kay Ferlyn. Bagay na mas lalong nagpapatindi sa s****l drive ni Jino. At sa panlalandi ni Jenylyn, tuluyan ng naging marupok ang lalaki. “HON, MAAGA akong papasok ngayon sa coffee shop,” paalam pa ni Ferlyn kay Jino kinabukasan. Iyon na ang huling araw niya sa coffee shop. Kahit paano ay gusto niyang gawing memorable ang huling araw niya roon. Kaya gusto niyang pumasok ng maaga. “Ikaw ang bahala.” Tapos na rin naman silang mag-almusal. Hindi rin siya hinahatid ng kaniyang asawa dahil mayroon siyang sariling sasakyan. Marunong siyang mag-drive. “Bye,” aniya na humalik pa sa labi nito. Nagsusuot pa lang ito ng sapatos nito. “Bye,” tipid na sagot ni Jino. Paglabas niya sa silid nila ay naabutan pa niya si Jenylyn na siyang naglilinis ng lamesa na pinagkainan nila. Ito na kasi ang nagboluntaryo na gumawa niyon. Tutal, siya ang nagluto ng kinain nila sa umagang iyon. “Pasok na ako,” paalam din niya sa kaibigan. Ngumiti ito sa kaniya. “Ingat,” pahabol pa ni Jenylyn. “Thanks.” Ngiting-ngiti pa siya. Tingin niya kasi, unang hakbang na iyon para sa kaniyang bagong simula sa journey ng kaniyang buhay. Ngayon, ipu-push na nila ni Jino na magkaroon ng anak. Nakasakay na siya sa kaniyang sasakyan at akmang paaandarin na iyon nang maalala ang folder na kinalalagyan ng ilang mahahalagang files para sa coffee shop. Balak niya iyong ibigay kay Jennifer para mas mapag-aralan pa nito iyon. Walang ibang pagpipilian kung ‘di ang bumalik sa kanilang condo unit ni Jino. Maingat niyang pinihit ang door knob ng kanilang unit. Pagpasok niya sa loob ay humayon pa ang tingin niya sa kusina. Naiwan sa lamesa ang ilan pang pinagkainan. Kumunot ang kaniyang noo, akala ba niya, nag-iimpis kanina si Jenylyn? Nang maisip na baka may kinuha lang sa silid nito o kaya ay nagbanyo muna ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Hinayon na niya ang papunta sa silid nilang mag-asawa. Napatigil siya sa paglalakad nang makarinig nang halinghing. Kumunot ang noo niya at pinagbuti ang pakikinig doon. Halinghing nga ng babae ang naririnig niya. Out of nowhere ay biglang dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ng silid nila ni Jino. Medyo nakabukas ng kaunti ang pinto sa silid nilang mag-asawa. Samantalang isinara naman niya iyon nang lumabas siya roon kanina. Bakit biglang may kabang bumundol sa kaniyang dibdib? Ipinilig niya ang ulo at itinuloy ang balak na paglapit sa silid nila ni Jino. Sa pagkakataon na iyon ay sumilip pa siya sa munting siwang. Bagay na sana ay hindi na niya ginawa pa. Daig pa ni Ferlyn ang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa kaniyang kinatatayuan dahil na nakita ng mga mata buhat sa loob ng silid. Tigalgal siya sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD