Chelsy

1642 Words
Malaki ang mga ngiti ni Zhyn nang tuluyang makaapak ang mga paa sa lupang sinilangan. Akay-akay ang kanyang malita ay hinahanap ng kanyang mga mata si Karina na nagpaalam sa kanyang mag-cr muna. “Aray!” impit na hiyaw ni Zhyn nang siya ay matumba at tumilapon ang kanyang dala-dalang mga bagahe. Galit na tumingala ang dalaga upang komprontahin kung sino man ang tanga at walang awang bumangga sa kanya. Ngunit, tila napako siya sa kanyang kinatatayuan nang magtama ang kanilang paningin. Mistula hinihila siya papalapit ng mga abong mata ng lalaki. “Chelsy?” bulong ng lalaki na dahilan upang magtaka si Zhyn. Halos mangilabot ang dalaga nang makita niya na ang nagtatakang mukha nito ay unti-unting napalitan ng isang makahulugang mga ngiti at titig. “Babe!” Inagaw ang buong atensyon ni Zhyn nang marinig niya ang pagtawag ng kaibigan.” “Babe, Z? What happened to you? Why are you on the floor?” “I b—” Naputol na ang nais sabihin ni Zhyn nang lumingon siya at hindi na niya mahagilap ang nakabanggaang lalaki. “Z? What’s wrong?” tanong ni Karina habang tinutulungan siyang makatayo. “O-oh, n-nothing. May bumangga lang sa akin na weirdo.” Alanganin ang kanyang mga ngiti sa kaibigan. Umukit sa kanyang isipan ang ngiti ng estrangherong lalaki. “A-are you hurt?” “No, I’m fine, K. No worries.” “Paparating na ang sasakyang magsusundo sa atin. Halika ka na, tulungan na kita r’yan sa mga bagahe mo.” “Nag-message si daddy. Paparating na rin ang magsusundo sa akin.” “Samahan na lang ki—” “No, it’s okay, babe. Gusto ko rin na makausap si daddy. Feeling ko ay magkaka heart to heart talk na kami ngayon.” “Okay, basta promise me na tatawag ka agad pagnakauwi ka na, okay?” “Yes, Ma’am!” Nauna nang umalis si Karina dahil unang dumating ang sasakyan na susundo sa kanyan. Hindi naglaon ay pumarada naman ang isang mamahaling sasakyan sa harapan ni Zhyn. Nagdadalawang isip pa siya kung ito na ang susundo sa kanya o hindi, hanggang sa lumabas ang nagmamaneho nito. “Ms. Zhyn Ollivion, ako po ang magsusundo sa ‘yo, Ma’am.” Nakataas ang kilay ng dalaga habang nakatitig sa lalaki at sa mamahaling sasakyan na nasa kanyang harapan. Alam niyang mayaman ang ama, subalit hindi ito magsasayang ng pera para sa mga luxury cars na kagaya nito. “Where’s my dad?” tanong ni Zhyn sa lalaking inaayos ang kanyang mga bagahe sa likod ng sasakyan. “Nasa Villa Ollivion po si Sir. Sandro, Ma’am.” Hindi mapigilan ni Zhyn namamangha sa hitsura sa loob ng sasakyan. Marami na siyang nakahalubilo na mga mayayaman sa States subalit, ngayon pa lang siya nakakita ng ganito ka garang sasakyan. Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti nang pumasok ang sasakyan sa isang private road. Hudyat ito na nasa Villa Ollivion na ang dalaga. Halos mahigit ni Zhyn ang hininga nang tumambad sa kanya ang nakakaawang hitsura ng kanilang Villa. Tila tinatambol sa kaba ang kanyang dibdib lalo na nang bumukas ang malaking lumang gate. Hindi na namalayan ni Zhyn na naglandas na pala ang kanyang mga luha. “W-what happened here?” Nanginginig ang kanyang buong katawan habang naglalakad sa pavement na nilalakaran niya noon. Sa bawat hakbang ng kanyang mga paa ay bumibigat ang kanyang pakiramdam. Sapagkat ang dating makulay na mga hardin at ubod na puting pintura ng Villa Ollivion ay napalitan na ng mga lumot at bitak-bitak na dingding. Tuyo na rin ang dating fountain na naglalaman ng ubod ng linis na tubig noon. Maging ang hardin na mahal na mahal ng kanyang ina ay puro tuyong lupa na lang ang natira. Nagpupuyos ang damdamin ni Zhyn. Hindi niya lubos akalain na magiging ganito ka pabaya ang kanyang ama. Gamit ang kanyang buong lakas ay nagmamadali siyang nagtungo sa malaking pinto at buong lakas itong itinulak. “A-anak, Z!” Imbis na magalit ay labis na habag ang nararamdaman ni Zhyn nang makita ang kalagayan ng ama. Halos hindi na niya ito mamukhaan dahil sa labis na kapayatan. Nawala ang dating guwapo at mala-anghel na mukha nito at mistula isang estranghero ang sa kanya ay sumalubong. “D-dad? W-what happened?” “Let’s go, let’s meet your mom. Baby, we’ve been waiting for you to come home,” malapad ang mga ngiti na turan ng kanyang ama. Mistula pinitpit ang puso Zhyn sa masayang ngiti nito. “Miss. Z, Miss, Z . . .” “Yaya Nida?” Nagtatanong ang mga mata ni Zhyn habang unti-unti ring niyayakap ang matanda. Mas lalong naninikip ang kanyang paghinga nang masilayan ang hapong mukha ng kayang Yaya Nida. Ang dating maaliwalas na mukha noon ay tuluyang nawala. Labis itong tumanda sa loob lamang ng anim na taon. “Baby, Z . . .” bulong ng kanyang ama na mukhang batang natutulog sa kanyang hita. Hindi namalayan ng dalaga na nakaupo silang tatlo sa malapad na sahig ng mansyon habang umiiyak. “Yaya, what happened? Bakit hindi ko alam? Bakit walang nagsasabi? Bakit Yaya?” Walang humpay ang bugos ng luha ni Zhyn. Mabigat ang kanyang loob sa mga nangyari. Tila hindi matanggap ng kanyang puso kung bakit nagkaganito. “Hija, nang umalis ka, napapadalas ang pag-inom ni Sir ng alak. Mahigit isang taon mula ng ikaw ay makaalis ay nalulong na sa pag-inom at pagsusugal ang iyong ama. Nais ko itong sabihin sa ‘yo, subalit kabilin-bilinan ni Sir na huwag ipaalam ang mga nangyayari. Ayaw niyang mag-alala ka at maisturbo ang iyong pag-aaral. Hanggang sa, nagkaroon ng kinakasama ang iyong daddy. Naalala mo ba ang dating sekretarya ng iyong mommy?” “Y-yes, Yaya.” Nanlumo ng lubos si Zhyn. Alam na niya ang pupuntahan ng sasabihin ng kanyang dating yaya. “Siya ang sumulsol sa iyong ama para mag-casino. Hindi nakikinig sa akin si Sir. Alam ko sa aking puso na siya ang naglalagay ng drugs sa inumin ng daddy mo, hindi ko lang mapatunayan. Nakikita mo ba ito?” Pakiramdam ni Zhyn ay tatakasan siya ng kanyang dugo nang makita ang mga putol na hinliliit sa paa ng matanda. “Ito ang inabot ko nang isang beses ay sinubukan kong lumabas ng mansyon upang magsumbong sa pulis at upang tawagan ka. Ikinandado kami rito sa loob at dinadalhan lang ng makakain. Hindi ko magawang iwan ang iyong ama. Malaki pa sa aking buhay ang utang na loob ko sa mommy mo. Kayo na ang naging pamilya ko. Apat na taon na ang lumipas ng unti-unting pinaalis dito sa Villa Ollivion ang mga katulong. Sa mga panahong iyon ay nawawala na sa katinuan ang iyong ama. Alam mo ba kung ano ang masakit, Hija? Mismong nakakatandang kapatid ng mommy mo ang may gawa ng lahat.” “Si-si Tito Dave?” “Hindi na ninyo pag-aari ang Ollivion industry. Pag-aari na ito ngayon ng kapatid ng mommy mo. Kaya anak, ‘wag kang magagalit sa ama mo. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa sa buhay nang umalis ka.” “Yaya! Ah—Ha!” palahaw ni Zhyn matapos marinig ang lahat ng sinabi ng matanda. Walang pagsidlan ang labis niyang hinagpis. Mistulang hinihila ng paunti-unti ang mga ugat niya sa katawan sa labis na sakit na nadarama. “Ha-hali ka, ‘ya. Dadalhin natin sa ospital si daddy.” Laking gulat ni Zhyn ng labis na lumiwanag ang loob na bulwagan ng Villa. “Si-sino kayo? No! Bitiwan n’yo ang daddy ko! Mga wa—” Tanging pagpupumiglas na lamang ang nagawa ni Zhyn nang tapalan ng isang lalaking mukhang hoodlum ang kanyang bibig ng duck tape. Bumuhos ang malabagyo niyang luha habang nakatingin sa ama na walang awang tinusukan ng isang likido sa braso nito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pagod at namumulang mata ng kanyang ama. “Z! Anak . . .” Mistula itong Zombie na naglalakad palapit sa dalaga. Binitiwan siya ng dalawang lalaking may hawak sa kanya kasabay ng pagbukas ng isang forty inches led TV monitor. “Well, hello, my dear adopted niece.” Dilat ang mga mata ni Zhyn habang nakatitig sa malaking monitor kung saan nanggaling ang nagsasalita. Ito ay walang iba kung hindi ang kanyang Tito Dave. “Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Matagal nang nagdeklara ng bankruptcy ang Ollivion Industry. At para maisalba ito ay ako ang nagbangon nito mula sa pagkalugi. Buong puso rin na pumirma ang iyong ama para ilipat sa pangalan ko ang eighty percent na share ng kumpanya, na ako rin naman ang bumili upang pambayad sa mga nagrereklamo na mga naluging investors. Sapagkat kung hindi ko ‘yun ginawa ay matagal nang nakakulong ang walang kuwenta mong ama. And one more thing, Dear niece. Iilitin na rin ng bangko ang Villa Ollivion. Gusto mong malaman kung bakit? Nagkautang ang ama mo ng mahigit sa Fifty billion dahil sa sugal. Kahit buhay niya ay hindi magiging sapat upang bayaran ‘yun. Ang mali lang sa walang silbi mong ama ay sa loan shark pa talaga siya lumapit upang magkapera. Isa lang ang masasabi ko, honey. Nanganganib ngayon ang buhay ng ama mo, at ang buhay ng mga nakapaligid sa ‘yo.” Tila natuliro na si Zhyn sa kanyang mga narinig. Kusang natuyo ang kanyang luha at napatulala siya nang lumabas sa gilid ng monitor ang kanyang bestfriend at mommy nito. “Maging sila ay mapapahamak kung hindi mo ito gagawan ng paraan. Basura lamang ang pera at mga connections nila kumpara sa loan shark na pinagkakautangan ninyo. But in the brighter side, dito mo magagamit ang sarili mo.” Ilang sandali pa ay naging iba na naman ang lumabas mukha sa monitor. Ngayon ay litrato naman ng isang lalaking matanda. “Matutubos mo lamang lahat kung magpapakasal ka kay Mr. Valdemore.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD