NAMIMINTANA na naman si Ferlyn sa silid niya sa kaniyang inuupahang apartment. Naalala na naman niya noon, noong kinailangan na niyang i-give up ang buhay niya sa kanilang mansiyon at manirahan sa isang may kaliitang apartment na tama lang para sa solo sa buhay na katulad niya. Ngayon, heto na naman siya. Hindi mansiyon ang kailangang i-give up kung ‘di ang nanlalamig na nilang relasyon ng kaniyang asawa na si Jino. Kaysa kumuha ng uupahang condo unit, isang apartment ang kaniyang hinanap para matuluyan. Marami na rin siyang gamit na pinagbuhusan niya ng oras sa loob ng ilang araw. At ang ginamit niyang pambili sa lahat ng gamit niya ngayon sa kaniyang apartment? Walang iba kung ‘di ang credit card na nakapangalan sa asawa niyang si Jino Lee. Sa loob ng mahigit pitong buwan na pagsasama