IKINURAP PA ni Ferlyn ang kaniyang mga mata, umaasa na magbabago ang nakikita ng kaniyang paningin ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi. Ganoon pa rin. Kasalukuyang nakapatong ang asawa niyang si Jino sa babaeng bukas palad niyang pinatuloy sa kanilang bahay sa awa na rin dito dahil wala itong matuluyan. Walang iba kung ‘di si Jenylyn na panay ang ungol sa sunod-sunod na pag-ulos ng asawa niya sa kaselanan nito. Daig pa ni Ferlyn ang tinakasan ng kaluluwa sa kaniyang nasasaksihan. Hindi iyon isang panaginip lang. Dahil kahit na anong kurap niya ay nananatiling ganoon pa rin ang kaniyang nakikita. Pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang dibdib sa sobrang sama ng loob at galit. Sa kama pa talaga nilang mag-asawa gumagawa ng kababuyan ang mga ito. At ano pa ba ang mas higit na masakit? Pin