“FERLYN, okay ka lang?” pansin pa ni Lhany kay Ferlyn na medyo uneasy na ng mga sandaling iyon. Piping hiling ni Ferlyn ay hindi na dalhin pa ni Isiah sa puwesto nila ang lalaking nagngangalang Gavin. Well, his name suits him. Ngayon, alam na niya ang pangalan nito. Pero ganoon pa man, hindi para dugtungan pa ang namagitan sa kanila ng gabing iyon. Dahil gusto na niya iyong tuldukan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya makabalik sa kaniyang coffee shop ay dahil sa binata. Hindi pa siya handa na makaharap ito. “Okay lang ako,” nakangiti pa niyang wika kay Lhany. Lahat ng babae sa paligid niya, may asawa man o wala, si Gavin pa rin ang topic. How wealth he is. How gorgeous and hot. And so on. Right, he’s hot. Literally. Medyo ipinilig niya ang ulo nang sumagi na naman sa kaniyang