Tatlong oras na ang lumipas simula nang patakbo siyang bumalik sa loob ng kanyang silid. Hindi na niya ininda ang mga galos sa kanyang tuhod at ang mababasang sahig, kapag pumasok siya sa loob ng mansyon na gano’n kabasa ang suot. Sa ngayon ay saka pa lang niya naramdaman ang mga sugat na kanyang natamo. “Hay! Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip! Ilang araw kaming hindi nagkita tapos ngayon na narito na siya, galit na naman siya sa ’kin agad!” Panay ang padyak niya ng kanyang paa na parang bata. “Nakakainis talaga! Ngayon pa na narito si Ms. Gia. Hay!” Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Inayos niya muna ang suot niyang malaking T-shirt na umabot hanggang hita niya. Iniisip niyang desperada na kung desperada. Ngunit ngayong gabi ay plano niyang makuha ang atensyon ni Onyx hang