Habang nag-uusap sila ni Fifi ay panay din ang ayos niya ng mga pintura upang simulan ang kanyang pagpinta. Ngunit, kahit ginagawa niya ito ay lumilipad ang kanyang isipan sa idiyang bigla na lamang niyang naisip. Nag-aalangang tumingin siya sa bata na nginitian naman siya nang magtama ang kanilang paningin. “May nais ka po bang itanong sa ’kin, Ate Chelsy?” Napailing siya at alanganing ngumiti. Mistula nababasa nito ang kanyang iniisip basi sa reaksyon ng mukha niya. “A-ako. May alam ka ba kung sino at ano ako noon? May narinig ka bang usapan ng iyong mga magulang o kaibigan?” kinakabahang tanong niya rito. “Uhm . . . Hindi ka po ba magagalit kung sabihin ko ang aking mga narinig na tungkol sa ’yo?” “Kahit ano pa ’yan, Fifi. Tatanggapin ko. Mabuti na ang kahit na ano kaysa wala.” “Na