Dinaig pa ni Chelsy ang kidlat sa bilis ng kanyang kilos. Nang makapasok na siya sa loob ng silid ay tahimik lamang siyang nakatayo sa gilid ng kama at naghihintay ng susunod na utos nito. Nilalamig na siya dahil sa airconditioning ng silid subalit nagtiis na lamang siya dahil baka mas magalit pa si Onyx sa kanya. ‘Well, I guess . . . Tagumpay ko namang nakuha ang atensyon niya. Kaya, bahala na si Batman kung masasaktan na naman ako. Basta nakuha ko ang aking goal. Its worth the pain!’ Iniisip niya habang kanyang nilalaro ang kanang daliri niya sa paa, gamit ang kaliwa. Nagdadalawang isip siya kung titingin ba siya sa gawi nito o hindi. Napapansin niyang sa tuwing nariyan ito ay laging ’yan ang kanyang problema. Para sa kanya ay pasakit sa buo niyang katawan ang makita ang nakakaakit nito