Dalawang linggo na ang lumipas simula nang unang pagkakataon na naramdaman niya kung paano maging tanga at mag manhid-manhiran. Patuloy man niyang nakukuha ang kalayaang kumilos sa loob ng mansyon, hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may nag mamatyag sa kanya kahit na hindi pa niya ito nakikita. Iniisip niyang wala na siyang pakialam kung patayin man siya ng lalaking mahal niya. Ang importante ay maalala niya kung sino siya at maalala niya kung nasaan ang anak niya. Labis na siyang nababahala dahil kung siya ang kasama nito st ngayon ay narito siya, hindi nila masisiguro kung nasa mabuti itong mga kamay. At kung kaninong pangangalaga ito napunta. Naglalakad siya ngayon sa may pasilyo patungo sa kinaroroonan ng mga pintura. Hindi katulad ng mga nakalipas na araw kung saan nakahiga l