Who else, Honey?

1679 Words
Ilang oras nang nakaalis ang mga armadong kalalakihan sa Villa Ollivion. Subalit, tulala pa rin si Zhyn habang nakatitig sa ama na masayang-masaya na nakikipag-usap sa malaking oil painting ng kanyang ina. Hapo ang kanyang katawan na unti-unting lumapit at yumapos dito. “Daddy . . . Let’s get you some rest. Babalik na lang tayo rito bukas. Hihintayin ka pa rin ni mommy dito. Hindi siya aalis, hindi niya tayo iiwan.” Malungkot ang kanyang mga ngiti habang kinakausap sa kanyang ama. Dinaig pa nito ang batang inagawan ng laruan sa lungkot ng mukha nang sabihan ni Zhyn na matulog muna. “Z . . .” “Yes, dad. Let’s go.” Inaalalayan ni Zhyn ang ama papunta sa master’s bedroom. Labis ang kanyang pasasalamat sa kanilang yaya Nida at hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin ito sa ama. Napangiti siya kahit na papaano. Malinis at maaliwalas pa rin ang kuwarto ng ama kagaya ng dati. “Here, dad. Mag-rest ka na, huh.” “Hi-hindi na ba ulit aalis si baby, Z?” Pinigil ni Zhyn ang kanyang mga luha. Ngumiti siya habang hinahaplos ang buto’t balat na mukha ng ama. “Y-yes, dad. Dito lang ako, hindi na kita iiwan.” Pinagmamasdan ng dalaga ang ama na unti-unti nang hinihila ng antok. Hawak niya ang payat na kamay nito nang napansin niya ang malalim na parte ng balat nito. “Hija . . .” Hindi na namalayang ng dalaga na nakapasok na ng kuwarto ang kanilang yaya Nida. “Huli na ng napansin ko anak ang ginawa ng daddy mo upang mapanatiling suot-suot niya ang wedding ring nila ng mommy mo. Nilagyan niya ng rubber band ang kanyang hintuturo upang kumasya pa rin ang singsing. Mabuti na lang at nakita ko anak. Halos atakihin ako, akala ko mapuputol na ang kanyang daliri.” “Yaya, maraming salamat sa mga ginawa mo para kay daddy, huh. Ayaw kong pati ikaw ay madamay sa gulong ito.” “Ay, nako anak. Simula ng isinalba ni Trisha ang buhay ko ay na pangako ko na sa aking sarili na iaalay ko ang buong buhay ko sa pamilya ninyo. Alam mo namang tumanda na akong dalaga. Hindi ko lubos maisip ang buhay kung wala ang pamilya mo, hija.” “Thank you so much, yaya Nida,” Hawak ni Zhyn ang kamay ng matanda habang unti-unti niya itong dinala sa kanyang dibdib. “Oh, siya, sige na, anak. Inayos ko na ang kuwarto mo. Ako na ang bahala sa iyong daddy.” “Babalik ako agad, Yaya. Maliligo lang ako at magbibigis.” Mabibigat ang mga hakbang ni Zhyn habang lumalayo sa kuwarto ng ama. Pakiramdam niya ay literal na nakapatong sa kanyang balikat ang buong mundo. Sa kanyang edad ay hindi pa naman dumating sa kanyang isipan ang magka-boyfriend o magmahal ng lalaki, ‘liban sa kanyang ama. Siya ay matatawag na no boyfriend since birth. Marami naman ang nanliligaw sa kanya, subalit hindi pa talaga nakaramdam ang dalaga kailan man ng excitement o adrenaline rush sa kahit na sinong manliligaw niya. Pero hindi niya lubos maisip na ang pag pre-presirba niya sa kanyang sarili ay sa isang tao rin pala na hindi niya pinangarap mapupunta. Maligamgam na tubig ang naglalandas sa hubad na katawan ni Zhyn, habang ninanamnam ang ginhawang dulot nito ay mistula bagyong rumagasa sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon na buhay pa ang kanyang ina. Pinipigilan ang mga hikbi habang nilalaro ng kanyang isipan ang mga panahon na masaya at buo ang kanyang pamilya. Ang pamilyang nabuo sa Villa Ollivion. Bawat sulok ng malaking Villa ay puno ng mga alala. Mga alaalang mas mahalaga pa sa ginto at pilak. “Kung hindi lang ako umalis. Kung hindi ko lang iniwan si daddy. Kung nagtiis lang sana ako. E ‘di sana, hindi hahantong sa ganito ang lahat. Gumising ka Zhyn. Oras na para ibalik mo ang malaking pabor na ipinagkaloob sa ‘yo ng pamilya Ollivion,” bulong ng dalaga, pilit na kinukumbinse ang sarili na maging matatag at malakas. Nang makalabas sa banyo ang dalaga ay buo na ang kanyang loob. Maraming madadamay kung mag-iinarte at kung magiging makasarili siya. Pinahid niya ang mumunting luha na pumatak mula sa kanyang mga mata. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa kuwarto ng ama. “Yaya, magpahinga ka na. Ako na ang bahala kay daddy. May pakiusap lang ako Yaya Nida, maaari bang gabayan mo si daddy, uli?” “Anong ibig mong sabihin, hija?” “Ipapasok ko siya sa isang rehabilitation center. Doon lang ako mapapalagay sa kanyang kaligtasan at kanyang pag galing.” “Z . . . ‘wag mong sabihin na—” “Yes, Yaya. Buo na ang aking desisyon. Magpapakasal ako kay Mr. Valdemore.” “Pe-pero paano ka, hija? Hindi mo ito kailangang gawin. Diyos na mahabagin! Masyado ka pang bata para itali ang sarili mo sa isang pagsasama na hindi mo gusto.” “Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ninyong mga mahal ko sa buhay. Gagawin ko po ang lahat para magustuhan ako ni Mr. Valdemore. Baka sakaling magkagano’n ay maging susi siya para maibangon kong muli ang Villa Ollivion at si daddy. Kung darating man ang araw na ‘yun ay isinusumpa ko, babalikan ko ang lahat ng nagdulot nito sa amin.” “Anak, Z. Lumaki kang matapang, tulad ng aking inaasahan.” “Dito muna ako matutulog sa room ni daddy, ‘ya. Baka kasi bukas, kukunin na nila ako.” “‘Wag na lang kaya anak. Ako ang natatakot sa gagawin mo.” “It’s okay, ‘ya. Masyado na akong matanda para ma-baby. Oras na para tumanggap ng responsibilidad.” Hinatid ni Zhyn ang kanyang yaya Nida sa may pintuan. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay unti-unti siyang naglalakad papunta sa tokador. Kinuha niya ang pager na ibinibigay sa kanya ng mga armadong kalalakihan kanina. Unti-unting tinitipa ni Zhyn ang mga katagang alam niya na magpapabago ng kanyang buong buhay. Wala na siyang pakialam kung ikabubuti niya ito o ikalulugmok. Basta ang alam niya ay maisasalba niya ang lahat ng mga mawawala sa kanya pag pinairal niya ang sariling kapakanan. Pager lang ang tanging iniwan sa kanya upang maiwasang ma-contact niya ang mga kakilala lalo na ang kanyang bestfriend. Matapos maipadala ang kanyang mensahe at maingat na sumampa sa kama ang dalaga. Hawak-hawak niya ang kamay ng ama at unti-unting ipinikit ang namumugtong mga mata. Mabigat pa ang talukap ni Zhyn na nagmamadaling buksan ang kinakalampag na pinto. Ayaw niyang magising ang ama na mahimbing ang tulog kaya ay mabilis pa sa alas-kuwatro ang kanyang mga hakbang papunta sa maingay na pintuan. “Hey! Will you sto—” “Naghihintay na po ang sasakyan na maghahatid sa iyo sa Pier, Ma’am.” Tumambad kay Zhyn ang lalaking naghatid sa kanya kahapon sa Villa Ollivion nang buksan niya ang pinto. “Sa-sandali, magbibihis lang ako.” Agad na tinungo no Zhyn ang kanyang yaya upang magpaalam at sa muli ay ihabilin ang ama. Nang makapagbihis na siya ay tinungo niyang muli ang natutulog na ama. “Dad, I’m not gonna say goodbye, because this will not be the last time that you are going to see me. Pangako, babalik ako. Babalikan kita, at aayusin natin ang mga bagay-bagay. Sabay nating pupuntahan si mommy at ibabalita natin sa kanya na okay lang tayo.” Pinigil ng dalaga ang pagpatak ng kanyang mga luha. Muli siyang tumingala at huminga ng malalim. Ginawaran muna niya ng halik sa noo ang ama bago tuluyang lumabas sa Villa Ollivion. Tanging ang natanaw niya ay ang umiiyak na yaya habang kumakaway sa kanya. ‘Di nagtagal ay unti-unti na ring nagsara ang malaking gate ng Villa Ollivion. Nilakbay ng mamahaling sasakyan na lulan ni Zhyn ang kalsadang hindi niya lubos na kabisado. Anim na taon lang ang nakalipas subalit halos hindi na niya mamukhaan ang palibot ng kanilang lugar. Ang dati ay madamo at bakanteng mga lupa ngayon ay kinatitirikan na ng matatayog at mataas na mga gusali. Ipinilig ng dalaga ang kanyang ulo, naghihintay kung kailan sila makarating sa kanilang patutunguhan. Mahigit isang oras ay tumigil na rin ang sasakyan. Nang makababa siya sa sasakyan ay agad niyang natanaw ang malaking bapor na nakalutang sa malalim na karagatan. Iginiya siya ng taong naghatid sa kanya papunta sa dock. Nang tuluyan na siyang naigiya sa loob ng bapor ay umalis na rin ito. Mahigit sa tatlong oras na ang nakalipas mula ng nakasakay si Zhyn sa isang bapor. Mala classical ang disenyo ng kabuuan nito kung sa loob titingnan. Napapaisip tuloy ang dalaga na talagang matanda na ang kanyang pakakasalan. Kung susuriin niya ang taste ng lalaki ay talaang nakamamangha, pero halatang pinaglumaan na ng panahon. Elegante man tingnan ang mga kagamitan sa loob ay hindi maipagkakailang mamahalin ito at mga naipriserbang lumang kagamitan. Hindi mawari ng dalaga ang kakaibang t***k ng kanyang puso. Mistula siyang naiihi at tila hindi maintindihan ang sarili. Agad na nangilabot si Zhyn nang makarinig siya ng yabag ng paa. Nababaliw siyang nag palinga-linga upang maghanap sana ng mapag kukublian. Hindi sinasadya na nag-replay sa kanyang isipan ang larawan ng isang lalaking may bigote at malaking pilat sa mukha. Hindi niya na sigurado kung matanda nga ito. Basta ang alam lang niya ay talagang nakakakilabot ang pilat nito sa mukha. Ubod ng ganda ang mga abong mata nito ngunit sinira ng pilat na umabot hanggang sa nangungusap nitong mga mata. Nakaupo ngayon si Zhyn sa isang mesa na may nakaharang na itim na tela sa gitna. Sa ganitong sistema ay hindi nakikita ang sinuman na nasa kabilang side ng mesa. Magkasalikop ang mga kamay ni Zhyn habang pilit na pinapakalma ang sarili. “Relax, I won’t bite.” Halos tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga nang marinig niya ang malalim na boses ng lalaki. Tila ang baritunong boses nito ay nanunuot sa kanyang kalamnan. “M-Mr . . . Mr. Valdemore?” “Who else, Honey . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD