Nakatayo siya sa may ’di kalayuan. Isang dingding lamang ang kanyang pagitan sa babaeng labis niyang kinamumuhian, ngunit hindi niya naman kayang pakawalan. Tila ba parte na ng kanyang buhay ang paulit-ulit itong hawakan mula sa dulo ng buhok nito, hanggang sa talampakan. She's vicious, she's a vixen, she's deadly . . . He says. And he keeps on saying it in the midst of his wanting. Hindi niya maunawaan ang biglang pagbabago nito. They were happy. She likes everything that he does to her. Pero ang hindi niya mawari ay ang pagbabago nitong humantong pa sa pagtatago nito dala ang kanyang anak. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang bagay na naging hudyat upang linlangin siya nito. Noon pa man ay iniisip na niyang pera ang dahilan. Ngunit hindi lang niya matanggap na nasilaw ito sa salapi na kung tutuusin ay pag-aari na rin nito. Bilang kanyang asawa ay pag-aari na rin nito ang mga bagay na kanya.
Hindi niya mapigilang ihilamos ang kanyang mga kamay. Muli ay pinagmasdan niya ang kakaibang kilos nito. It's been two years since his ex-wife left together with his five-year-old son. Napakasakit na pangyayari iyon sa kanyang buhay. At ngayon ay muli niyang nakita ang babae, subalit malaki na ang pinagbago nito. Sa kanyang pag-iisip ay isang tunog ng telepono ang pumukaw sa kanyang diwa.
“Mr. Mancova! Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa ’yo?” Agad na tumambad sa kanya ang gahamang boses ng matanda. Masama man ang budhi nito ay nasiyahan naman siya sa ginawa niyang business deal dito.
“I’ll immediately let your shipment pass without further ado in Stone city's border, Mr. Valdemore,” wika niya habang hinahawakan ang maliit na bulto ng babae na kanyang nakikita sa see through wall ng silid kung saan siya nagmamasid. Nakikita niya ito nang malinaw habang hindi naman kita mula sa kinatatayuan nito ang kanyang kinaroroonan.
“Ganyan talaga ang nagustuhan ko sa ’yo, Mr. Mancova. Diretso ka sa deal. Walang preno at pasakalye. Well, I supposed, nagustuhan mo naman ang aking regalo. I'll take your answer as a big exciting yes!”
“Wala ba siyang kasamang bata nang makita mo siya?” Hindi na niya napigilang itanong dito.
“Siya lamang ang tanging nakita ng aking mga tauhan. Maari mo naman siyang tanungin kung nasaan ang batang iyong hinahanap,” sabi nito na nagpakulo ng kanyang dugo. Sa nangyari sa kanyang anak ay nagpasya siyang hindi ito ipakilala sa mundong ginagalawan niya. Kaya niya itong protektahan subalit ang hindi niya inaasahan ay ang isa sa kanyang pinagkakatiwalaan ang mismong magpapahamak sa pinaka-iingatan niyang anak. Sa loob ng dalawang taon ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na nakakuha siya ng pulidong ebidensya na buhay pa nga ang kanyang tagapagmana. Hindi siya naniniwala noon na namatay ang kanyang asawa at anak habang papatakas sa Stone city nang sumabog ang bangkang sinakyan ng mga ito. Alam niya sa kanyang puso na buhay ang mga ito at nagtatago lamang.
“Anyway . . . Don't play tricks on me, Mr. Valdemore. You know what I'm capable of doing. Besides, I'm not a fan of your business. . . It was nice dealing with you, and I can't guarantee for the next time.”
“Mag-enjoy ka sana sa iyong paglalayag, Mr. Mancova,” wika nito bago tuluyang pinatay ang kabilang linya. Sa paraan ng pagkakasabi ng matanda ay nakaramdam siya ng kaba. Alam niyang tuso ito at marumi kung kumilos. Kaya noon pa man ay ayaw na niyang makipag-deal dito. Kung hindi lang dahil sa litrato na ipinadala nito sa kanya ay hindi siya makikipag-transact dito kahit na kailan.
Nang naibalik na niya ang kanyang telepono sa loob ng suit ay unti-unti na siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng babae. Ngunit bago magpatuloy ay sinipat muna niya ang kanyang sarili sa glass wall. Suot niya ngayon ang isang maskara na kahawig ng tunay na itsura ni Mr. Valdemore. Iiling-iling siyang napatitig sa dalaga habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon nito sa mukha niya. Ang kanyang wangis ngayon ay labis na kinatatakutan ng mga kababaihan dahil sa malaking pilat sa mukha at malagong mga balbas. Maging ang kanyang berding mga mata ay tinakpan ng abong kulay na mga lens. Sinisigurado lamang niyang hindi siya makikilala ng dating asawa niya.
“You look so naive and frail, Chelsy. Your angelic face covers your true colors . . .” Onyx mumbled as he was getting nearer to the woman. Habang papalapit dito ay nakikita niya kung paano ito naalarma. Napapangiti siya sa paraan ng pagkilos nito. ‘Maging ang iyong mga galaw ay inaral mo rin . . .’ Hindi niya mapigilang mamangha. Sa loob lamang ng dalawang taon ay marami na itong binago sa sarili. Kung hindi pa rin pareho ang mukha nito ay baka pagkamalan na niyang hindi ito si Chelsy. Maging ang buhok nito na paborito niyang inaamoy ay humaba na at sinadya pang ipakulot.
“M-Mr . . . Mr. Valdemore?” tanong nito, sabay lingon sa paligid ng may kadilimang silid. Sinadya talaga niyang patayin ang ilaw sa silid at tanging kandila lamang ang naging tanglaw nila upang hindi siya nito agad makita.
“Who else, Honey . . .” Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi niya sinasadya na matawag ito sa dating endearment nila. Mas pinag-igihan niya ang pagbabantay sa mga kilos nito lalo na nang madulas ang kanyang dila. Pansin niya ang bahagya nitong pagkislot nang mas lumapit pa siya rito. Napapangiti siya sa galing nitong umarte na mistula birhen at hindi pa nahahawakan sa sobrang yumi nang mga kilos.
“Ma-maari po ba kayong magpakita sa akin? Nais ko po kayong makilala,” wika nito na ikinataas ng kanyang kilay. ,‘Kailan ka pa naging ganyan ka pino kung kumilos at magsalita?’ Panay din ang titig niya sa suot nito. Tumataas ang kanyang kilay sa malamodelo nitong gayak. Simple lamang ngunit matindi ang dating.
“You already know that I look hideous . . . Would you still want to see me?”
“Ku-kung magiging asawa mo ako, dapat na akong masanay. At hindi naman nakakatakot ang iyong mukha. Nakakamangha nga, sapagkat nakayanan mo ang napakalaking sugat na iyong natamo.” Tumaas ang sulok ng kanyang kilay. Napapatango-tango siya at mas lalong napahanga sa matinding pagbabago ng ugali nito, maging sa paraan ng pagbibitiw ng mga salita.
“Asawa? Kaya mo ba iyong panindigan? O baka pera lang ang habol mo sa ’kin,” turan niya at mas pinagdiinan ang salitang pera. Nakapamulsa siyang nawiwiling nakatingin dito at nagmamasid.
“Sa ayaw ko at sa gusto ay mapapasa ’yo pa rin ako. Wala na akong mapagpipilian. Ngunit isa lamang ang masisiguro ka sa iyo, Mr. Valdemore, magiging tapat akong asawa. Pagsisilbihan kita sa abot ng aking makakaya.”
“Ahhh! A-an—”
“Akala ko ba ay hindi ka natatakot.”
“I . . . You startled me,” turan nito habang nakayuko. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito habang hapit niya ang balingkinitan nitong katawan. Nagtataka siyang napatitig sa nakayuko nitong bulto. Kakaiba ang nararamdaman niya sa katawan nito. Mistula bago sa kanya ang dalang init dulot ng pagkakadikit ng kanilang katawan. Inamoy din niya ang buhok nito, ngunit mas lalo lang nadagdagan ang kanyang pagtataka. Hindi ito ang samyo ni Chelsy na nakasanayan na niya.
“You smell different . . . And I’m loving it . . .” bulong niya at nagsimulang ipaglandas ang kanyang mga labi sa puno ng tenga nito. Napapatiim bagang siya sa labis na pagpipigil. Halos umakyat ang kanyang libido sa ulo niya nang marinig ang mumunting halinghing nito. Naging estranghera man ang pakiramdam niya rito, mas nagugustuhan naman ng kanyang sistema ang labis na pagbabago nito.
“Can we do our honeymoon in advance?” panunukso niya rito. Sa pagkislot ng katawan nito ay ramdam niya ang matindi nitong pagkabigla.
“I-I . . . uhm . . .”
“You're what, babe?” pabulong niyang tanong dito. Sa paraan ng pagresponde ng katawan nito ay nababanaag niya na hindi ito pamilyar sa ganitong mga bagay. Mistula itong baguhan at tila inaalam pa kung ano ang kanyang mga ginagawa.
“Mayroon bang magagalit kung sakaling angkinin kita dito mismo?”
“Wa-wala po. Sa sinabi ko na . . . I am indebted to you. And whether I like it or not, I was already owned by you. Ang nais ko lang ay sana panindigan mo rin ang mga napagkasunduan. Na sana ay hindi lamang purong sa salita ang mga iyon.” Kahit nanginginig ang boses nito ay ramdam niya ang pagiging seryoso ng mga salitang binitiwan nito.
Sa kanyang palagay ay mayroon itong naging kasunduan kay Mr. Valdemore na hindi naman sinabi ng matanda sa kanya. Ngunit wala na siyang pakialam doon. Ang tanging iniisip niya ay narito na ang susi upang mahanap ang kanyang anak. At sisiguraduhin niya na pagdudusahan nito ang lahat ng mga pasakit na dinanas niya. Gagawin niya ang lahat upang maging impyerno ang buhay nito.
“Look at me then,” sabi niya sa may panunukso na tuno. Unti-unti namang umangat ang nakayuko nitong mukha at ngayon ay malaya na niyang napagmamasdan ang walang kapantay nitong ganda. Saglit siyang nalula sa ganda nito. Pakiramdam niya ay ito ang unang beses na nasilayan niya ang mala-anghel nitong mukha. Ang nangungusap nitong tsokolate na mga mata ay sinusubukang mapasok
ang kanyang depensa.‘How stranged . . .’ nasabi niya sa kanyang isipan. Alam niyang hindi ito ang mga matang tinititigan niya sa tuwing pinagmamasdan niya ito.
“Uhm . . .” Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napaungol. Hindi niya inaasahan ang pagkilos ng malambot nitong palad sabay himas sa maskarang suot niya. Unti-unti nitong hinahawakan ang malaking pilat sa kanyang maskarang suot. Mistula kinakabisado nito ang pilat na nakaukit doon. Pansin niyang nawala ang takot nito sa mga mata at napalitan ng purong paghanga. Humahanga ito sa pangit niyang pilat. Ganoon ang pagkakaintindi niya rito.
“Alagaan mo lamang ako ay tutuparin ko ang lahat ng napagkasunduan natin, at ipinapangako kong gagawin ko lahat ang iyong naisin. Magiging tapat ako at iyong-iyo lang.” Sa sinabi nito ay nawala na ang kanyang unang depensa. Parang sinilaban ang buo niyang p*********i. Inangkin niya ang nakaawang nitong namumulang mga labi at mas hinigpitan ang kapit sa bewang nito upang mas lalo silang magkalapit. Hindi naman siya nabigo dahil gumanti ito nang halik. Sa una ay ramdam niyang baguhan ito, subalit hindi nagtagal ay mabilis din nitong nagaya ang kanyang paraan ng paghalik. Sinipsip niya ang halos lahat ng sulok sa bibig ng dating asawa. Nilasahan niya ang bawat parte nito na para bang ito ay napakasarap na putahi na sabay nilang nilantakan. Walang ibang maririnig na ingay sa silid kung hindi ang tunog ng kanilang mga labi at ang mumunting ungol na pinapakawalan nito. Ilang sandali lang ay kinarga na niya ang maliit nitong katawan at pinaglingkis ang mahaba at makinis nitong mga hita sa kanyang bewang. Hindi niya mawari, sapagkat ibang-iba ang pakiramdam niya sa katawan nito ngayon kung ikukumpara niya noon. Mistula isang panibagong katauhan ni Chelsy ang kanyang natagpuan. Maging ang natural na ganti nito sa kanyang mga kilos ay sa baguhan din. Ibang-iba kung paano ito sumasagot sa bawat kilos niya noon.
“Mr. Valdemore . . . Sir . . . Pasensya na po. Mayroon pong emergency sa Stone city.”
“F*ck!” sigaw niya sabay lapag nito pabalik sa sahig. Ngunit bago tuluyang umalis ng silid ay pinagmasdan muna niyang muli ang nakalihis nitong damit at magulo nitong buhok. Napapailing siyang nabibuwesit sa emergency na sinasabi ng kanyang tauhan samantalang may iniwan naman siyang namamahala sa mga negosyo niya sa Stone city.
“We’re not done yet . . .” bulong niya at tuluyan ng lumabas mula sa silid kung saan naiwan ang kanyang dating asawa na nakaupo sa sahig at parang wala sa sarili.