“I’M GLAD you came,” ngiting-ngiting salubong kay Ferlyn ni Lhany nang makarating siya sa venue ng party. Idinaos iyon sa may pool area ng isang five star hotel. Magma-migrate na kasi ang kaibigan nilang si Isiah Del Rio sa US. At dahil batchmate nila ito noong college halos naroon din ang iba nilang mga kaklase na palagi ring present kapag may party o kahit na anong klase ng event. Naroon din ang mga personal na kaibigan ni Isiah. Ikinahinga lang niya ng maluwag nang hindi niya makita sa party si Jenylyn o kahit si Jino. Dahil kung naroon ang dalawa? Tiyak na masisira lang ang kaniyang mood at baka hindi na tumuloy pa sa naturang party. “Baka magtampo si Isiah kapag hindi ako pumunta,” sabi na lang ni Ferlyn sa kaibigan. “Let’s go, maraming naghihintay sa iyo,” ani Lhany na sandaling