bc

His Submissive

book_age18+
3.9K
FOLLOW
14.1K
READ
drama
tragedy
serious
like
intro-logo
Blurb

Labi sa labi.

Laman sa laman.

Bugso ng damdaming dala nang init ng katawan.

Pusong nangakong hindi iibig kailanman, damdaming pinatigas ng kasakiman at pangangailangan.

Magawa kayang baguhin ng pag-ibig ang baluktot na pananaw ng isang pusong napalilibutan ng pader ng kabiguan?

Ano ba ang marapat na sundin? Utak bago ang puso? O puso bago ang utak?

Sino ang magpapaanod sa pag-ibig na walang tiyak na patutunguhan?

chap-preview
Free preview
Call
Hindi mapigilan ni Zhyn na haplusin ang pisngi nang natutulog na ama. Lasing ito nang umuwi kaya malaya niya itong pinagsisilbihan. Napabuntong-hininga ang dalaga nang mapadako ang kanyang paningin sa namumugtong mga mata nito at halos isang linggo nang hindi nakakapag-ahit. Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas nang ilibing ang kanyang ina. Isang hindi inaasahang pangyayari ang naglugmok sa kanila sa matinding kalungkutan. Maging ang dalaga ay hindi matanggap ang biglaang pagpanaw ng ina, subalit kailangang ipagpatuloy ang buhay. Nangako siya sa ina na kahit na anong mangyari ay hindi niya pababayaan ang kanyang sarili. Mistula nagugunita na nang yumaong ina na ganito ang mangyayari kapag ito ay nawala sa mundo. Sa unang araw na dumating siya sa Villa Ollivion ay hindi siya matanggap ni Sandro. Hindi ito payag na mag-ampon silang mag-asawa. Dahil sa pagmamahal sa kanyang ina ay pumayag na rin ito. Habang lumalaki siya ay nararamdaman naman niyang napapamahal na sa kanya ang ama. Lalo na nang nagpakita siya ng kagalingan pagdating sa larangan ng pagdidisenyo ng sapatos. Wala nang mahihiling pa si Zhyn subalit tila nagbago ang lahat nang nagkasakit ng kanser ang ina. Isang brain tumour ang naging dahilan ng biglang paglisan nito sa mundo. Lumipas ang mga araw at naging baliktad ang kanilang sitwasyon. Imbes na siya ang iniintindi ng kanyang ama ay siya ang umiintindi rito. Madalas itong late kung umuwi at labis kung magbabad sa trabaho. Minsan naman ay lingguhan ito kung umuwi kapag nag-a-out of town. Kung nasa bahay naman ito ay madalas nakaharap lamang ito sa kanyang laptop. Hindi na halos pinapansin ng kanyang ama si Zhyn. Pakiramdam ng dalaga ay kasamang inilibing sa hukay ng ina ang puso ng kanyang mahal na ama. Subalit, naiiba ang araw na ito sapagkat umuwi itong lasing sa unang pagkakataon. Lingid sa kaalaman ni Zhyn na ‘yon na ang magiging hudyat ng lalong pagkakalayo ng damdamin nilang mag-ama. Hindi naglaon ay lumayo na ang loob ng mag-ama sa isa’t isa. Kaya nang magpaalam si Zhyn na sa States na siya mag-aaral ay wala man lang itong naging pagtutol na labis nagpakirot sa puso ng dalaga. Hindi niya lubos akalain na darating siya sa puntong babalik siya sa pagiging isang ulila. Hindi man niya hinangad ang mapunta sa isang mayamang pamilya subalit ipinagkaloob ito sa kanya. Sapat na sa dalaga na hinayaan siyang mabuhay matapos tangayin ng dagat sa pampang. Maswerte siya at isang mabait na babae ang nakakita sa kanya, at ‘yun ang kanyang naging pangalawang ina. She was six years old nang ampunin ng mag-asawa. Matapos makaligtas sa nangyari ay wala na siyang maalala. Kaya simula noon ay abot hanggang langit ang pasasalamat niya at hindi na humiling ng ano pa man. Hilot-hilot ni Zhyn ang kanyang batok matapos ang maghapon niyang pagdidisenyo ng stiletto. Gagamitin ang mga ito upang ipresenta sa board, at ang mapipiling design ay maitatampok sa fashion galore. Dahil sa labis na pagtatrabaho ay nakalimutan na niyang mag-agahan at tanghalian. Napahawak si Zhyn sa gilid ng kanyang mesa nang nakaramdam siya ng pagkahilo. “Oh, God!” Naliliyo siyang umupo ulit sa kanyang upuan at hinilot ang sentido. Tatawagan na sana ng dalaga ang kanyang bestfriend nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. “D-daddy…” bulong ni Zhyn nang mabasa ang caller ID. Tutop ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang nabasa. It’s been six long years nang umalis siya sa Pilipinas. Walang patid ang pag-contact niya sa ama simula noon, ngunit wala man lang siyang matatanggap na response mula rito. Ramdam ni Zhyn ang bilis ng t***k ng kanyang puso habang naririnig ang ring tone. Nanginginig ang mga kamay ng dalaga na unti-unting dinampot ang telepono. “H-hello, D-daddy?” Hindi mapigilan ni Zhyn ang pumiyok. Naglandas ang kanyang mga luha habang sumusikip ang kanyang dibdib. Matagal na niya itong pinangarap, ang muling magbukas ang puso ng ama sa kanya. Wala siyang katiting na sama ng loob rito bagkus ay matinding pagnanais na makita at makasama itong muli. “Z-Zhyn, baby…” Tila mas lalong sumikip ang puso ng dalaga nang marinig ang paos na boses ng ama. Mistulang pagod at naghihikahos ito sa kanyang pandinig. “Dad, are you o-okay?” Hindi maintindihan ni Zhyn kung bakit tila ay tinatambol ang kanyang puso sa kaba. “Z . . . Help me,” matapos marinig ng dalaga ang sinabi ng ama ay isang nakabibinging call ended tone ang sumunod na bumulabog sa kanyang sistema. “Z! Oh my God!” Naririnig ni Zhyn ang boses ng kanyang kaibigan subalit, tila kumawala ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Labis ang nararamdaman na panginginig ng dalaga. “I-I’m okay.” “Nanlalamig ka Z, don’t tell me you’re okay. What happened?” “T-tumawag si daddy, and he’s asking for help,” Zhyn uttered with her shaking voice. Nini-nerbyos pa rin siya sa boses ng ama habang humihingi ng tulong. “What? Sinabi ba niya kung ano ang nangyari?” “Hindi niya sinabi. He just told me that he needs help.” “Do you want me to call mommy? Let’s tell her that Tito Sandro called you. Para mapa-check niya sa Pilipinas kung ano na nangyari sa dad mo.” “Hindi na, K. I have decided, uuwi ako ng Pilipinas.” “But, what about the fashion galore? Matagal muna ‘tong pinaghahandaan, ‘di ba?” “I know, but Dad is more important. Alam mo namang matagal ko ng inaasam na magkasama kami ulit. Na muli kaming maging malapit sa isa’t isa,” saad ng dalaga sa mabigat na boses. Matagal na niyang pinangarap na maisama sa mga fashion show ang kanyang mga disenyong sapatos. Subalit, halos tadhana na rin ang naglalayo nito sa kanya. “Are you sure about your decision, Z?” “Yes, I’m certain.” “Sasama ako. If you’re not here, neither am I.” “What? But, si Tita?” “What about, mom? Kung importante sa ‘yo ang daddy mo, importante ka naman kay mommy. Alam mong mas gugustuhin niya na samahan kita, kaysa umuwi kang mag-isa sa Pilipinas.” “Uhm, pinapaiyak mo naman ako, babe.” “Tsk! Ang drama mo. Anong araw tayo aalis?” “Gusto ko sana bukas. Aayusin ko lang ang—” “Hindi, si mom na ang bahala sa mga designs mo. Sasama ka sa akin ngayon sa bahay. Sasabihin natin kay mommy ang lahat ng mga plano mo, okay?” Tumango na lamang si Zhyn upang matapos na ang kanilang pag-uusap. Dahil kung magtatagal pa ito ay tiyak sa sermon na naman ang kanilang patutunguhan. Inaalalayan siya ng kaibigan habang naglalakad palabas ng building na kanyang pinagtatrabahuhan na pag-aari ng ina nito. Nagkibit-balikat na lamang si Zhyn dahil pinagtitinginan sila ng kanilang mga katrabaho. Minsan ay na isyu na sila na mayroong namamagitan na isang romantic relationship sa pagitan nilang dalawa. Na kesyu tomboy ang kaibigan dahil sa paraan ng kanyang pananamit. Mahilig sa jeans, leather jackets at sapatos si Karina. Habang siya naman ay napaka-femenine kung manamit. Nakarating na rin sa kanila ang tsismis na pumapapel siya upang makuha ang biggest break na matagal na niyang gusto. Hindi na lang nila ito pinansin na mga balita, habang ang mga talagang nagpakalat ng balita ay sinisante ng ina ni Karina. “Ito Z, kainin mo habang mainit-init pa,” sabi ni Karina nang nakaupo na sila loob ng sasakyan. “Binilhan kita ng beefsteak na paborito mo. May fried rice at carbonara r’yan, ubusin mo at ng mawala ang labis na pamumutla mo. Ano ba ang nakain mo at ‘di ka nag-agahan, huh? Kung ‘di pa ako tinawagan ng admirer mo ‘di ko malalaman na halos patayin mo na ang sarili mo sa pagdidisenyo na ‘yan,” medyo galit na may halong pagtatampo ang boses ng kanyang kaibigan. Napapangiti na naluluha si Zhyn habang nakikinig sa sermon ng matalik na kaibigan. “Medyo na-busy lang naman ako,” saad ng dalaga habang nilalantakan ang pagkain na dala nito. “Alam mo Z, pag-ikaw nagkasakit d’yan sa pangarap mo na ‘yan, hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin,” pabulong na turan ng kaibigan na nagpa-lungkot sa kanya. Hindi siya manhid upang hindi maramdaman na kakaiba ang pagmamahal at pag-aalala sa kanya ng kaibigan. Alam ng dalaga na may pagtatangi ito sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Subalit, ayaw niya itong masaktan. Mahal niya si Karina bilang kaibigan at kapatid. Hindi na niya kayang ibigay ang nais nito. Pero gayun pa man ay sinarili na lamang niya ang mga nakikita sa kaibigan. Malaki ang utang na loob ni Zhyn kina Karina at sa momny nito. Kaya nangako siyang hindi sasaktan ang puso at ang ego ng kaibigan. Hangga’t wala naman itong ipinagtapat sa kanya ay makakaya niyang lunukin ang lahat. Mahigit thirty minutes din ang itinagal nina Zhyn sa kalsada papunta sa mansyon ng kanyang tita. Nang maka-baba sa sasakyan ay agad siyang sinalubong ng makukulay at malulusog na mga bulaklak na pananim nito. Nang makapasok sila sa masyon ng mga Brent ay agad siyang niyakap ng kanyang Tita. “Shhh, I know what happened. Nai-book ko na ang flight ninyo ni K pauwi.” “But . . .” Nangingilid ang mga luha ni Zhyn habang niyayakap ang butihing Ginang. “I no longer know how to repay you, Tita.” “You don’t have to repay me. I can never repay your mother’s goodness. I love her, so I love you. Bukas na ang flight ninyo kaya ay ayusin n’yo na ang inyong mga gamit na dadalhin.” “What about the design’s that—” “It’s okay, honey. Ako na ang bahala.” “Uhm! Feeling ko, ampon ako rito,” nakangising saad ni Karina habang umaarteng nagtatampo. “Oh, baby. Come to mommy at baka gusto mong dumede.” “Mom!” Sinulit ng magkaibigan ang kanilang natitirang oras sa States. Matapos magpaalam sa ina ni Karina ay sabay na tinahak ng magkaibigan ang daanan papasok sa eroplano nang tinawag na ang flight nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook